The truth will set you free
___________________________________
Porshia's POV:
Mejo kinakabahan ako sa mangyayari at sa kung anomang parating. Dahan dahan akong nagdadrive papunta sa lugar na napagusapan naming magkita. Hindi rin ako sigurado sa sasabihin o gagawin ko pero alam ko namang tatanggapin nya ako.
Day after day
I must face a world of strangers where I don't belong
I'm not that strong...Minsan napapaisip narin ako kung sya ba talaga o nagugulumihanan lang ako dahil sa hormones ko. Alam kong hindi pa ako handa sa darating.
...it's nice to know
that there's someone I can turn to
who will always care
you're always there...Nasa laot na ako ng kailaliman sa pagiisip nang napansin kong lampas na pala ako ng Meisha Mall.
"Self ang tanga"
Nagpark naman ako agad at iniayos ko ang sarili ko. Hindi man sapat ang naipon kong ideya para sabihin ang saloobin ko, sana hindi ako masaktan.
Ang dami naring nangyari sa buhay ko at ayaw ko nang madagdag yun dahil sa desisyon kong to. Hindi ko hahayaang masaktan akong muli. Hindi ko hahayaang masaktan kami ng magiging anak ko, dahil para sakin, ang kasiyahan nya ngayon ang uunahin ko higit pa sa kahit anong kailangan ko sa mundong to.
Nagbabaybay ako at nagiisip ng sasabihin sakanya, natataranta ako sa kaloob looban ko, hindi naman pwedeng pabayaan ko sya o walang sabihin sakanya.
"Goodafternoon ma'am, welcome ihahatid ko na po kayo sa upuan nyo"
Sabi sakin ng chaperone sa may restaurant. Naupo ako at tahimik na naghintay.
Ngiti lang ang ibinibigay ko sa mga taong tumitingin sakin. Siguro dahil sa namumutla ako kaya hindi nila maalis ang tingin nila sakin.
May lumapit naman saking waiter na nagaalangan magsalita.
"Ma'am dadaan daw po muna si Sir sa shoe store"
Ngumiti ako at yumuko, bigla kong napansin ang dahilan ng atensyon na meron ako kanina. Naka tsinelas lang ako. Hindi lang basta tsinelas, yung kanan yung pambahay kong tsinelas, yung kaliwa yung tsinelas na ginagamit ko sa banyo.
Napasapo ako sa noo ko, all these time magkaiba pala yung tsinelas na suot ko? Kinda cute though I'm not gonna lie.
"Porshia, ito suotin mo"
Nginitian ko sya at sinuot ang binigay nyang panyapak.
"M-may balak sana ako sabihin sayo"
Ngumiti sya sakin.
"Ano yun?"
Nilakasan ko na ang loob ko, kung ano mang masabi nya, kailangan handa akong matanggap yun. Para saakin at para sa magiging anak ko.
"Buntis ako"
Tumawa sya ng malakas at tila ba nagiba ang anyo nya. Yung dating nakilala ko biglang napuno ng pandidiri at panlalait.
"Ano tingin mo sakin? Bahay ampunan? Hindi porke naattract ako sayo physically eh aakuin ko na yang bastardo mo... Kung may balak kang sumama sakin at magpalaki ng batang hindi naman galing sakin, nangangarap ka lang"
Nagulat ako sa sinabi nya, kung ano pa yung pinakaayaw kong marinig ang lumabas sa bibig nya.
"Pero Jacob..."
"Ewan ko sayo Porshia, kumain nalang tayo at wag mo nang ipapakita sakin yang mukha mo"
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, naramdaman ko nalang na tumutulo yung luha ko.
"Pinaramdam mo sakin na higit ako sa kung sino ako sa isip ko pero gaganyanin mo din ako matapos mong malaman na buntis ako?"
Ngumiti sya at sumandal. Naglabas sya ng pinaka arogante nyang tingin.
"Hahahaha, baka nagkakamali ka ng iniisip mo. Sinabi ko lang yun para makuha ka... tignan mo nga yang sarili mo, hindi ka ba nahihiya? you're a disgrace. Magpapalaki ka ng batang walang ama dahil wala kang kwentang asaw-"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita na ako.
"Laitin mo na lahat ng aspeto ng buhay ko pero wala kang alam sa pagiging asawa o misis ko kay Aaron. Wala kang alam sa kung papaano ko palalakihin ang bata sa loob ng sinapupunan ko, wala kang inambag up until now sa kung papaano ko nalampasan lahat ng sakin kaya wala kang karapatang tapak tapakan ako dahil lang hindi ko naibigay ang gusto at ideal mo sa isang babae"
Umiwas sya sakin ng tumingin at tumawa ng mahina. Halatang na butthurt sya sa sinabi ko pero what's done is done. Hindi ako nagsisisi sa kung anomang sinabi nya dahil ako sa sarili ko, ay aware na hindi ko deserve kailanman ang ganung klase ng pananalita.
"At alam mo? nagpapasalamat akong pinakita mo ang tunay na ugali mo na matagal mo nang tinatago sakin dahil lang gusto mo akong mapa-oo, kailangan mo pa talagang bumaba sa level ng mga uhaw sa pagmamahal at atensyon para lang may magmahal sayo pabalik. At naaawa ako sa mga taong kagaya mo"
Hinawakan ko yung baso at binato ko sa mukha nya.
"Gumising ka nga, kailan pa naging kahihiyan o disgrasya ang anak na ipapanganak ng isang nanay na financially stable, ginawa habang kasal pa at may mabuting environment? Hindi porke iniwanan ako at naghanap ng iba si Aaron ay hindi na ako naging mabuting asawa sa kaniya"
Nakanganga lang sya sa bawat linyang sinasabi ko, oo tama yan. Matulala ka sa kagaguhan mo.
"At higit sa lahat, sinabi ko lang naman na buntis ako, ano ba sa tingin mo ipagagawa ko sayo? na maging ama ka ng dinadala ko? Ang kapal naman ng mukha mo, magkaibigan lang tayo diba?"
Sabay hawi ng buhok ko, kinuha ko na ang clutch ko at ang magkaiba kong tsinelas at tumayo.
"Oh and btw you're so cheap, the shoes that you bought me are from last season"
Nakita kong nagalit ang mga mata nya at ayun na ang oras ko para umalis. Hindi ko na kailangan pang magubos ng oras sa mga walang kwentang bagay.
________________________________