Chapter 12

1.9K 51 0
                                    

Masayang sinalubong sila ng kanyang pinsang si Cassandra kasama ang ina nitong si Cassidy. Kararating lang nila mula sa Amerika upang dumalo sa kasal ng pinsan, gusto pa sana niyang mag-stay sa villa ng binata pero hindi naman pwedeng hindi siya dumalo sa kasal.

“Welcome back, allie and Charles.” Bati ni Mrs. Shanti.

“Thank you tita Cassidy.” Anang binata. “Advance congratulations Cassandra.”

“Thank you Charles, congrats din sa inyo ni allison.”

Nagkatinginan sila ni Charles ng makahulugan kapagkuwan ay nagkibit-balikat.

“Siya, mukhang pagod kayo pareho sa byahe, mabuti pang magpahinga muna kayo.” Ani Tita Cassidy “Gilda, maaari mo bang samahan sa kani-kanilang kwarto sina Allison at Charles?” atas nito sa kawaksi na agad namang tumalima, kasama ang iba ay binuhat ng mga ito ang dalang gamit at nauna na sa hagdan. Napasunod na lamang sila.

“Saan po ang magiging kwarto ko, Tita?” tanong rito ni Charles.

“Ayaw niyo bang magtabi?” balik-tanong ng ginang na muntik na nilang ikatawa

“Tita Cassidy naman.” Sita niya sa ginang

“Wag niyong sabihin―”

“Tita!” sabay na bulalas nila

“There’s no need to be shy about that. You’re grown-ups now at sa kasal din naman ang tungo niyo. Mabuti nang sanayin niyo ang sarili niyo katabi ang isa’t-isa. Maluwang ang bathroom at―”

 “Sige na, Tita. Kami na ang bahala rito.” pulang-pula ang kanyang mukha sa pagkapahiya, iginaya na niya sa labas ang ginang na nakakaloko pa rin ang ngiti.

Araw ng kasal at talaga namang napuno ang simbahan ng mga makapangyarihan sa lipunan, tight ang security at maraming guards sa paligid. Isa siya sa mga bridesmaid habang si Charles ang best man at si Cordeil ang maid of honor, nakangising inasar niya ang binata.

“Nice!”

Binalingan siya nito “What’s nice?”

“Bagay na bagay ang best man at ang maid of honor.”

Napataas ang isang sulok ng labi nito “Bagay din kayo ng damit mo.”

“Puntahan mo na nga lang siya.” aniyang napalabi, tinulak pa niya ito nang magprotesta ito “Wag ka ngang duwag!” buska pa niya, napakamot ito sa batok saka tinungo na ang direksyon ng pinsan. Nilapitan naman niya ang ibang groom’s men.

“Hi Ian!” bati niya sa pinsan ni Charles

“Hi, sexy!”

“Bolero ka talaga, Ian. Where’s Monique?” tukoy niya sa pinsan nito na kabilang sa mga bridesmaid

“Ayun, nilalangaw nanaman ng mga boys.”

Hindi niya napigil ang matawa “Sino pala ang partner mo sa march? Hindi ko kasi alam kung sino ang magiging partner ko.”

“Si Eevanne ang partner ko.” Anito “Pero kilala ko ang partner mo.”

“Talaga? Sino? Si Kuya Travis ba?”

Umiling ito “Si Lennard.”

What the? “Ano?!” hindi ito nakapagsalita nang bigla siyang tumalilis at malalaki ang mga hakbang na tinungo si Charles, kausap nito si Cordeil.

“Charles you gotta help me!”

“Ano ba yun?” takang tanong ng binata.

Bumaling siya sa pinsan “Im sorry to interrupt, but can you hold on for a minute?”

“I-its ok. Pupuntahan  ko sina eevanne, maiwan ko na kayo.”

Pinigilan niya ito ng akmang aalis “No! I mean, just a sec.” aniya at agad bumaling sa binata “Charles, gumawa ka ng paraan para maging partner ko kahit sino, wag lang yang si lennard!”

Napataas ang dalawang kamay ng binata sa ere “Whoa! Whoa! Easy. I’ll try my best ok? Don’t worry.”

Nabuhayan siya ng loob sa sinabi nito “Thanks, I’ll count on you.” Bumaling naman siya sa pinsan “He’s now yours.” Aniya saka umalis na. hindi siya mapakali sa kinatatayuan dahil baka hindi magawan ng paraan ni Charles ang lahat, hindi niya alam ang gagawin kapag nagkita at nagkalapit pa sila ng binata. Napapitlag pa siya ng may humawak sa braso siya, si Charles pala iyon.

“Let’s get ready, nandito na ang bride.”

“Nagawan mo na ba ng paraan?”

Hindi ito kaagad nakaimik sa tanong niya “Ano na?” untag niya sa binata

Napakamot ito sa batok saka sumagot “Sorry pero hindi kasi daw pwede sabi ng organizer.”

“W-what? No! Hindi ito pwede!”

“Bayaan mo na. Entrance lang naman, para ka namang kakatayin eh.” Hinila na siya nito sa loob ng simbahan dahil sila na lamang ang hindi pa nakapwesto roon, halos hindi niya maihakbang ang mga paa dahil sa inis.

Saglit pa silang nagtitigan ni Lennard bago siya tuluyang lumapit at pumwesto sa tabi nito.

“Oh so the brat is here, did you enjoyed your vacation?” anito ng makalapit siya

Sinimangutan niya ito “The hell you care? Umisod ka nga sa akin palayo! Naririndi ako sayo. Pangit!”

Napataas ang sulok ng labi nito “Mas pangit ka naman, mukha ka kayang mangkukulam diyan sa suot mo.”

Wala sa sariling sinipat niya ang sarili, sa suot niyang asul na off-shoulder dress ay mukha pa siyang mangkukulam rito? “Ang kapal mo Lennard! If I know, nagagandahan ka lang sa akin.” Hindi ito nakasagot ng tumugtog na ang wedding march, nagtataka siya ng hindi pa ito lumakad.

“Bakit hindi ka pa lumakad diyan?” sita niya rito

“Hindi ka ba nag-aalala?”

Napakunot-noo siya “Bakit naman ako mag-aalala?”

“This is a sacred place; do you want to get burnt?”

 Inis na hinampas niya ito sa braso kaya naman napagibik ito “Hambog!”

Hinuli nito ang kamay niya at ikinawit mismo sa braso nito saka sila naglakad “Get your filthy hands off me, you scumb!”

“Cut off your dramatics brat. Were in the middle of the wedding, better behave or else.” Pambibitin nito sa sasabihin, hindi na lamang siya umimik. Natapos ang seremonya ng kasal at nasa mismong reception na sila, mas marami ng tao kesa sa simbahan. Sweet na sweet naman sa isa’t-isa ang bagong kasal na Cassandra at Alexis. Nang oras na para ibato ang bouquet ng bride ay excited namang pumwesto sa gitna ang mga single na kababaihan, kabilang na roon ang pinsang si Cordeil na siya namang nakasalo. Kabi-kabila naman ang tuksuhan at hiyawan ng mga bisita, pero hindi kaila sakanya ang lungkot at pagkaasiwa ng pinsan tuwing titignan sila nitong magkasama ni Charles. Siya man din ay nahihirapan sa sitwasyon ng dalawa, tingin tuloy niya sa sarili ay hadlang sa pagkakatuluyan ng dalawa kaya naman nagpasya siyang kausapin mamaya si cordeil. Sisiguraduhin niyang maliliwanagan ang kanyang pinsan sa lahat.

Loving you, Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon