Chapter 4

2.4K 59 0
                                    

“Kuya Travis! Where are you?” bugnot na sabi ni Allison. 7:30 na at late na sila sa party! Biglang tumunog ang cell phone niya, agad niya iyong sinagot.

“Nasaan ka ba? Bakit ang ingay naman yata diyan? Naka-motor ka ba?” bungad niya rito

“Wait me there Allie, I’m on my way.”

“Sa pagkakaalam ko ay kanina pang 7:15 mo iyan tinext sa akin.”

She heard him chuckle “Totoo na ito Allie, my darling. Wait there, patience na lang.”

“Patience-in mo iyang mukha mo!” aniya saka inis na pinatay ang kanyang cell phone, umupo siya sa may sofa at napahalukipkip. Five minutes later, narinig niya ang pagkatok sa pinto kasabay ng pagbukas niyon. Hindi siya tuminag sa kinauupuan, simangot pa rin ang mukha niya.

“Prinsesa ko?”

Lalong uminit ang kanyang ulo “Bigyan mo ako ng magandang dahilan para patawarin ka Kuya Travis.”

Naramdaman niya ang paglundo ng sofa, tumabi pala ito sakaniya. “First, I’m out of gas. Second is, traffic sa daan.”

Napaismid siya kapagkuwan ay bumaling rito, namilog ang kanyang mga mata pagkakita sa pinsan. He’s dashing and oozing with sex appeal! Hindi ito nakasuot ng Amerikana bagkus ay nakajacket ito ng itim at naka-maong na pants na butas-butas pa, nakataas pa ang buhok nito at may hikaw na silver sa kaliwang tenga at may eyeliner pa, nagmukha itong badboy sa paningin niya. A handsome dare devil. Nanlalaki ang mga matang sinita niya ito.

“Saan mo balak pumunta? Sa Bar? O sa isang pot session? Mukha kang adik!”

Natawa ito at pinagmasdan din siya “Mabuti pa at magpalit ka na rin.”

“What? Are you crazy?”

“Ilugay mo ang buhok mo. I want a gothic beauty right now, darling. Para match tayo.”

“Ano ka? Gusto mo bang pagtawanan tayo ng mga tao roon? Hindi tayo dadalo sa isang costume party no?!”

Tumayo ito at hinila rin siya patayo “Doon tayo sa kwarto mo.” Hawak nito ang braso niya at hinila siya papasok sa kwarto niya.

“Hindi ka pwedeng magsuot ng ganyan.” Binitiwan nito ang braso niya at binuksan ang malaking cabinet niya, nagsipat-sipat ito ng mga damit roon.

Sinipat niya ang sarili sa malaking salamin, nakaipit ang buhok niya sa likod at napaka-angelic ng hitsura sa damit niyang white off-shoulder dress na hanggang sakong niya. Napakapormal ng ayos niya at gagawin lang siya nitong adik?!

“Here, this dresses will fit you.” Inilabas nito isa-isa ang mga damit na napili nito at inilapag sa malaking kama.

Wala siyang clue kung ano ang gusto nitong mangyari, pero sumunod na rin siya sa gusto nito. Dinampot niya ang itim na leggings na butas-butas kasama ang isang mini skirt, walang anong sa harapan nito siya naghubad ng gown. Actually, she didn’t mind at all. Close sila nito at magkapatid na ang turingan. Alam din niyang matagal ng hindi virgin ang mga mata nito, pupusta siyang hindi na mabilang ang mga babaeng napasakamay nito.

“Alam mo na ba ang ayos na gusto ko para sa iyo o ako pa ang magbibihis sa iyo?”  

Umiling siya “Kaya ko na. mabuti pa ay kumuha ka ng babagay na sapin sa paa ko.” Aniya rito sa pagitan ng pagsusuot ng leggings. Tumalima naman ito at ni-raid na nga ang shoe rack niya.

Nang matapos na siya sa pagpapalit ay dumiretso siya sa pagbabago ng style ng make-up niya. Nilugay niya ang hanggang beywang na buhok na natural na ang malalaking pagkakulot sa dulo. Naglagay siya ng eyeliner at dark eye shadow, hindi na siya nag-apply pa ng lipstick at hinayaang mahantad ang natural na pagkapula ng kanyang labi. Tinignan niya ang repleksiyon sa salamin. Hayun at ang dati ay mala-anghel na mukha ay nagging dakilang emo na.

Loving you, Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon