Mog's POV
Kitang kita ko sa mukha ng babaeng katabi ko na nilalamig siya dahil napakalamig naman talaga ng simoy ng hangin dito sa dalampasigan at hindi ako nag atubiling ipatong sa kanya ang jacket na dala ko...
Habang pinagmamasdan ko ang karagatan di ko maiwasang tumingin sa kasama ko na sobrang relax na relax na nakatingin lamang sa malayo at payapang payapa. Inexamine ko ang kanyang mukha, mula sa kanyang mata, ilong at huminto ako sa kanyang mga labi ng bigla siyang nagsalita. " 3am na pala" sabi niya ng hindi tumitingin sa akin. Tumingin ako sa aking relo at nakita kong 3am na nga, hinde ko namalayan ang oras dahil sa kapayapaang aking nararamdaman malayo sa mga problema at malayo sa totoong magulong mundo..
Maya maya ay tumayo na ang babaeng kanina ko pa nakakasalamuha pero hindi ko pa din alam kahit ang pangalan niya, kaya't di nako nagatubiling tanungin siya dahil tuloy tuloy siyang naglakad pagtapos magpa-alam na siya ay magpapahinga na.. nahihiya man akong magtanong dahil ayong isipin niyang katulad ako ng lalakeng kanina ay binastos siya
But I really want to know her name..I laugh when she introduced her name, she's really cool.. tumatak sa isip ko ang sinabe niyang "single" at tumawa siyang binawe at dinugtungan ang sinabe " I mean im not with someone" kitang kita ko ang ngiti niyang lalong nagpaganda sa kanyang mukha. "Mas maganda ka kapag nakangiti at hindi palaging nakasinghal" sabi ko sa aking isipan. Napaka jolly ng personality niya kaya't alam kong magkakasundo kame kaya't mabilis kong binawian ang biro niya na siningit ko habang nagpapakilala sa kanya " willing to change your surname to mine, nice too meet you future mrs.gonzales" at kita ko sa kanyang mukha ang pigil na pagtawa at tumalikod na siya at nagpahabol ng salita "see you around".
Muli akong tumingin sa payapang karagatan at tumingin sa babaeng kanina ay kasama ko habang papalayong naglalakad pabalik sa hotel.. at ng hinde ko na siya natatanaw ay bumalik ang tingin ko sa dagat "That girl is amazing" sabi ko sa aking sarili ng nakatawa. Bumalik sa aking isip ang eksena kanina ng bigla niyang sinapak at tinuhod ang lalakeng binastos siya "Ang tapang nung may kasama na, pero paiyak na nung nakita niyang mukang di siya titigilan ng mokong na lalake kanina" pailing iling kong sabi. Natawa ako ng makita ko ang itsura ng lalakeng namimilipit sa sakit at biglang nagsalita "Lets go babe" sa pagkagulat ko hinde agad ako nakapag react at natauhan lamang ako ng bigla siyang nagsalita ulet. "Babe pala ha" sabi kong muli sa aking sarili. Gusto kong mas makilala pa ang babaeng yun at hindi ko alam ang dahilan kung baket, siguro dahil iba siya sa mga babaeng nakakasalamuha ko, o talagang interesado ako sa kanya dahil talagang nakuha niya ang atensyon ko..
Nagpalipas pa ako ng ilang minuto sa aking pwesto bago nakapagpasyang umakyat at magpahinga sa aking kwarto.. Naligo ako katulad ng aking nakasanayan bago matulog
Habang naliligo narinig kong tumutunog ang aking cellphone
"Sino naman kayang natawag sakin ng ganitong oras?" Pagtapos kong maligo nakita kong si mark ang tumawag, "Malamang tungkol nanaman to sa hospital" sabi ko. "IS EVERYTHING OKAY? how's the hospital? tipid kong text kay mark. Si mark mark ang bestfriend ko at halos secretary ko na din, doctor din si mark gaya ko.. at siya din ang nagplano ng bakasyon na ideyang ito.. "Siguraduhin mo lang na hinde matatambak ang mga trabaho ko sa hospital, You know I hate that.." sunod kong text sa kanya.Nagbihis at humiga na ako sa kama ng biglang pumasok sa isipan ko ang babaeng nasa katabing kwarto ko lamang "Tulog na siguro yun" sabi ko at pumikit na at natulog..
YOU ARE READING
When Love hits You...
RandomIt's about a woman who is afraid to love again, and a man who's not into commitment... How love will make a way? To bend them together? When love hits you......