스물넷 seumul-net: Smother me

104 4 10
                                    

                                              ♣ C H A P T E R TWENTY-Four

Kinagabihan ng araw na iyon ay dumating ang mga taong hindi ko inaasahang bibisita sa akin. At least they have the decency to visit me even if they're prentending to be someone else for the past 3-years.

Unang dumating si Sir Park na may bitbit na boque ng bulaklak at isang baskit ng prutas. Naka white polo at naka khaki pants na pinarisan ng brown leather shoes ang soot niya. Namumula ang pisngi nito as usual dahil sa lahing Koreano. Sa kanya yata nakuha ni Nahm ang pagiging maputi at chinito nito.

"Maggie, how are you?" malawak ang ngiti nito ng humarap sa akin.

"Okay lang" wala sa sariling sagot ko, pero natauhan ako ng tinapunan ako ng masamang tingin ni nanay. "..po. Okay lang po ako" at nginitian si Sir Park.

"Buti naman. Namimiss ko na ang pagiging makulit mo sa tuwing binibisita ko kayo."

"Hindi naman ako makulit eh. Maldita kaya ako sa totoong buhay."

Umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin kay nanay. Akala niya siguro ay hindi ko mahahalatang naalala niya ang Maggie noon. *smirk* You have no idea. Iwan ko ba kung bakit ganito na naman ang ugali ko. I hate myself for being like this. Siguro ganito talaga ako and maybe the Maggie that I knew was my alter-ego.

"Biro lang po! *Peace sign*" sabi ko ulit.

"Hahaha.. Ikaw talaga. Anyway, pwede bang tumambay dito?" Walang paa-paalam ay naupo siya sa sofa at nilipat ng channel ang TV gamit ang remote. Natawa si nanay sa inakto ni Sir Park dahil at home na at home kasi ito.

Tok! Tok!

Nagkatinginan kaming tatlo dahil gabi na at hindi na pwede ang bisita.

"Pasok" sigaw ni nanay.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Dana. Medyo na disappoint ako kasi akala ko ay ang taong ine-expect ko na ang papasok sa kwarto ko.

"Hello Tita." Sabi niya sa nanay ko.

Pinagmasdan ko ang mukha niya kung anong tatawag niya sa ama niyang nanatiling nakatitig sa TV.

"Good evening po." Tawag pansin niya kay Sir Park na lumingon at tumango lang ito sa kanya. Psh! Jjinja (Really) Hanggang kailan kayo magpepretend? Kumento ko sa isip.

"Uhm, Bestie." Nag-aalangang tawag sa akin ni Dana. Sa ekspresyon palang niya alam niya baka magalit ako sa hihilingin niyang pabor.Tiningnan ko lang siya with a question mark look. "May sumunod kasi sa akin dito.. Uhm... P-pde ba daw'ng bu-bumisita?"

Tumaas ang kilay ko. Sinu-sino naman kayang sinungaling ang makikita ko ngayon?

"Kung ayaw mo, sabihin ko nalang." Mabilis niyang bawi sa sinabi at mabilis na umikot pabalik ng pintoan.

"Hindi. Hindi na. Papasokin mo sila." Sabat ni nanay at ngintian si Dana saka ako tinaponan na masamang tingin.

"Ako na naman nay?" sagot ko kay nanay gamit lang ang aking mata. Para na kaming may telepathic ability ni nanay dahil nakakapag usap kami gamit ang mata.

"Behave!"

Tinaasan ko si nanay ng kilay. "Ano ako aso?"

Binuksan ni Dana at kinausap ang mga tao sa labas. "Pasok na daw kayo."

Korea and MaggieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon