PART TEN: SOPHIE (Section 2)

37 1 0
  • Dedicated kay Sweetie Pie Evasco Mahistrado
                                    

PART TEN - Section 2

Sophie

Naging normal ang takbo ng buhay. May Stella pero nasanay na siya. Hindi na ito masyadong nakakaabala. May mga pagkakataong natatakot pa rin siya pero base na rin sa research niya ay wala naman itong magagawa kundi magparamdam. Kahit papaano’y napanatag ang kalooban niya.

She didn’t see any traces of Drew. Matapos ng komprontasyon sa lamay nina Dale at Derrick, ay hindi na sila muli pang nagkita.

She felt her again. Dahil wala rin lang siyang magagawa, she ignored the bitch and focused on her paperwork. Siya na ang humalili sa posisyon ng ama at base sa mga papuri ng mga kasamahan niya, she did a fine job.

Semestral break na nang mga estudyante pero nagtatrabaho siya kahit hindi na kinakailangan. Gusto niyang maging abala dahil na rin sa gusto niyang makalimot. Naalala na naman niya si Drew.

Damn it. Bakit ba hindi ito maalis sa isipan niya?

 

Kasi mahal mo siya, sagot ng isipan niya. Damn. Totoo nga ang kasabihang kapag malayo ang dalawang tao sa isa’t isa ay doon masusubok ang kanilang pagmamahalan. Pero sa kaso niya, unrequited. One-sided. She closed her eyes and thought of him.

It made her heart throb hard.

“Ma’am, are you okay?” tanong sa kanya ng sekretarya at iglap na binuksan niya ang mga mata. Tumango siya, unsure of what to say. “Do you want coffee?”

“Yes,” she said in a low voice which turned out to be a whisper. Tumango ang sekretarya at umalis sa harapan. Natagpuan niya ang sariling nakatanaw lang sa labas.

What’s with this day? Bakit parang tinakasan ng enerhiya ang katawan niya?

“Here, madame.” Hindi niya namataang nakabalik na pala ang sekretaya. Ibinaba nito ang kape sa mesa. “If you needed anything, you can always give me a ring.” Tumango siya. Nasa bungad ito ng pinto nang linungin siya nito. “You should give your loved ones a visit.”

Napatingin siya rito. Ano bang sinasabi nito? She didn’t love anyone. Except Drew--anyway ayaw siya nitong makita. She sighed in defeat. “All Saint’s Day bukas, ma’am. Maaaring ang pagkayamot na nararamdaman niyo ay sanhi ng pagpapaalala sa’yo. I suggest you take the day off. Wala namang trabaho sa mga susunod na araw.” Isinara nito ang pinto.

Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa kalendaryo. Damn it! Halloween.

Lumabas siya ng office at bumili ng mga kandila. Bibisitahin niya ang ama sa All Saints’ Day at ang mga kaibigan sa All Souls’ Day. Saglit na pumasok sa isip niya si Stella.

No, no. Hindi ka kasali.

Bumili na rin siya ng bulaklak at natagpuan ang sariling papunta ng ospital kung saan nakaconfine si Yna. Kailan ba niya ito huling nadalaw? Hindi niya matandaan. Halos walong buwan na itong comatose. Ano bang ginagawa ng mga doktor?

BalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon