End

3.5K 61 6
                                    

Inis na minura ni Lennard ang sarili, nasa labas siya ng building ng condo unit ni Keshanne at hindi siya papasukin ng guard! He tried to contact Keshanne but he’s not answering the damn phone! Bad trip na sumakay na lamang siya sa loob ng kanyang kotse at nag-isip ng paraan, nagulat pa siya ng may sumulpot na mascot ng isang bunny sa gilid ng kanyang kotse. Napangisi siya ng may maisip na paraan, bumaba siya ng sasakyan at sinundan ang mascot.

“I have a job to offer.” Aniya rito ng maabutan niya, inalis ng bunny ang ulo nito at tumambad ang nasa loob niyon.

“Ano ho iyon, ser?”

“Magkano ang bayad sa iyo at saang floor ka?”

“Duon po ako sa may roof top, ser. May gig doon ang bandang Leopants, at twenty-thousand po ang bayad sa akin.”

Inilabas niya ang wallet sa bulsa at kumuha ng lilibuhin “Nakahawak ka na ba ng fifty-thousand?”

Napamura si Allison nang maling floor ang napindot niya, nagpasya siyang gumamit nalang ulit ng hagdan. Nasa fifteenth floor siya pero hindi niya ininda iyon, gabi na rin pero hind siya takot sa mga multo. Nasa tenth floor siya ng makaramdam ng pagod,naupo siya saglit sa isang baitang at doon muli napaluha.

“I hate myself! I’m such an idiot!” aniya sa sarili, ilang minuto rin siyang ganoong parang timang nang magpasya nang gumamit ng elevator.

“Wag naman sanang tumigil ito ngayon.” Pinindot na niya ang numero, ilang saglit pa ay tumigil ulit siya sa maling floor “Shit! A thousand shit! Bwisit na elevator ito.” hinihingal pa siya at wala siyang tubig, para tuloy siyang lantang gulay nang makalabas ng elevator. Napansin niya sa gilid ang isang malaking stufftoy na bunny, tinignan niya ang paligid bago lumapit roon.

“Ang laki naman neto.” Hinawakan niya ang tenga nito “Siguro sa laki nito eh hindi nagkasya sa pintuan kaya iniwan nalang dito.”

Umupo siya at sumandal roon “Ah! Ang lambot naman pala nito, pasandal saglit ha?” kausap niya rito na parang tao. Ilang sandali sila sa ganoong posisyon nang maramdaman niya ang pag-usog nito kaya kung hindi pa siya nakapag-react ay baka mahiga siya sa sahig. Hinila niya ang malaking tenga nito at inayos ang posisyon.

“Lumalayo ka pa ha? Dito ka lang, para kang kama, pasandal muna. Ang bigat mo, man!” Aniya rito pero muli itong gumalaw at sa pagkagulat niya ay tumayo ang stuffed toy! Parang tanga siyang nagtititili roon at kumakawag-kawag na parang nalulunod. Nabuhay ang malaking bunny!

“Ahhhh!! Eehhhh! Lumayo ka sa akin! Please lang, kung galit ka dahil ginulo ko ang pananahimik mo, sorry na! Just don’t kill me! Eehhhh!”

Nagpasuray-suray naman ang malaking stuffed toy na parang lasing kaya naman nagtitili siya ulit, nang mapuno siguro ito sa bunganga niya ay tinakpan nito iyon gamit ang kamay, nakulong tuloy roon ang tili niya. nanlaki ang mata niya ng ang isang kamay nito ay inilagay nito sa ulo nito at alisin iyon, natigil siya sa pagpipiglas ng matambad sakanyang patingin ang mukha ni Lennard na pigil ang tawa.

“Para kang nire-rape ng sampung bakla sa tili mo, brat.” Inalis na nito ang kamay sa bunganga niya.

“M-mascot pala iyan?” akala ko stuffed toy

Ibinaba nito ang ulo ng bunny sa tabi at tumalikod sakanya “Yup, paki-baba naman ang zipper nito sa likod. Malapit na akong maheat-stroke dito sa suot ko.”

Tumalima naman siya at tinulungan ito sa pag-alis ng katawan ng bunny “Bakit ka ba kasi nakaganyan? Balak mo bang sorpresahin sina Keshanne?”

“Hindi kasi ako papasukin nung guard.”

Loving you, Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon