여섯 Yeoseot: SleepOver

276 13 22
                                    

                                                     ♣ C H A P T E R SIX

 It's settled. Sleepover na si Best Dana. Pinalinis ko muna siya ng katawan pagkatapos magpahinga. I decided to  have "F4 syndrome" a rest. Ugh! So annoying. Pinahiram ko ulit kay Dana ang usual na pajama na ginagamit niya every sleepover.

Gulay ulam namin at tuyo, which expected, hindi nagreklamo si Best Dana. Pinaghugas siya ni nanay ng plato ngayon. Katuwaan lang. Ang cute kasi tingnan ni Best Dana pag naghuhugas. Parang tuwang-tuwa, di niya kasi ginagawa yon sa kanila. Syempre ako naman, abusive ang peg. All my life kasi, either me or nanay ang naghuhugas. For the record, dalawang beses lang yata ako nakapaghugas ng plato all my life. :D

Tinapik ko si Dana sa likod habang naghuhugas, "Pagkatapos mo diyan, pakilaba nung uniform ko." I said in a bossy tone.

"Yes ma'am!" Sumakay naman si Dana sa biro ko.

"Ayosin mo. Bawas sa sweldo mo yan day 'pag di maayos. Arra-sso? (Understand)" Sabi ko pa, with Korean accent on the last word.

"Arra-sso-e-yo (I Understand)" Sumakay din siya sa accent ko.

"chotaa! (Good)" Tapos natawa na ako. Ang gaga kasi umarte ding naapi.

Niyakap ko si Best Dana sa likod at binulong ko, baka kasi marinig ni nanay at ma-award pa kami.

"Di tayo matutulog ngayon. Kasi may bagong bili ako na C.D. Marry Me, Mary. Jang Geun Suk yon. Alam ko crush mo siya"

Pumiglas si Best, kinikilig. Nakikilig na din ako. Paborito ko din si Jang Geun Suk. Actually isa siya sa mga crush at pinapag patasyahan ko. Alam ni Best Dana yon pero you know "Sharing is Loving" daw. Kaya share share din pag may time.

"Oi. Ano yan?" Tanong ni Nanay. Nasa sala nag tutupi. "Ba't para kayong nagtitinikling jan. Lalaki ba yan?" Di na naka tingin sa 'mn.

"Upo tita at gwapong-gwapong-gwapo." Sabi ni Best na pinunasan ang kamay. Hanggang tenga ang ngiti.

"Super! Super! SUPER!" Dagdag ko pa at nagtawanan kami ni Best.

"Hoy kayo ha." Tumayo na si nanay at naglakad papunta sa kusino. Natigilan kami ni Best Dana, nakaturo kasi si nanay. Parang nangho-hold up, seryoso pa ang mukha.

"Kayo ha, hindi porket di ko kayo lagi pinapagalitan ay di na kayo titino. Sabi ko sa inyo, mga bata pa kayo. Dami niyo pang kailangan malaman sa buhay at matutunan. Tingin nyo kung pag-ibig na yang nararamdaman nyo, naku, di pa talaga yan." Saka namaywang.

"Nay seryoso mo naman." Pabiro kong sabi pero sa totoo lang natakot ako don.

"Oo, nga po tita." Sabi ni Best na nag-aalangan tumawa.

"Hindi naman sa seryoso ako. Be logical lagi di lang sa pag-ibig kundi sa lahat ng bagay." Sabi ni nanay habang naglalakad papunta sa ref at uminom ng tubig.

"Opo." Sabay naming sabi ni Best Dana.

"O, siya. Matutulog na ako, kayo na bahala dito. E lock mabuti ang pinto at patayin ang ilaw sa sala." Sabay pasok sa kwarto niya.

"Opo nay."

Nilock ko ang pinto and double check it twice before I turned off the lights. Mahirap na, baka may magshopping ng biglaan sa bahay namin.

Korea and MaggieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon