PART TEN: SOPHIE (Section 1)

51 1 0
  • Dedicated kay Sweetie Pie Evasco Mahistrado
                                    

After editing nine chapters and almost a month without an update; finally, it's here. I'm really sorry for the delay but this is for your convenience. I apologize for changing the timeline, for those who were already reading. It is because I have a new story related to this that will be posted once Balam is finished. I don't know. Soon.

It may be confusing but  Teardrops on my Guitar by Taylor Swift was released by 2006 and also Kay Tagal Kitang Hinintay by Spongecola which was released 2010 by but used in this story in the year 2001. Please just imagine that the songs were already released by that time.

This chapter and the sub-chapter are dedicated to Sweet Love Mahistrado, which is Sophie in this story. This chapter contains scenes and language sensitive for young audiences (once again this story is already categorized to Restricted), please be guided.

Thank you very much. Here it goes.

PART TEN - Section 1

Sophie

"Pangit! Pangit! Itim! Negra!" Tumawa ang mga ito. Kinuyom ni Josephine ang mga palad upang pigilin ang sarili sa paghikbi. Sanay na siya pang-aapi at paninirip ng mga kaklase niya.

 

"Bawal ang mga panget rito." May itinapong mga papel sa kanya--isa, dalawa, parami ng parami pa. Tumungo siya at hindi gumalaw. 

"Princess, huwag kang sasali sa gulong walang katuturan. Maging mapagkumbaba ka at umiwas." Iyon ang laging bilin sa kanya ng ama bago ito namatay. 

 

"Hoy! Tigilan niyo iyan! Kayong apat, sa guidance office, ngayon na," saway ng naparaang class adviser nila. Tumungo ang mga apat na kaklaseng nagtapon ng mga papel sa kanya.

 

Tumawag ang guro ng kasamahan upang dalhin ang mga ito sa Guidance Office. "Kababata pa ninyo, ang sasama na ng ugali at naghahanap ng gulo. Naku! Kabataan nga naman. O Josephine, ayos ka lang ba?"

 

Hindi niya kayang ilabas ang saluobin. Tumango siya habang nakatungo. Tinapik ng guro ang kulot niyang buhok. "Pagsasabihan ko ang mga iyan. Tsk, bakit ba hindi mo pinagtanggol ang sarili mo?"

 

Ano ang isasagot niya? 

Totoo naman iyon Teacher eh. 

 

"O siya, bumalik ka muna sa classroom. Malapit nang matapos ang recess." Tumango siya bago lumakad pabalik.

 

Siya si Josephine Evasco. Pangit, maitim, kulot ang buhok, may salamin sa mata, sira na ngipin at basag na boses--ang paksa ng kalokohan. 

 

"Lumayo nga tayo. Mahahawa pa tayo sa mga germs niyan. Eww!" usal ng isang babaeng kaklase sa mga kasamahan. Maarteng tinakpan ng mga ito ang bibig.

Tingnan niyo muna ang mga sarili niyo. Tch.

 

BalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon