Chapter 5

2.1K 57 0
                                    

Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng rest room at patungo na ngayon sa labas ng mansion. Habang naghihintay siya ng taxi ay hindi niya naiwasang mapahikbi kasabay ng pagpipigil sa pagbagsak ng kanyang mga luha, tiyak na kakalat sa kanyang mukha ang itim na make-up niya at siguradong magmumukha siyang ermetanyong mangkukulam. Napaigtad pa siya ng marinig ang busina ng taxi, nasa tabi na pala niya iyon, agad siyang napasakay.

“Saan po tayo, Ma’am?” tanong ng driver

Napatingin siya sa labas ng bintana “Sa pinakamalapit na beach, manong.”

Ilang beses siyang napahinga ng malalim at pilit nilalabanan ang pagbulalas ng iyak. How foolish you are, loving your childhood best friend!? She sighed one more time but best friends do fell in love with each other, and she fell first.

Makaraan ang ilang minuto ay huminto na ang taxi “Nandito na po tayo, Ma’am.”

Ibinigay niya rito ang bayad at bumaba na. Agad siyang sinalubong ng sariwang hangin at naaamoy na rin niya ang alat ng dagat, ilang sandali pang nakaalis ang taxi ay nakatayo pa rin siya roon at hindi gumagalaw. Napakabigat ng pakiramdam niya gaya noong nalaman niyang aalis ng bansa si Lennard kasama si Florence, kung paanong hindi ito nagpaalam sakanya at tanging eroplano lamang ang kanyang huling nasaksihan sa pag-alis nito. Labis na sakit at galit ang dulot niyon sakanya, at noong mag-birthday siya ay hindi na siya nagpa-party pa. Iyon na nga talaga ang pinakamalungkot na birthday niya sa tanang buhay niya. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa dalampasigan, muling umihip ang malakas na hangin at inililipad niyon ang kanyang buhok. Napapikit siya at hindi naiwasang alalahanin ang nakaraan…

Nakapantulog at sabog-sabog pa ang kanyang buhok habang patakbong tinutungo ang airport, nasa sasakyan pa lang siya ay kinakabahan at naiiyak na siya. Sampung minuto ang binigay sakanya ni Lexi, kaya naman ng magkaroon ng banggaan sa daan ilang kilometro mula sa airport ay bumaba na siya ng sasakyan saka patakbong tumungo sa airport. Hindi niya alintana ang kanyang ayos kahit pa nakatsinelas lamang siya na hugis palaka. Wala sa loob na tinignan niya ang kanyang relo, apat na minuto na lamang at aalis na si Lennard, iiwan na siya nito! Napahikbi siya at hindi na naiwasang maiyak. Hingal na hingal siya pagkarating sa airport, agad niyang hinanap ang pinsan.

“Oh Lennard, please…please don’t do this to me, don’t leave me please. I―I, Oh!” iyak siya ng iyak habang palinga-linga at nagbabakasakaling Makita roon ang hinahanap. Natanaw niya si Lexi na nakatanaw sa bintana, mag-isa lamang ito roon. Nabuhayan siya ng makita ito at sa pagaakalang nakarating siya sa tamang oras.

“Lexi!” tawag niya rito, lumingon ito na may lungkot sa mga mata.

“Where’s Lennard?” hinihingal niyang tanong nang makalapit rito.

“You’re a minute late, Allie.” Inabot nito sakanya ang isang kahita “It’s from Lennard.”

Napaawang ang kanyang labi sa narinig at kinuha mula rito ang kahita “Where is he?” kulit niya rito habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa kanyang pisngi

Hindi ito umimik at muling tumingin sa labas ng bintana, napabaling siya sa tinitignan nito. Nabitawan niya ang hawak at lumapit sa salaming bintana, idinikit niya ang dalawang palad sa salamin na para bang mahahawakan at maaabot niya ang eroplanong papalipad na sa himpapawid.

“No…No! No!” hysterical na sigaw niya saka napahagulgol ng malakas, naaawang niyakap siya mula sa likod ng kanyang pinsan. Umiiyak na rin ito at mukhang nararamdaman din nito ang nararamdaman niya ngayon. Masakit, napakasakit.

Napadilat siya ng maramdaman ang malamig na tubig na humahampas sakanyang mga paa, pati na rin ang likidong umaagos mula sakanyang pisngi. Umiiyak na pala siya. napakabigat ng dibdib niya at kahit ang pag-iyak niya ay hindi nakatulong sa paggaan niyon, naisip niyang isigaw na lamang ang nasa isipan niya. Humakbang pa siya hanggang sa nasa medyo malalim na ang kinaroroonan niya, hanggang dibdib na niya iyon. Huminga siya ng malalim at akmang sisigaw nang maramdaman niyang may humawak sakanyang beywang kasabay ng pag-angat niya sa ere. Nagtitili siya at nagpapasag. Oh my God! Shokoy? Aswang? Hindi…Hindi! Rape ito! Rape! Rapist! Sigaw niya sa isipan. Hindi maampat ang tili niya nang ibaba siya nito sa buhanginan.

Loving you, Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon