PART FIVE: DERRICK

77 4 10
  • Dedicated kay Ervi John Villa
                                    

Yehey! Almost halfway. Thank you for reading and being patient up to this point. I really appreciate your reads. This chapter is for Ervi, he'll be playing Derrick. And of course to the new character, Chase that will be portrayed by Janvic.

Happy MUST days! There, enjoy.

-- CONAN E || TheNextOne

PART FIVE

Derrick

 

Tiningnan ni Derrick si Dale. Hindi niya mailarawan ang ayos nito. May pasa ito kahit saan. Mukhang binugbog na naman ito ng ama.

“Dude,” tawag niya at bahagyang umangat ang mukha nito. May ngising bakas sa mga labi nito. Lasing na naman siguro. Palagi nalang ganoon.

“Dude, anong ginagawa mo rito?” Nasa bahay siya nito. Umupo siya sa harap nito at kumuha ng isang bote.

“Kumusta ka na?” tanong niya habang binubuksan ang bote. Katatapos lang ng semestre at madalang na silang magkita.

“Great,” niluwa nito ang salita. “Galit si Amang. Hindi ko naipasa iyong isang subject. Binigyan ako ng karangalan.” Naaawa siya ngunit hindi niya ipinakita iyon. Magagalit lang ito sa kanya.

Iyon kasi ang ayaw nito… ang kaawaan.

“Dude, maaari mo naman sigurong isummer iyong subject,” suhisyon niya. Ngunit kahit siya ay duda sa sinabi. Fourth year, electrical engineering? Summer class? ‘Di ba may OJT na ‘to?

Ngumisi si Dale. “Hindi mo na kailangang sabihin iyan. Isa pa may OJT na ako eh.” Right. Bigo na naman siya. Parati na lang mali.

 

Lahat na lang. Yumuko siya.

Tumayo ito at tinapik ang balikat niya. Bakit baliktad ata?

 

Ito ang bugbog sarado.

 

Ito ang may problema.

Ngunit bakit ito pa ang nagpapagaan ng loob niya?

“Argh! Kalimutan nga muna natin iyan. Samahan mo akong lumabas. Nabobore ako rito.” Naiangat niya ang ulo. Nakangisi pa rin ito. Tumango nalang siya at saglit itong nagpaalam para magbihis.

 

Kung wala si Dale ay wala rin siya.

Si Dale at Drew lang ang naging totoong kaibigan niya. Nang pinagpalit sila ng huli para kay Stella ay gusto niyang bugbugin ito hanggang sa gumising ito sa katotohanan.

“Dude, okay ba?” Ngumisi siya sa estilo nito. Nakasuot ito ng red jacket na pinailaliman ng gray v-neck shirt, dark blue denim jeans at redrunning shoes.

BalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon