10

2.3K 34 2
                                    

Setting yourself free from pain is the most wonderful gift you can ever get.
________________________________
Porshia's POV:

I was sipping my coffee while looking at the view on my lawn. Ganito pala kaganda yung resulta ng hirap at tyaga ko all these time?


"San po namin to ilalagay ma'am?"

Tinuro ko naman sakanila yung pwesto ng table na paglalagyan ng decoration. I really am happy to have this Death Party.


"Ma'am pwede po ba magtanong?"


Tinaasan ko ng kilay ang isang worker na hindi naman nagtatrabaho.


"Baket?"


Nagkuskos sya ng kamay sa pants nya at hinawak nya sa ulo nya. Sinuklay din nya yun gamit mga daliri nya. Sure akong nagaalinlangan to'. Halata sa kilos eh


"Sa dami po ng namatayan, kayo po yung nakita kong masaya"


Bigla ako napabuga ng iniinom kong kape sa sinabi nya. Ano daw? Nagpapatawa ba sya?


"Can you just work? Tsaka, wala kang magagawa kung gusto ko magcelebrate. Aga aga nagpapatawa ka. Osya sige na, mapagalitan ka pa ng boss mo"



Tumango tango naman sya at iniisip ko parin gano sya kacute sa sinabi nya. Hindi ko nalang talaga maintindihan bakit kailangan nya pa itanong sakin yun. Ang inosenste nya tignan. Ang sarap nya sampigain.


I contacted all of my friends and I am really expecting for a bitchin' party. I really am looking forward na makarating dito ex husband ko. I prepared a lot of things. As much as gusto kong magwala, I try not to. Di nila deserve. Sayang sa enerhiya. Sa ganda kong to uubusin ko pawis ko sa mga taong irrelevant.


*kinagabihan*



Nagayos ako, hindi naman ganun katindi yung make up ko pero halatang nagayos ako. Nagfitted ako na white and gold dress at sinamahan ko ng high heels. Yung hindi sumisigaw ng "Pansinin nyo ko!" pero enough na para makakuha ng crowd. It's a tube type dress kaya sure ako na pagtitinginan yung hubog ko. Hiniwalayan lang ako, hindi nilosyang.


I was roaming the party hall and everybody was on the color I told them. Black. Death party nga diba? Ako lang dapat yung star na kumikinang.



"Oh kamusta ka na!"



That is Janus, my Ex- boyfriend. Ngiting ngiti sya na wala na akong asawa. As if namang gugustuhin ko pa sya.



"Ugh"



Sabay side eye sakanya. Nilagpasan ko lang, the fvck should I do? Laitin sya? Ayoko na gawin yun, having his face and attitude. Self explanatory na yung panlalait.




Hinahanap ko sa crowd si Lovey. All I can see in unnecessary bitches na bati ng bati. Pake ko sakanila.




I kept on pushing people off my shoulder until I saw that woman.




"LOVEY! THANK GOODNESS YOU'RE HERE!"




Ang lawak ng ngiti nya at dere deretso syang tumakbo para yakapin ako. Kakaiba na talaga awra nito kumpara sa bitch attitude namin dati nung college. A lot of things happened and here we are. Still breathing kahit ang fuxked up na ng mundo.




"Tatakas na ako mamaya"




I nodded my head and pointed out a safe room kung saan pwede sya magplano. And while I do that nasipat ko na yung ex husband ko.

it's showtime



Aaron's POV:


Tahimik kong nilalakad ang hardin ng ex wife ko. Akala ko talaga aasa sya sakin para sa pera pero bakit parang bumabalik sakin mga sinabi ko.



Grabe ang garbo ng party na binato nya. Minamanmanan ko palang mga kaibigan ko nung college.



How did she gain all these people in a short span of time?



Ilang minuto pa bago sya umakyat sa maliit na entablado. Feeling ko magsspeech na sya. Naisip ko din bakit Death party to.



"Okay, first of all, thanks for coming here. I appreciate it"



Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid. Napansin kong ang ganda pala nya. Narealize ko kung bakit ko sya minahal at niligawan in the first place.


"I would like to make a toast, to the death of me and my ex husband"



Lahat ay napatingin sakin na tila ba hindi nila alam ang kanilang iaakto. Ako din naman. Hindi ko alam kung anong pakulo to.


"Happy death day. The death of me, being blind about love and thinking that Aaron Ferrer is a faithful bastard. The death of me, holding my pain and tears just to save something that is not worth saving"



Hindi man ako naging mabuting asawa pero hindi rin ako masamang tao para hindi makaramdam ng sakit. Sakit na natatanggap ko. At sakit na nararamdaman nya.



"And cheers to my ex husband's death. He may be alive now, but he's dead to me, and to anyone who believes he deserve to feel that. He's dead just by neglecting his responsibilities and all that shit"



Natawa naman lahat ng nasa audience pero bahagya akong nasaktan. Aminado ako, nagkulang ako.



"So I want you all to raise your glasses and toast. I want everyone invited in this party, decide on what makes them happy. Being free is a choice and that choice is magical. Cheers to freedom!"



"Cheers to freedom" -lahat



Maganda naman yung kinahantungan nung party. Hindi naman ako napahiya pero hindi rin ako naging masaya. Hindi ko alam, nasaktan kasi siguro ako sa mga nasabi nya. Dahil totoo naman... naging ganong tao ako.



At sana, makatulog sya ng mahimbing knowing na wala na ako sa buhay nya.

________________________

Hello! Fresh from breakup si Author eh. Kaya napahaba yung UD ko. Sana maging masaya kayo!

Lovelots!
Author

Biyuda DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon