Chapter 8

2K 51 0
                                    

Just a few weeks later…

“Im so nervous, I can’t even breathe.” Napalingon sakanya ang katabing si Charles. Nasa rest house sila at kanina pa siya hindi mapakali sa kinatatayuan, mahilo-hilo naman ang binata sakanya.

“I should be the one to be nervous.”

“Don’t be. My parents like you, so why not my other relatives?” 

“And you said that he’s also coming.” Ang tinutukoy ay ang kababata niya,

nagkibit-balikat na lamang siya “Well yeah, I expected that.” Napaharap siya rito “Kaya nga hihingi ako ng favor eh.”

“Oh no! Don’t.” anito na mukhang nabasa agad ang nais niyang ipagkahulugan

“Please Charles, besides it’s my birthday today. Let’s just say that it’s your birthday present to me.”

“Teka, niregaluhan na kita ah!” nanlalaking matang turan nito, wala sa loob na napahawak tuloy siya sa ring finger niya kung saan naroon ang regalo nitong mamahaling friendship ring

“But acting like a boyfriend to you infront of many people! I’ll be damned!” protesta pa nito. natigil ang kung anumang sasabihin niya ng makarinig ng ingay ng makina. Makina ng sasakyan.

“Oh my god! Baka sina lennard na iyon! Come on! Hug me, tight.” Tarantang utos niya rito, niyakap naman siya nito

“Happy birthday Allie!” napapitlag siya ng ibang boses ang kanyang narinig kaya naman napabitaw sila sa isa’t-isa.

“Charles!”

“Cordeil!” halos sabay na bulalas ng dalawa.

 Litong nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa na itinulos sa kinatatayuan “You two knew each other?”

“Ah yeah.” Ani Charles na unang nakabawi sa pagkagulat

“Excuse me.” Ani Cordeil saka mabilis na tumalilis

“So, she’s the one?” baling niya sa lalaki na sinusundan pa rin ng tingin ang papalayong pigura ng pinsan

hindi siya nito sinagot, bagkus ay napabuga na lamang ng hangin

“Bakit hindi mo siya sundan, Charles?”

“Masyado pang hot ang ulo niya, let’s just give her some more time to cool down.”

Napahugot siya ng malalim na hininga “Just make it up to her and explain everything, ayokong magkaroon ng issue lalo na sa mga lalaki.”

Natawa ito ng bahagya “Yes, Ma’am.”

Bahagyang niyakap niya ang sarili “Nilalamig ako sa suot ko. Pupunta lang ako sa kwarto, you should take a rest a little.” Paalam niya rito saka tumalikod at iniwan na ito. Sa loob ng kwarto niya siya nagpalipas ng oras hanggang sa sumapit na ang gabi ng party, siguradong makikita niya roon si Lennard. Kailangan niyang ihanda ang sarili, this is her day and she’ll be the queen for tonight. Nagambala siya ng mahinang katok sa pinto kasabay ng pagbukas niyon, mula sa siwang ng pinto ay nakita niyang sumilip mula roon si Charles.

“Are you ready, sweety?”

“Yes, I am.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo saka humakbang na palabas. Inilahad nito ang kamay at inabot niya iyon, they were HHWW! She’s sure that everybody would think that they are real lovers.

Habang nagmamaneho ng sasakyan si Charles ay nakakunot-noo ito “What is it this time, Sweety?” usisa niya rito

“I’m wondering what I should say to the showbiz reporters.”

Loving you, Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon