15

1K 20 0
                                    

The only person you have in the very end, is yourself.
________________________________

Porshia's POV:

Nagising ako dito sa bahay, natanaw kong may kausap si Lovey sa pinto ng kwarto ko.

"Lovey?"

Nagpunta sya sakin na para bang nagaalala.

"Kamusta ka? May masakit ba sayo? Pasensya ka na ayaw ko kasing gumawa ng komosyon kanina sa presinto kaya dinala kita dito sa bahay nyo at tinawagan ang Family doctor nyo"

Ngumiti ako kay Lovey at pinilit ko tumayo. Mejo groggy ako pero hindi na ako nanghihina.

"Anong nangyare?"

Lovey smiled. Naglabas sya ng basket ng prutas at ng mga vitamins.

"Halika, ayokong sabihin sa boring na paraan"

Hinawakan ni Lovey ang kamay ko at naglakad lakad na kami.

"Alam mo, para kang tanga magexplain pwede mo namang sabihin sakin eh, for sure di ako mamamatay dahil nakangiti ka"

Tumawa lang sya sa sinabi ko at tinapik nya ang balikat ko.

"Hindi ka ba nalulungkot na magisa ka sa bahay palagi? Minsan ba naghganap ka ng kasama?"

Mejo naweirduhan ako sa sinabi ni Lovey kaya hindi ko nalang sya sinagot. Papunta kami sa baba. Baka dadalhin nya ako sa kusina.

"May kasama naman ako minsan, si Jacob. Nadalaw dalaw sya dito Lovey"

Ngumiti uli sya, at dahan dahan nya akong dinala sa kusina. Binigyan nya ako ng tubig at onting mangangata, alam nya sigurong mejo light headed pa ako.

"Tanong ko lang, di ka ba, hmmm"

Binaba ko ang mug na may tubig at ngumiti kay Lovey, minsan lang sya magalangan sa mga sinasabi nya kaya kailangan ko makasigurong walang mali.

"Ano?"

Hindi ko alam itatanong ko kaya deretso nalang akong nagtanong kung ano man ang balak nyang sabihin.

"Nagtataka kung bakit, masuka suka ka bigla sa amoy ng kape"

Umirap ako lay Lovey at tumawa. Pinakaba nya ako sa mga sinabi nya infairness.

"Nakita mo ba yung coffee maker nila na sobrang dumi? Malamang mahihilo ako sa piled up mess nun"

Tumawa naman sya at tumayo, hinila nya ako ng marahan papunta sa guest room.

"Hindi ka naman masyadong nagkakaroon ng guests sa bahay diba?"

Ngumiti ako at tumango.

"Kung gusto mo manirahan dito dahil sa asawa mo, it's alright, no need to act weird and all"

Binuksan nya ang ilaw sa guest room at pinaupo nya ako sa kama.

"Hindi, hindi ko kailangan ng kwarto"

Tumawa ako sa sinabi nya dahil walang sense ang pagpunta ko dito kung wala naman pala syang gagawin.

"Then why the hell are we here?"

Hinawakan ni Lovey ang dalawa kong kamay at tinignan nya ako sa mata.

"Oo, babaguhin natin abg kwartong to..."

Nakita ko syang lumunok ng maraming beses. Nanlalamig din ang kamay nya.

"...pero hindi ako ang gagamit nito..."

Mejo paintense yung pagbigkas nya ng words. Tila ba pakiramdam ko kasali ako sa kung anomang pageant meron.

"...kundi para jan, sa anghel na nasa sinapupunan mo"

At sa pagngiti ni Lovey sya namang ikinabagsak ng luha ko.

"Ano?"

Yan lang ang nasabi ko sa dami ng paliwanag ng bestfriend ko. Ayun lang ang nasabi ng tuyo kong labi.

"2 and a half months ka nang buntis. I knew it all along. Hindi ka ba masaya?"

Masaya?

Hindi bat ito ang iyak ni Aaron kung bakut gusto nya akong iwanan? Dahil hindi ko sya mabigyan bigyan ng anak? Bakit kung kailan handa na akong mawala ng tulutan biglang magkakaroon ng koneksyon ang mundo pabalik sakanya?

"Lovey..."

Habang sinasabi ko ang pangalan ng matalik kong kaibigan hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Kung iiyak ba ako o matutuwa ba ako sa balita na buntis ako.

"Alam kong mahihirapan ka magisa pero hindi ka ba masaya na may kasama ka nang mabuhay?"

Nagbuntong hininga nalang ako at napatingin ako sa tyan ko. Hindi ko pa napapansin ang paglaki nito.

"Masaya ako pero..."

Magsasalita pa sana ako nang pinutol ni Lovey ang sasabihin ko.

"Pero ano? Pero masyado kang mahina para kayanin lahat magisa? Matapang ka Porshia alam ko yun, nakita ko yun every step of the way. Alam kong makakaya mo to. Hindi na bali kung wala ka nang kasama sa pagpapalaki ang importante ay maiparamdam mong may pamilya ang batang dinadala mo. Hindi ba yan ang pinangarap mo sa magiging anak mo? Magkaroon man ng tatay o wala, ipaparanas mo sakanya ang di mo naranasan? Masayang pamilya?"

Nagpunas ako ng luha at tumawa sa sinabi nya.

"Ang lalim mo masyado magisip, sasabihin ko sana, pero pano ko sasabihin kay Jacob"

Inirapan naman nya ako at namewang sya sa harapan ko.

"Gaga ka ang dami mong pabitin yun lang pala sasabihin mo, ang cringey kaya ng sinabi ko sayo. Kalimutan mo na yun!"

Pinanood ko sya mamula at umalis. Nahiya na siguro yun o may bibilihin para sa bata.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinimulan ko nang gawin ang dapat kong gawin.

[Hello?]

"Ah, hello... pwede ba kitang makausap?"

Mas maigi nang malaman nya, kaysa mahuli ang lahat.

___________________________________

Biyuda DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon