스물 seumul: What happened then...

133 5 6
                                    

                                              ♣ C H A P T E R TWENTY

Naiwan akong nakatulala sa kinatatayuan. Nakita kong hinila ni Dana si Nahm pabalik sa sopang inupoan namin kanina. Masayang nakikipag usap si Dana and with respect, Nahm responded to the conversation appropriately. Tumatawa din ito paminsan-minsan. Bumalik na din sa kitchen ang mga katulang at pinagpatuloy ang paghahanda. Si Dad ay tuloyan na ngang pumasok sa kwarto niya.

“M-Maggie?”

Maingat at tahimik na tawag ni Nanay Yna sa akin. Nang hindi ako kumibo ay lumapit siya at hinawakan ang mga kamay ko. I was completely shocked and rooted on the spot where they left me. I still can’t accept that that was true. Napalingon ulit ako kay Nahm. Parang wala lang sa kanya ang lahat. Parang matagal na niyang alam ang katutuhanan. Ni hindi man lang ito na-shock no’ng sinabi ni Daddy’ng anak siya nito.

“Nay, alam mo ba ito?”

Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa din sa direksyon nila Dana at Nahm. Mga ilang minuto ang lumipas pero hindi pa din sumagot si Nanay. Tahimik pa din itong nakahawak sa aking mga kamay. Nakita ko siyang malungkot na nakatingin din kina Dana nang nilingon ko siya.

“Bakit di mo sinabi sa akin?”

Ang hindi pagsagot ni Nanay sa una kong tanong ay kompermasyon na totoo nga ang sinabi ni Dad sa amin kanina. I feel betrayed dahil alam na alam ni nanay ang nararamdaman ko para kay Nahm. Bakit pa niya pinaabot sa ganitong estado ang nararamdaman ko kung hindi naman pala pwede?

Nilingon ako ni Nanay at naluluhang pinisil ang mga kamay ko. Kita ko sa kanyang mga mata ang awa at paghingi ng tawad sa hindi niya pagsabi sa akin.

“Kagustohan ni Sir Park ang itago sa inyo ang katutuhanan at ayaw ko ding pangunahan siya. Kaya pasensya kana sa hindi ko pagsabi sa iyo.”

Tuloyan ng tumulo ang luha ko sa sinabi ni nanay. Baliwala lang pala ang pagsisikap kong mapalapit sa lalaking naging instant brother ko. What hurt me most is ang nag-iisang pinapangarap kong lalaki ay hindi na pwedeng maging akin. It will be incest if I would pursue this. I have to unlearn what I learned while chasing him. It may take awhile but I have to try.

Ang Pasko na iyon ay naging ordinaryong araw nalang. Ang Noche Buena ay nabalot ng katahimikan at awkwardness. Personally I feel weak pero kitang-kita sa mukha ni Dad at Dana ang tuwa dahil sa pagdating ni Nahm. Ako lang yata ang nag-iisang gumuho ang mundo dahil sa katutuhanan.

Dalawang buwan pa ang lumipas bago ko natanggap na ganito na talaga ang estado ng buhay namin. Sa guest room na katapat ng kwarto ni Dad, na katabi ng kwarto ko ay doon natutulog si Nahm. Dahil sa araw-araw ko na siyang nakikita ay nasanay na din ako sa presensya niya.

Sa simula ay nahihiya akong kausapin siya at ilabas ang tunay na ako kay Dana. I mean, duh, we always faught –fine! I bully her at times. Pero sa paglipas ng araw ay nakita na din niya kung paano ko tratohin si Dana at hindi na din ako nakapagpigil. I mean hindi ko naman siya minamaltrato or something, there is just some unseen things na nakakapag-irita sa akin. No way na magpa-cute pa ako dahil kapatid ko na siya.

“Oppa!”

Nasa hallway kami ng UNIS. Mag-iisang taon na ang nakalipas mula ng maging kapatid ko si Nahm. Freshmen students na din kami ni Dana sa school ni Dad. Dahil sa andyan na si Nahm ay medyo nagbago ang pakikitungo ko kay Dana. Well, I’m not that mean to her anymore. I can’t be that mean when Nahm is watching but I’m still am.

Korea and MaggieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon