Chapter 1

2.4K 56 0
                                    

“Dulce, cancel all my appointments after my meeting with Mr. Chua.” Ani Allison at dire-diretsong lumakad patungo sa kanyang private office. Pagkapasok sa loob ay agad siyang naupo sa kanyang executive chair at napasandal, hindi pa siya nakuntento at itinaas pa ang mga paa sa lamesa. Pagod na pagod siya at ilang araw na kulang ang tulog, kabi-kabila kasi ang inaasikaso niya―ang kanyang Publishing company at ang Casa de Amor’e. Nakapikit pa siya ng marinig ang isang katok kasabay ng pagbukas-sara niyon, narinig niya ang magaang yabag patungo sakanya at ang tunog ng mga papel sa kanyang lamesa, ilang sandali pa ay lumabas na ito. napabuntong-hininga siya at napadilat, tinignan niya ang dala ng kanyang sekretarya, isang tasa ng kape at dyaryo.

“Great, I badly needed this one.” Kinuha niya ang tasa ng kape at dinala iyon sa bibig, napapikit siya nang malasahan ang kape “Oh heaven…this is heaven!” binalingan niya ang dyaryo, akmang kukunin niya iyon ng gambalain siya ng tunog ng kanyang cell phone. Nagulat pa siya kaya natapunan niya ng bahagya ang sarili ng kape, mabilis na umagos ang mainit na likido sa kanyang damit hanggang sa loob niyon patungo sa kanyang puson, napangiwi siya at patalong tumayo sa naramdamang paso, binaba niya ang kape at inis na dinampot ang cell phone na patuloy sa pagtunog.

“Oh bakit?”

“Wala man lang bang ‘hello’ o ‘hi’ diyan?” natatawang saad ng nasa kabilang linya

“Ano bang kailangan mo, Lexi?”

“Nagbasa ka na ba ng dyaryo?”

“Hindi pa, bakit ba?”

“Eh news sa tv kaya?”

Kumunot ang kanyang noo “Hindi rin, bakit―”

“Great, wag ka munang magbasa o manood ha?”

Napa-ayos siya ng upo “Bakit ba?” hindi na siya nakarinig pa ng sagot mula rito “Hoy, lexi!” untag niya rito pero busy tone na ang kanyang narinig, inis na nilapag na lamang niya ang kanyang cell phone at sumandal, tinignan niya ang dyaryo pero napapikit ulit. Ramdam pa niya ang init ng kape sa loob ng kanyang blusa, nasaktan naman talaga siya.

“Bwisit!” aniya makaraan ang ilang Segundo at padabog na tumayo saka dinampot ang dyaryo at tuloy-tuloy sa labas. Nagulat pa ang kanyang sekretarya sa biglaan niyang paglabas, tumigil siya sa tapat nito.

“Uuwi na ako.” Wika niya saka tumungo na, naiwang nakatanga naman ang babae.

“Langyang Lexi iyon, kinakabahan na ako ah.” Kausap niya sa sarili habang naglalakad patungo sa labas, sinalubong siya ng guard at hinatid na siya palabas kung saan naghihintay ang kanyang kotse. Nagpasalamat muna siya bago sumakay sa kanyang kotse at umalis na, habang nasa daan ay pasulyap-sulyap siya sa dyaryo, saktong nag-red light ay kinuha niya iyon at nagsimulang buklatin.

“There’s nothing special here.” Aniya habang patuloy pa rin sa pagbuklat, naroong may kongresman na pinatay, dalagitang biktima ng gang rape, baklang sinalvage etc. “Really, there’s nothing―” nagulat pa siya ng marinig ang busina sa kanyang likuran, nag-green light na pala, pinausbong na niya ang sasakyan pero patuloy pa rin sa pagbuklat ng dyaryo, manaka-nakang sumusulyap siya sa daan. Napunta siya sa showbiz “Nanganak na pala si Regine.” Aniyang napapangiti, nandoon din ang bagong teleserye sa isang station, mga lumipat at mga nag-aaway pati na rin―bigla siyang napapreno ng mabasa ang isang column na sinulat ni Jackquelyn Santos: “Lennard Xander Dela Vega together with his fiancee…”

Napahigpit ang paghawak niya sa manibela sa biglaang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, nilakasan niya ang aircon sa loob, napapikit siya at iniwasang mapaluha, nakakarinig na naman siya ng mga nagbubusinang sasakyan, nasa gitna pa pala siya ng highway kaya sa nanginginig na kamay ay ipinagpatuloy na niya ang pagmamaneho.

Kinapa niya ang kanyang bag at hinanap ang kanyang cell phone “Shit.” She cursed, naiwan pa niya ang kanyang cell phone sa opisina. Nagpasya siyang dumiretso na lamang sa kanyang condo, habang nasa daan pa ay hindi na niya napigilang mapaluha hanggang sa ito ay maging hagulgol, halos hindi na niya Makita ang dinaraanan dahil sa nanlalabo niyang mga mata, kamuntik pa niyang mabangga ang kasalubong na sasakyan. “Damn! Damn it!”

Nang sa wakas ay nakarating na siya sa kanyang patutunguhan ay hilam sa luha ang kanyang mga matang umibis siya sa kanyang sasakyan at malalaki ang mga hakbang na pumasok sa loob, ng makasakay sa elevator ay napahagulgol na naman siya, bumukas ang pinto ng elevator at may pumasok pero patuloy pa rin siya sa paghagulgol.

“What the― are you alright?”

Hindi niya tinignan ang lalaking nagsalita “What do you think? Huh? Kita mo nga’t umiiyak ako, tingin mo okay lang ako?” pagtataray niya rito “Sa palagay mo ba ay magiging Masaya ako ngayon lalo na at nandito na ang asungot sa buhay ko? Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki! You all think that you’re a god’s gift to women! Kaylan ba kayo titino? Kapag ba pumuti na ang tuka ng uwak?”

“Hindi naman lahat ng lalaki ay ganoon sa iniisip mo.”

“Hah! Hindi nga, pero tingin ko ay nagsipari na ang mga iyon o kung hindi naman nag-pari ay may mga asawa na. Kaya naman wag na wag mong subukang magmalinis ngayon kung ayaw mong lumuwa ang impyerno at ihulog kita roon!”

 “Sino bang nanloko sa iyo at galit na galit ka sa mundo?”

“Hindi ako galit sa mundo! Sa inyo lang mga lalaki, mga manloloko! Napaka-sinungaling!”

“Bitter ka lang diyan.” Narinig niyang bulong nito

“Anong bitter? Hoy!—.”

“Allison.”

Halos mabali ang kanyang leeg na napalingon siya sa katabi, nahigit niya ang kanyang hininga ng makilala ito “Ikaw!” 

Loving you, Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon