하나 Hana: Chat room

852 23 44
                                    

 C H A P T E R ONE
---------------------------------------------------------------------                                          

"Number 10. Time na!"

"Ai, P*cha!" napamura ako pagkatapos kung marining ung number ko na “time’s up” na. Naman oh, kung kailan naman ako nag e enjoy sa pag ba-browse ng net saka pa nag time.

Wait, baka nmn may barya pa dito sa wallet ko. Yes! meron pa!

"Ate," Umangat ako ng konte para makita si ate na nasa counter malapit sa pintoan. "Extend. Half-hour lang".

"Okay" sagot ni ate Nene sa akin.

I’m Maggie Fernandez. Social ng name ko no? Pero ang estado ng buhay ko ay super opposite ng pangalan ko. You get the gest? Swerte na nga ako na nakapag aral sa isang United Nation International School and I'd like to stress the point that whoever named this school must be very confused when that happened -did you get the point? The school also known by its abbreviation, UNIS.

Well, si Sir Park -Seo Yoon Park, ang mayamang kapitbahay namin ang nagmagandang loob na tumulong sa akin para makapasok sa UNIS. Nagtatrabaho kasi ang nanay Yna ko sa kanila bilang katulong at in fairness naman, malaki-laki din ‘yong sinasahod nya. I am already at my 5th year sa UNIS, so basically limang taon na siyang nagpapaaral sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi. :D

Mula no’ng nauso ang Internet ay natambay na ako lagi dito sa Internet Cafe ni Lola Techy. Sabi niya hindi daw katulad nung artista ang pronuncation nyan, kundi "Techie". Eh, hindi pa kasi nauso ang Internet sa bahay namin kaya dito muna ako nakikiuso.

"Oi ano yan?!"

Napaangat ako nang bahagya sa kinauupoan nang biglang may nagsalita sa likoran ko. Haist! Ang F4 na naman.

Meet the f4 = Fred Tyler(half-american), Franzel Castro(Pure Pilipino na parang kano ang hitsura. Pooogiiii!), Frank Nahm (sabi niya Nahm Frank pagbasa nito kasi Korean siya pero matagal na daw siya sa Pilipinas) at si Fin Blight (short for Finnigan, half-Irish). Sila ang most wanted people sa list ko if ever magiging pulis ako. Sila ang kauna-unang huhulihin ko at ipatapon sa “smokey mountain” para ma recycle ang mga ugali nilang kasing baho ng basura. Abot hanggang Mercury ang pagkabully nila sa akin. Sa grupo si Fred at Franzel ang pinaka-bully at sobrang magaslaw.

Si Fred ang unang sumilip sa screen ko. ‘Yong tatlo nanatiling nakatayo sa likoran ko at nakatitig lang sa monitor. Nakakalukang ngiti ang nakapaskil sa mga mukha nila excet for Nahm Frank. Nanatiling seryoso at parang galit lagi.

"ANO?!"Sabay takip ko sa monitor ng computer at nakakunot ang noo. Sh*t! Anong nakita nila? Nakakahiya. May ka-chat pa naman ako. Nagsusumigaw sa isip ko.

"Abaaa..naghahanap ng kano? Patingin?"Pilit inaalis ni Franzel ang mga kamay ko sa monitor habang sinusubukan ni fred na basahin ang nasa chat box sa screen.

"care....chat?”sigaw ni Fred. Dahil sa mas malakas sa akin si Franzel ay nagawa niyang mapa alis ang mga kamay ko sa screen. Ganoon pa man ay nagpupumiglas pa rin ako sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Niyakap ko ang monitor ng finally nakawala ako. Sabihin ng old fashion pero bakit ba, ehhhh sa yahoo messenger lang meron ako eh.

"Ano ba?! Umalis na nga kayo dito! GUARD!" Sigaw ko sa kanila habang nakatalikod ako. Mangiyak ngiyak na ako dahil sa hiya at pag aalalang makita yong "cycling" ko. Ikaw ba namang naka 4-inches above the knee na checkered uniform. Bahala na! Cycling lang naman kaysa sa ipagkalat nila ang nasa chatbox ko.

Korea and MaggieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon