Ch.18- Welcome to my 18th Birthday! (Part 1)

49 2 2
                                    

A/N:

Medyo maikli lang po ito dahil kinulit lang po talaga ako ni Jaysan2123 kaya idededicate ko na lang ito sa kanya. HAHA. Pasaway ka! Kaya para sa iyo  to ^__^v

Ch.18- Welcome to my 18th Birthday! (Part 1)

So eto na talaga?? Birthday ko na?? Shhh.. Bakit ako kinakabahan? Birthday ko lang diba? -_- 

Ano ba tong suot ko? >__> 

Kailangan ba akong magpakababae ngayon? May mga make-up pa! Tschhhh!

Kinulayan pa nila ng blonde yung buhok ko para daw bumagay sa red dress ko. 

Actually tapos na akong ayusan, hinihintay ko na lang matapos yung kapartner ko na si Zeus. 

Si Cass yung nagayos sa akin as usual. At hindi ko pa sinasabi sa kanya yung pinagusapan namin ni Zion kahapon sa bar kahit kanina niya pa ako kinukulit.

DUH! Sinong tao ang magsasabi nun?? Tch! Siya ang umalam! May gusto din naman pala sa kanya si Zion tapos hindi niya mahalata? =__=

"Iv'e decided, i'll forget Zion." Wow? Parang naging sila lang uh? Pero HINDI PWEDE!! 

Pagkatapos kong iencourage si Zion kahapon masasayang lang? ~_~

"Tangengot!" Tumayo ako at saka siya binatukan. "Wag ka ngang maginarte diyan! Kalimutan mo muna yung problema mo ngayon ah? Kahit ngayong Birthday ko lang." 

Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap. "Thanks." Okay, what was that for? Sinabi ko lang na kalimutan niya yung problema niya ngayon tapos nag thanks na siya agad? Weird..

Lumayo siya sa akin at tumingin sa taas na parang nagiisip.

"Anyways.. Sino nga pala yung kaparnter mo?" Ahh.. oo nga pala, hindi nila kilala si Zeus. Since never ko namang nakwento sa kanila yung mga nangyari dun sa Paris. 

Alangan namang sabihin ko na siya yung ipinagkasundo sa akin ni Mama baka mabasag lahat ng mga salamin dito sa  pagsigaw niya.

"Ah, wala wala. Anak ng friend ni mama." Pagtatanggi ko. Pero ewan ko na lang pag nakita nila si Zeus, alam kong sasabihin ni Zeus na fiance ko siya kahit never naman akong pumayag.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

"Oh, mukhang nandiyan na yata yung partner mo." Tumayo si Cass at saka binuksan yung pinto.

O_____________O

Shit! Siya ba talaga yan?!!!

WALANGYA! Pwede pa pala siya gumwapo ng ganyan bakit hindi niya ginawa dati?? 

WOW! Just WOW! Hindi ako makapaniwala na siya yang kaharap ko.

Ang GWAPO niya sa suot niya. Naka all white tuxedo siya pati yung shoes niya. Tapos yung buhok niya! SHEEM!!

"Zion." Mahinang bulong ni Cass at saka tumalikod. 

Tae!! Ang gwapo na nga ng kaharap niya sinusupladahan niya pa! Pero sa loob loob niyan TAMO! 

Ngayon na pala ang DAMOVES nitong si Zion kay Cass. Tsk! Makaalis na nga.

Hahanapin ko na lang yung kaparnter ko =__= 

Pumasok si Zion sa loob at ako naman, dahan dahang lumabas :P

ASAN NA KAYA YUNG LALAKING YUN??? 

Naglakad lakad ako para hanapin yung kwarto niya ng makita ko si Zaria.

"Lex, nakita mo ba si kuya?" Sorry, bawal kong sabjin sa iyo kung nasaan si Zion ^__^ Bawal silang maistorbo ni Cass *u*

"Ah, hindi eh. Bakit?" Ako na lang magsasabi kay Zion kung may ipapasabi man siya.

"Ahh. Kasi may naghahanap sa kanyang babae eh." BABAE??! Putek! Papalya pa ba ang plano ni Zion ngayon?! Wag na! Masugod nga yung babaeng yun!

"Ah, sige ako na lang magsasabi sa kanya. Nasaan ba yung naghahanap sa kanya?" Kahit pinagbabawalan ako nila tita na bawal daw muna ako magpakita sa mga bisita hanggat hindi pa nagsisimula yung program eh wala akong magagawa. 

"Ah nandun sa may table 3." Tinuro niya yung table at saka umalis. 

TSK! Sorry siya! Kung isa siya sa naghahabol kay Zion, pwes may lover na siya! :P 

Agad akong pumunta sa table 3 at nakita ko na may babaeng nakaupo pero nakatalikod sa akin. 

EHEM! Eto na! MOMENT OF TRUTH!

"Excuse me Miss." Tinap ko yung likod niya at unti unti siyang humrap.

"Baki--" Halos namagnet ako sa kinatatayun ko ng makita ko yung mukha ng babae.

Parang umurong yung dila ko at hindi ko masabi lahat ng gusto kong sabihin sa kanya kanina.

At ganun din siya, nagulat siya ng makita niya ako..

"M-Mikki?" 

"Lexi" 

____

A/N

HOPYA MANI POPCORN! Sabi ko sa inyo maikli eh! PWAHAHA!

E kasi naman, parang spoiler lang ito na may dadating na naman paepal na problema sa storyang ito!

SINO KAYA SI MIKKI?? At ganun na lang makareact si Lex?? 

ANO KAYA ANG GAGAWIN NIYA??

ABANGAN sa Sunday at 8:00 pm! :)))

*Shenzen

Strangers Again (END- not gonna update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon