"There are mysteries in life that only love can unlock"
_________________________
I've been here all night
I've been here all day
And boy~
Got me walkin side to sideNAPAMULAT agad ang mata ko at pinatay agad ang alarm ko
Alas otso na pala at hindi pa nagigising ang katabi ko
Napangiti nalang ako at dumeretso sa kusina, sa tingin ko alam ko na ang gagawin ko
Para akong highschool na kinikilig kilig pa pababa ng hagdanan papunta ng kusina.
"Hmmm ano kaya magandang iluto?"
Napaisip ako bigla. Ako kasi maganda lang, pero di ako pwede iluto.
Sa pagiisip ko na yun bigla akong napatawa sa naisip ko, ang dami kong alam.
Kaya kumuha nalang ako ng kaldero at kinuha ko sa ref ang dapat kong iluto. Siguro sisimplehan ko lang ang luto ko, tortang bacon tsaka sinangag na kanin na may itlog at ketchup. Yummy!
Napangiti ako sa ideya na naisip ko. Breakfast on bed. Hindi magkamayaw ang ngiti ko at hindi ko talaga alam kung bakit.
"Bakit feeling ko para akong highschool girl na kinikilig kapag dadaan yung crush niya?"
Talagang natawa ako na may halong pagkakilig. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.
"Para akong ewan na nakangiti dito habang nagaayos"
Habang pineprepare ko ang kakainin ng asawa ko. Maypakanta kanta pa ako at pasway sway, ano bang meron sa kantang "Rather be" at masyado akong kinikilig? It's killing me!
Umakyat na ako sa kwarto namin at laking gulat ko na tulog padin siya!
Parang ang ganda yata ng timing ko ngayon.
Dumeretso ako sa kama at inayos ang onting gusot, binuksan ko ang mga bintsna at nagayos ako ng sarili ko... Ito na talaga to.
Tinakpan ko yung ilong at bibig niya para magising siya which is effective.
"Gooooooodmoooorning!"
Napangiti siya ng malaki at umupo sa kama sabay suklay ng kamay niya sa buhok ko.
"Kamusta? Mrs.Ferrer"
Ngumiti ako sakanya sabay busangot ng mukha niya...
"Magumahan ka muna."
Lumaki ang mata niya at napangiti siya sa ginawa ko. Nag mouth siya ng 'thank you' sakin at kumain na...
"Bakit ang aga mo yata magising himala ah"
Napapalakpak ako at ngumiti.
"Actually hindi himala yun, nagalarm lang talaga ako."
Tumawa naman siya at nagpatuloy lang na kumain, kaya ako din itong si babaeng kinikilig na pinapanood siya at nageenjoy siyang kumain ng niluto ko.
Ganito pala kasaya kapag may asawa ka na. Yung tipong masaya ka sa bawat bagay na ginagawa mo na dati kapag inuutos ng magulang mo hirap na hirap at tamad na tamad kang gawin.
Pero sabi nila sakit lang daw sa batok ang pagaasawa.
Pero naniniwala ako na ang mabuting asawa ay bigay ni God.
*Messenger notiff*
Napatingin ako sa biglaang pagring ng cellphone ng asawa ko.
"Sino yan?"
Hindi maiwasang mapatanong ako dahil nagiba bigla ang ngiti nya. Tila bang nagmistulan syang bata na nilibre ng ice cream ng mama nya.
"Ah wala, meme lang"
Nagkibit balikat ako at inasikaso na ang gagamitin ng asawa ko. Para akong nasa kawalan habang iniisip ko na kasal na ako.
"Dalhin mo na baon m-"
"Aalis na ako bye"
Napailing nalang ako sa kyuryosidad dahil hindi nya dinala yung baon nya. Hindi nya rin ako hinalikan, baka may importante syang lakad.
Nagwawalis ako ng agiw sa kwarto ng asawa ko nang may parang bato na naglanding sa mata ki kaya nagmamadali akong pumasok sa banyo ng asawa ko at naghilamos, pagkamulat ko ng aking mata, nakita kong nandun yung wedding ring nya, hindi nya sinuot.
Kinabahan ako pero di na muna ako umimik baka nga nagmamadali sya to the point na malimutan na nya ang wedding wing namin.
________________________
Actually naniniwala ako na may asawa man o wala basta masayang naglilingkod at gumagawa, di ka tatamarin, masisiyahan ka. Basta buong puso mong ginawa at minahal ang tungkulin mo <3
Osya alam kong sabaw ang UD ko
Lovelots,
Author.