둘 Dul: Worst Birthday

453 19 46
                                    

 C H A P T E R TWO

---------------------------------------------------------------------                                          

(Check media for Nahm's picture)

----------

Rinnnggggggggggggggg

Ugh!

Kinapa ko ang palakang alarm clock sa side table at pinatay ito.

Five minutes lang. Kahit walang nagtatanong sa akin. Antok much pa kasi ako. Malapit na sana akong makatulog ulit ng biglang bumukas ang pintoan ng kwarto ko.

"Maggie! 7:30 na.Ano ba? Gising na!" Sigaw ni nanay habang hinihila ang paa ko. Napakapit ako sa headboard ng higaan.

"Oo na nay." Tamad na sabi ko. Bumitaw ako sa headboard at pilit na e angat ang katawan ko. Napipikit pa ang mata ko.

"Cge na. Male-late na din ako sa trabaho." Sabi ni nanay na nakapamaywang sa paanan ng kama. Kinurap kurap ko aking mata at nakita ko si nanay na nakabihis na.

"Kumain ka ha. 'yong pagkain andon na sa lamesa. Tinakpan ko. Pagkatapos mong kumain, ilagay mo nalang sa lababo at babaran mo ng tubig. Ako nalang maghuhugas pagkauwi ko galing kina sir Park." bilin ni nanay saka tumalikod at pumunta sa kabinit ko.

Dahan-dahan kong hinila ang mga tuhod ko at pumikit ulit.

"Ano?!" Sigaw ulit ni nanay.

Napamulat ako bigla. Nakita ko si nanay na inaayos ang scarf ko sa liig nya.

"Nayyyy...." Annoyed na tawag ko sa mahal kung ina. "Soot mo na naman yang scarf ko."

Napa smile si nanay, dahil sa yamot kung itsura. "Eh, pasensya kana anak. Dami ko kasi gagawin ngayon. Pampunas ng pawis ba. Pahiram muna ha." Sabay talikod sa akin at lumabas ng kwarto.

"Isa  lang yan nay. Mag "good morning" towel ka nalang." Tawag ko sa kanya.

"Ayaw ko no'n, anak." Sagot nya sa labas ng kwarto. "Mag.ingat ka sa pagpasok. E lock mo ang bahay ha. Alis na ako."

Narinig ko ang galabog ng pinto at ang click ng lock. Tumayo na ako sa kama at kinuha ang towel sa may likod ng pintoan ko. Mamya ko nalang aayosin ang kama pagka uwi. Napansin ko ang bilog sa Calendar.

Nakabilog ito sa January 20. It's my birthday. Muntik ko ng di maalala at I'm sure sa inasta ni nanay kanina, di rin nya naalala.

Okay lang 'yan. Di ko na inexpect na maghahanda c nanay pero di ko inaakalang makalimutan nya ito. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng kwarto. Nikita ko na yong pagkain sa mesa at as usual -itlog at hotdog.

Pagkatapos maligo, kinain ko yong handa ni nanay na breakfast at nilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

Iniwanan ko muna ng note c nanay at dinikit sa dingding ng kwarto ni nanay na adjacent ng pintuan para kita agad pagdating niya.

"Nay, di mo ko binigyan ng baon! Hetchu! :D"

Maglalakad na naman ako ng bonggang-bonggang lakad pero di bali nasa kanto lang naman ang school namin. Fighting! Aja!

"Oh, maggie, sabay ka na ba kay nina?" Sigaw ni kuya bebot sa driver seat nung trycicle nya, sakay si nina na grade 6 palang sa isang public school sa kabilang kanto.

"Di na po. Dyan lang naman ako sa kanto. Ayos na po." Ngumiti ako kay nina na nakasilip sa akin at nag babye na sa kanila.

"Cge. Ikaw ang bahala. Happy Birthday nalang." saka humarurot ang trycicle ni kuya bebot.

Korea and MaggieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon