Ch.21- I Promise

42 1 0
                                    

Ch.21- I Promise

Hindi pa din ako makapaniwala na ang gwapong Denzel na 'to ay nagawa akong kidnapin. Eto ako ngayon nakaupo at naghihintay na kung sino mang nilalang ang pwedeng sumagip sa akin. Although I think it is really weird dahil nakakahinga pa naman ako ng maayos. Nakakadekwatro pa naman ako. What I mean is, hindi hiya man lang ako tinalian, nilagyan ng tape sa bibig or whatsoever. 

Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan kung may messages or missed calls pero wala! Grabe! Ang walang puso kong bestfriend hindi talaga nagreply! I'm stuck up here Eli! Help me! Urgh! 

1 hour na ang nakakalipas simula ng sumama ako kay Denzel. Tumingin ako sa likod para tingnan kung nakasunod pa sa amin yung dalawang kotse. Kasi nga diba tatlo sila? Yun nga lang hindi ko pa kalam yung pangalan nung dalawa pa niyang kasama. 

Tiningnan ko at ayun nandun pa naman sila. Medyo nawala naman yung kaba ko ng makita ko yung kotse nila kasi kahit papaano parang ang yaman naman nila para kidnapin ako diba? May tigiisang kotse tapos malalaman mo KIDNAPPER pala? What a joke! Tch. 

Maya-maya naramdaman kong nagstop na yung kotse. Ng tingnan ko naman yung paligid parang nasa probinsya na kami???? Well ang OA ko naman masyado. Pero kasi puro mga damo. Tapos madaming mga puno! -__- 

Bumaba siya ng kotse at ako naman bababa na sana ng pinagbuksan niya ako ng pinto. EHHH!! Bakit ang gentleman niya?? Now I have my second thought na pinagtitripan niya lang ako sa kidnap thingy na yan! >___< 

Bumaba na din ako at nakita ko yung dalawa pa niyang kasama na bumaba na din sa kotse nila. 

"Re'rapin niyo ba ako dito?" Gosh! When did I think of that! Mamaya kung ano pang isipin nila na gusto kong magpahalay sa kanila, which is no way in freaking way na mangyayari! 

I'm just stating a conclusion here! Nasa bukid kami, kami lang yung tao. Sao may possibilities na re'rapin nila ako dito pagkatapos cho'chopchopin yung katawan ko at ililibing... or not? Tch!

"You're really funny! Hahaha. Come on! I bet he's tired of waiting." 

"Waiting?? So seryoso talaga kayo na kidnappers kayo??" 

"Maybe?" Sabi niya tapos nginitian lang ako.

Maybe?? Anong klaseng sagot yung MAYBE diba?? Kung pwede lang tanggalin yan sa dictionary tinanggal ko na! Nakakabwisit kaya yung ganyang sagot! 

Strangers Again (END- not gonna update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon