Chapter 13

1.9K 57 0
                                    

Habang nagmamaneho ay pilit pinipigilan ni Lennard na masinghalan ang katabing babae na kanina pa nagbubunganga. Nagpasya na lamang siyang tawagan ang tauhan niya.

“Is it finished? Make sure its perfect.” Aniya sa kausap

“Lennard!” tili ni Allison

Tinakpan niya ng palad ang mouth piece ng cell phone “Will you shut up for a second, Allison?”

“Sino ba kasing kausap mo dito? Iyang phone mo o ako?”

“Kausap ko si Alaina.” Tukoy niya sa sekretarya “I’m doing my job here, inaayos ko na ang Amor’e garden.”

Saka palang ito tumahimik kaya itinuloy na niya ang pakikipag-usap sa sekretarya “We’ll be there―what? Nandiyan na si Cordeil? Okay, okay. We are on our way. Bye.”

Hinarap niya ang katabi “Sure kang nagawa mo na ng malinis ang trabaho mo?”

“But of course!” sikmat nito sakanya, hindi na lamang siya umimik at lalo pang binilisan ang pagpapatakbo

“Lennard!” tili ulit nito

“What the hell is your problem, Allison? Kanina ka pa.”

“I forgot something! Stoppp the caaar!!” tili ulit nito o mas magandang sabihing sigaw

Napapreno naman siya “What now?”

“I forgot to apply my sun block!”

Kamuntik ng malaglag ang panga niya sa sinabi nito “And so?”

“Anong and so? Lennard, kailangan nating bumalik!”

“Nasa kalagitnaan na tayo ng daan, hindi tayo pwedeng bumalik dahil malelate na tayo.”

Tinaasan siya nito ng kilay “Ano pang silbi ng pagiging race car driver mo?”

Napapalatak na sinunod na lamang niya ang gusto nito kesa marindi at mabasag ang eardrums niya sa tili nito. Pagkarating sa mansion ay agad na bumaba ito sa sasakyan saka patakbong pumasok, ilang saglit lang ay nakita na niya itong humahangos at pumasok na sa sasakyan.

“Speak of my sunblock and my sunblock will wait.” Wika nito habang nag-aapply ng lotion sa kamay, iiling-iling na pinaandar na niya ang kotse.

“You better drive fast―oh shit!” nagulat ito ng walang babalang pinasibad niya ng mabilis ang kotse niya, hindi siya tumingin rito ng pindutin niya ang nitro ng sasakyan kaya lalo pa iyong bumilis, nais niyang matawa nang magtitili ito sa kinauupuan.

“Oh shit! Stop the car Lennard! Oh I swear I’ll kill with my bear hands! Oh I’ll―I’m gonna diee!”

Tuluyang nakisabay ang malutong na halakhak niya sa tili nito, it’s been what? Years since he drive this fast! This is awesome!

Mahigpit pa rin ang hawak ni Allison sa kanyang seatbelt kahit pa huminto na ang sasakyan at nasa tapat na sila mismo ng Amor’e garden, mamamatay siya sa takot at nerbiyos kanina!

Bahagya pa siyang nagulat ng katukin siya ni lennard sa bintana ng kotse “Bumaba ka na diyan dahil late na late na tayo.”

Inis na lumabas siya ng kotse at sumunod rito “Late na talaga tayo!”

“It’s not my fault, kung hindi lang sana sa kaartehan mo ay hindi sana tayo malelate no?”

“Shut up! Kasalanan mo kung bakit nahuli tayo. Lennard you jerk!”

“At ako pa ang sinisi mo? Brat. Ikaw kaya itong matagal, kelangan pang mag-apply ng sun block. Arte!” pang-aasar nito sakanya. Nanggigigil naman niyang hinampas ng bag ang lalaki na napahiyaw sa sakit

“Aray! Ang sakit nun’ ha.”

“You deserved it, lennard you scumb!”

Natigil silang pareho ng makarinig ng tawanan sa paligid, marami na palang tao at grand entrance pa pala sila!

“Looks like may susunod kina Charles at cordeil ah!” ani Travis.

“Duh! Kuya Travis, are you blind? Hindi kami bagay! And eww, masasayang lang ang kagandahan ko.” Sikmat niya sa pinsan

“At masasayang lang din ang genes ko sa babaing maarte na ito.” Ingos ni lennard. Hahampasin niya sana ulit ito pero umiwas na ito. Gigil na gigil siyang lumayo ditto at baka tuluyang magdilim ang kanyang paningin at dumanak ang dugo nito rito!

Loving you, Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon