2

7.1K 26 1
                                    

"Sometimes we need to realize that love won't last like it was before"

________________

*after 1 year*

I thought everything was just fine. Na masaya na ang buhay ko. Na misis na talaga ako.

Pero habang tumatagal ang panahon, lalong lumalamig ang pag-ibig niya sa akin.

Napabugtong hininga ako at nagiintay para sakanya.

Dialling...John

Naisip ko na tawagan ang isa sa mga kaibigan niya para malaman kung ano ba ang nangyayari sa asawa ko.

Pero...wala talaga.

"Ano ba, Alas diyes na..."

Umupo uli ako sa sofa at nagpangalumbaba, nasan ka ba kasi? Nagaalala na ako dito at di ko na alam gagawin ko, yung niluto kong hapunan para sa amin lumamig na.

Tumayo ako at umupo uli, di na ako mapakali. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil gabi na talaga siya umuwi, sa pagkakaalam ko kanina pa ang tapos ng working hours nya. Hindi naman sya ginagabi ng ganito, hindi ko rin alam saan ba sya pwedeng magpunta at hindi nanaman nya sinuot ang singsing nya. Lagi nyang nakakalimutan.

Dialling...John

Napapaluha na ako ng di ko alam, ano bang gagawin ko? Bakit parang kinakabahan ako? Magmula nung nawala ako ng isang linggo para sa conference ng trabaho ako lalong lumakas ang kaba ko. Sabi nya magtiwala lang ako, sabi nya na kapah mahal ko ang asawa ko hindi ako magiisip ng kung ano ano

Hindi naman ako ganito dati, kamakaylan lang nagaaway kami dahil ang kulit ko daw, tanong daw ako ng tanong ng oras ng uwi nya, sino mga nakakasama nya, saan sya pupunta at bakit lagi akong paranoid. Pero hindi ko rin masisi sarili ko dahil kinakain na ako ng pagaalala at kaba na baka... Na baka ako nalang yung nagpapahalaga.

Ring....

Ring....

Ring....

[Hello?]


Napabugtong hininga. Sa wakas, sinagot ni John ang tawag ko.

"Uhm, itatanong ko sana si Aaron".


Batay sa pagkakarinig ko maingay sa paligid at parang ang daming tao... Wala pa siya sa bahay nila? Kasama niya kaya ang asawa ko?



[A-ah eh si Aaron ba? A-ano di ko alam eh]



Medyo napasimangot ako sa narinig ko, bukod sa di ko alam kung paniniwalan ko ba siya o sa wala akong kasiguraduhan kung ano ang ginagawa niya.


Aaron's POV:

Habang nageenjoy ako dito sa bar kasama si Anya biglang lumapit sakin si John.


"Pre hinahanap ka ng asawa mo sakin, katatawag lang..."


Nagulat ako kasi ngayon lang naman siya nagkaganyan. Na umabot sa point na pati mga tropa ko binubwisit nya, sa totoo lang, matapos ko syang matikman, parang nawala nalang talaga lahat.

"Babe, ano ba?"

Napatingin ako sa babaeng napakaganda sa harap ko, si Anya, ang babaeng minahal ko ng sobra, akala ko kasi yung asawa ko na talaga, pero si Anya pala ang darating na magnanakaw ng puso ko.


"Ano yun Babe? San mo gusto pumunta after?"


Imbes na sumagot siya binaon nalang niya yung ulo niya sa leeg ko, bakit ba ang lambing lambing niya? Bakit ganun?


Porshia's POV:

2am na ng madaling araw at hindi padin dumarating ang asawa ko.

Aakyat na sana ako nang nakarinig ako ng tunog ng sasakyan, andyan na si Aaron.

Gusto ko sanang salubungin siya ng yakap kaso bumitaw siya, tinry ko din na hawakan yung kamay niya pero tinulak niya ako. Hindi naman siya ganito dati.

"Aaron... May sasabihin pala ako"

Di nya ako pinansin at dumeretso nalang paakyat ng kwarto namin.

"Wala akong panahon okay? Pagod ako?! NAIINTINDIHAN MO BA?!"

Napapikit ako dahil ngayon nalang uli niya ako sinigawan, hindi ako makapaniwalang ang laki ng kasalanan ko sakanya. Siguro nga sobrang pagod na siya kaya siya ganyan ang dami din kasi niyang trabaho kaya siguro inumaga na.

"P-Patawad Aaron,sige magpahinga ka na."


*kinabukasan*


Maaga akong gumisin pero-



_________________
HAHAHAHAHAHAHA!
Intended talaga yang pabitin na yan <3

Osya hanggang sa muli!

Lovelots,
Author.

Biyuda DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon