스물여덟 seumul-yeodeol: True Friend

92 3 8
                                    

                                              ♣ C H A P T E R TWENTY-Eight

“Hi”

Bati ni Dana sa akin nang makalapit kami ni Nahm sa harap ng Flag pole para sa flag raising. Then, she gave me a tight smile.

“Hi, Bestie!”

Masayang bati ko sa kanya, napaplastikan na ako sa sarili ko pero I have to be the same Maggie before all this turmoil. Medyo nagulat pa siya sa sinabi ko dahil hindi niya siguro inakalang Bestie pa rin ang itatawag ko sa kanya sa kabila ng revealation ko. Tumango lang siya at tuminingin sa harapan.

Sa hulihan ng linya ay nakita ko sina Mika, Jess and Loise. Jess is talking animatedly in a maarte way and Loise with Mika were smiling and laughing while watching her. Nakakamiss makinig sa kikay at maarteng kwento ni Jess.

“What’s wrong?” Narinig kong sabi ni Nahm.

“Nothing” sagot ko habang nakatingin pa rin sa direksyon ng tatlo. Sinundan ni Nahm ang aking tingin at nagbago ang ekspresyon niya nang tumingin siya ulit sa akin. Sa ekspresyon ng mukha niya alam ko’ng nagtataka siya sa inaasal ko patungkol sa tatlong tinatawag nilang “mean girls” dahil sa pagkakaalam niya hindi ko naman sila tinitigan ng ganito katagal.

“Why are you still here?” ibinaling ko kay Nahm ang aking tingin bago ko madagdagan ang pagtataka niya at magiging hinala ito ng pagbabalik ng nakaraan ko.

Nginuso ko ang lugar kung saan siya dapat naka-line, ang lugar kung saan naroroon ang ibang myembre ng F4.

“Oh! Yes, I’ll see you later.”  Parang nagulat siya nang mapagtanto ang tinutukoy ko. Naglakad si Nahm patungo sa linya kung saan naroroon ang mga kaibigan.

 

“Stop pretending.” Narinig kong sabi ni Dana mula sa aking likuran nang makalayo na si Nahm. Hindi ko namalayang sinusundan ko pala ng tingin si Nahm.

I smirked. “Nakakatawa ka naman! Do you think you have the right to tell me that?” Naiiritang sabi ko sabay harap sa kanya.

Nakita ko sa kanyang mukha ang di makapaniwala at pagkatalong ekspresyon sa hindi pa nasisimulang argumento. Alam naming dalawa na ganoon din ang ginawa nila sa akin kaya wala siyang karapatang pagsabihan ako na “tama na”.

“Can we talk after class?” pag-iiba niya.

“Which class?” sarkastikang sagot ko. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin but for some reason, for the same reasons before, naiinis at naiirita ako sa presensya niya.

“All classes?” may bahid na pagkaannoy ang boses ni Dana na ikinataas ng kilay ko. Pero in fairness to her, she has grown up and she’s strong now just like what I saw in the Gym. Hindi na siya ganoon ka hina gaya ng dati.

“Why?”

“You know why…” pagkasabi niyon ay umalis siya sa harapan ko. I was left speechless. Meron nang nalalaman si Dana’ng pa walk-out, walk-out.

“What a puppy! Psh!”Nasabi ko nalang sa sarili.

Sinundan ko ng tingin si Dana kung saan siya papunta at narealized ko nalang na she’s determined to have her way dahil pumwesto siya sa linya kung saan katapat niya si Finn, ang kasintahan nito.

Korea and MaggieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon