Prologue

4.9K 62 1
                                    

Masayang pinagmamasdan ng Fourteen-years old na si Sandra Allison ang magarbong sala ng mga Renthurford, ngayon kasi ang anibersaryo ng kasal ng lolo at lola niya. Napakaraming bisita at gustuhin man niyang lumabas sa kuwarto niya ay hindi pa pwede dahil wala pa ang yaya niya, sabi kasi nito na hintayin muna niya ito dahil sabay na lamang daw sila pababa. Inip na napabuga na lamang siya ng hangin at napakalumbaba sa kama, wala siyang pakialam kung magusot man ang pink gown niya na hanggang tuhod at ang natural na pagkakulot ng dulo ng mahabang buhok niya ay magkagulo, she also wears a crown sa pagpipilit ng mama at lola niya, hindi sinasadyang napaharap siya sa napakalaking salamin sa tapat lamang niya, she looks like a princess. Well, yun naman talaga siya, katunayan nga ay princess ang tawag sakanya ng lahat. Isang pilyang ngiti ang pinakawalan niya. Cute pala ako. Anang isip niya. Napalis ang pagpapantasya niya sa sarili ng marinig ang tinig ng kanyang yaya kasabay ng pagbukas ng pinto.

“Princess. Let’s go, are you ready?”

She rolled her eyes “I’m born ready nanny. What took you so long?”

“I just fixed myself to be presentable, princess.”

“Yeah whatever! Let’s go.” Aniya na nauna ng lumabas, nakasunod na lamang ito.

Nakasalubong niya ang pinsang si Cassandra sa hagdan, her cousin is beautiful at the age of 16, she looks like 19 to her, malaki ang pagkakaiba nilang dalawa, she’s mestisa while Cassandra is morena, mas matangos ang ilong niya at mas mamula ang pisngi at labi, matangkad silang pareho kumpara sa edad nila. Sabi nga ng karamihan ay ‘exotic beauty’ daw ang pinsan niya. Medyo napapansin na rin niya ang pagumbok ng dibdib nito at pagkurba na katawan nito. Honestly, she envied her.

“Oh princess! I was supposed to go to your room.” Anitong niyakap siya at hinalikan sa magkabilang pisngi. Sa kanilang magpipinsan, siya ang pinakapaborito nito.

“Really? I’m sorry if I..uhr we took so long, nanny­­- I mean we just want to make sure if we already look good.” Napatawa ito sa kandautal na turan niya.

“You don’t have to explain, princess. I understand.”

Biglang naalala niya ang kababata “Oh! Have you seen Lennard?”

Biglang umilap ang mata nito “Yeah, h-he’s looking for you by the time he arrived, malamang ay kasama ito ng iba nating pinsan sa may pool area.”

“Jeez! Thanks! I’ve got to go, see ya.” Paalam niya at inakay na ang yaya niya. nagmamadali ang kanyang hakbang papunta sa kinaroroonan ng mga kabataang lalaki at dahil sa bilis niya ay nawalay siya sa kanyang yaya. Muntik na siyang mapasigaw ng biglang kung saan ay may humagip sa kanyang mga braso at isinandal siya sa pader.

“Where have you been, brat?”

She smiled dahil kilala niya ang boses na iyon, agad siyang tumingala at lalong napangiti ng mabungaran ang guwapong mukha ng kababata niya na si Lennard.

“Oh! Hi My Prince!”  aniyang binalewala ang tanong nito. Ito lang ang tanging tumatawag sakanya ng ‘brat’ habang siya naman ay ‘prince’ o ‘prince lennard’ ang tawag rito. Mukha naman kasi talaga itong prinsipe. He was 4 yrs older than her at magka escuela ito ng pinsang niyang si Cassandra, siya kasi ay sa all girl’s school nag-aaral.

“Answer me.” Anito na naniningkit ang mga mata.

“Well, I’m on my room with nanny; she’s too slow to move so that’s why we took so long upstairs.” Nagpaliwanag na siya ng maayos dahil kanina pa siya parang sirang plaka sa kakaulit.

“And you even threatened me if I came late here and keep you waiting! Why, I never thought that I’ll be the one who’s going to wait here.” Sarkastikong pahayag nito, nagpapadyak siya

Loving you, Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon