17

1.3K 22 0
                                    

The only person you should trust in this world, is yourself.
___________________________________

Porshia's POV:

Hindi ko na namalayang nasa parking lot ako sa sobrang build up ng frustration ko.

Hindi ko akalaing pagsasalitaan ako ng ganun ni Jacob at hindi ko rin inaasahang mabaho ang ugali nya, hindi lang nya pinapakita.

"Come on Lovey pick up"

Ilang beses kong tinatawagan si Lovey pero walang nasagot. Panay directing to voicemail lang. Hindi ko akalaing nagubos ako ng oras makausap si Jacob kung ganun din pala ang kalalabasan.

"Minsan talaga may pagka tanga ka Porshia"

Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at nilapat ko ang noo ko sa manibela. Now what? dead end. Hindi ko akalaing ganun ang kalalabasan.

"Ayaw pa akong sagutin ni Lovey!"

Sa sobrang inis ko napalo ko yung busina at ako rin ang nagulat sa ingay na ginawa ko.

Inistart ko na yung sasakyan nang makita kong nagpark ang sasakyan ni John.

Wala narin namang mawawala sakin kung sasabihin ko sa mokong na yun na nagdadalang tao ako diba?

*dialing... Aaron*

"Tagal naman sumagot"

Mejo naiinip ako kahit nakakadalawabg ring palang yung call ko kay Aaron dahil hindi narin naman kasi ako interesado pang malaman yung sagot nya, gusto ko lang na malaman nya.

Sabi nga nila, mas maigi nang alam ng ama para kahit takbuhan ka eh wala kang pagkukulang, kasi pinaalam mo.

[Oh hello? maninira ka nanaman ba ng bu-]

Umirap ako sa bungad nya.

"Bukod sa matagal ka nang sumagot, nakakairita parin boses mo, can we meet?"

Wala akong ibang narinig kundi series ng buntong hininga. Nagiisip ba sya ng malalim? wait, may isip ba sya?

[Saan? at kailan?]

Napangiti ako, he seems calm and okay with me, sana okay lang din sya kapag nalaman nya.

"Pupunta ako sainyo ngayon na"

After hanging up the phone I immediately started the engine at wala na akong oras na palilipasin pa, kailangan nang tapusin to.

Hindi na ako magdadalawang isip pa sa pagsabi sakanya ng katotohanan. Alam kong desidido sya sa bago nyang hinaharap at kung ano mang makuha ko, tatanggapin ko. Di ko na kailangang maging bitter pa sa kung anong ikikilos nya dahil magiging masaya din naman ako.

Nagaabang ako sa harap ng bahay nya. Mejo di ko maintindihan bakit yung mga halaman na inaalagaan ko dati ay hindi parin nya tinatanggal.

"Hello, napabisita ka"

Sinalubong nya ako ng nakangiti, dumeretso ako sa loob, I don't need any introductions since I'm tired dealing with my shit.

"May kailangan lang tayong pagusapan"

Tumangi sya at tumingin sa paligid habang hinihimas nya ang baba nya.

"Maupo muna tayo?"

Tumawa ako at umirap.

"Tinatanong mo pa yan? Haha, okay tara"

Mejo tipid ako sa pananalita ngayon dahil naisipan kong isave lahat ng energy ko sa pagamin mamaya ng katotohanan sakanya.

"Teka may kukuhain lang ako"

Tumakbo sya sa office nya, which is sa may itaas at hindi na sya nagubos ng oras upang tumingin sakin.

Bumaba sya agad agad na may dala dalang envelope. At alam kong hindi maganda ang kutob ko dito.

"May sasabihin din ako..."

Ngumiti ako sa harapan nya.

"Ano yun?"

Halatang kinakabahan sya sa sasabihin nya pero as I said, hindi narin naman ako apektado sa kung anong gagawin nya sa buhay nya dahil malaya na ako para sa aking sariling point of view.

"Ito na yung divorce papers natin, pinirmahan ko na yan dahil balak ko na sanang magpakasal kay Anya"

Bahagya akong umirap at tumawa sa sinabi nya, one day he's simping on me then the next day magpapakasal na sya? Kailan ba sya titigil magsayang ng pera sa kasal?

"Are you for real?"

Napatingin sya sakin ng malalim at alam na alam kong seryoso sya, pero di nya dapat minamadali ito dahil hindi talaga maganda effect ng biglaang kasal. TIGNAN MO NGA KAMI, MAGDIDIVORCE NA.

"Yes, seryoso ako kay Anya. Nakita ko future ko sakanya, future na hindi ko alam na meron pa palang mas hihigit sa naimagine ko"

Tumango ako at pinilit ko syang intindihin dahil ang sigla ng ngiti sa mga mata nya.

"Para bang bago akong tao kapag kasama ko sya, parang hindi ako nalalaglag sa pagkahulog ko sakanya kasi araw araw palalim na ng palalim. Kahit sabihin pa nating nagdadoubt akk minsan, sakanya parin talaga"

Tumawa ako, huh, words of a cheater.

"Wag ka magpakasal kung mambababae ka lang din naman kapag di na mabigay pangangailangan mo"

Nakita ko syang nagiba ang expression. Yan ang sinasabi ko, ang tunay ba Aaron.

"Baka nagkakalimutan tayo na mas kilala ko ang Aaron na itinago mo sakanya, at sa tingin mo magiging matatag kayo? Hindi ka ba nahihiya na pang ilang kasal mo na yan?"

Hindi na sya nagsalita at nilahad na ang envelope sa harapan ko.

"Ano bang pinunta mo dito ha Porshia?"

Pumirma ako sa divorced papers at inabot ko na kaagad sakanya.

"Buntis ako, and we both know that you're the father"

Parang may bumuhos na malamig na tubig sa ulo nya, he didn't expect it to come.

"Teka, ano?"

Ngumiti nanaman ako sakanya, minsan talaga ang hirap magpaintindi kapag di iniintindi

"I said, I'm conceiving your child"

Sinabi ko yun habang nakangiti.

"Ipaabort mo, hindi ako pwedeng magkaroon ng bastardo ikakasal na ako"

Tunawa ako sa sinabi nya.

"No I won't because hindi ka rin naman namin kailangan bakit ka kinakabahan?"

Mejo tumikom ang bibig nya at kumalma sya.

"I don't need anything of your nonsense Aaron, kung ano mang nasabi ko ngayon, sakin lang yun. Also, I only tell you para wala akong pinagkulang and I'm happy to say na kapag nagtanong anak natin, sasabihin ko na sinubukan syang ipalaglag ng tatay nya. What a lovely father you are"

At that stance tumayo ako at umalis, jerks, pare pareho lang silang takot sa responsibilidad.

Dumeretso ako sa sasakyan ko at nakakita ako ng 35 missed calls galing kay Lovey.

*calling Lovey*

"Hello? Lovey?"

Mejo maingay sa background kaya hindi ko alam nangyayari sa bestfriend ko ngayon.

[Porshia, umalis na tayo dito, ayoko na, isalba mo na ako please]

And just as I thought magisa akong haharap sa pagsubok, my bestfriend came to help. Pero, ano kaya yung nangyari?

_________________________________
Last Chapter na bukas! who's excited?

Biyuda DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon