POSTVIEW (Lisanna and Lucky)

53 2 1
                                    

This is the last update. Waaahhh~~after almost half a year of writing, I'm done with this story. *Insert tears of joy here* Thank you very much for those who supported this story and I hope you'll give the same support to my upcoming stories.

-- CONAN E || conanlle

 Lisanna

"Si Sophie?" natatarantang usal niya habang hibang na pinagmasdan ang paligid.

Takang tiningnan lang siya ng mga kasambahay. "Wala po ba siya sa kuwarto?" tanong ng mayordoma.

"Hindi, wala siya roon." Inikot niya ang paningin sa paligid. Kahit nakakaangat na siya sa buhay ay hindi pa rin nawala ang respeto niya sa mga taong mas mababa sa kanya. Naranasan rin niyang maghirap.

Bumaba siya ng hagdan. Tinulungan na rin siya ng mga kasambahay sa pagtawag ng pangalan ni Sophie. Narinig niyang may sinabi itong hindi niya naintindihan mula sa labas. Sa labas… saan ito pupunta?! Halos tinakbo na niya ang daan patungong pinto ngunit naabutan lang niya ang usok ng dulot ng sasakyan nito. 

Nasapo niya ang noo. "Bakit mo siya hinayaang lumabas?!" bulalas niya sa guwardiya.

"Ma'am, pasen--"

"Sundan niyo siya!" sigaw niya at nagpalakad-lakad. "Oh my God. Oh my God. Saan ba siya pupunta?" Tumigil siya nang nakitang nakatunganga pa rin ito. "Ano pang ginagawa mo? Go!"

"Yes Ma'am!" Sumaludo ito't umalis. May respeto siya sa mga empleyado ngunit tatanga ang isang iyon eh! Argh!

"Anong kaguluhan 'to?"

Nanindig ang mga balahibo niya. Napalunok siya ng ilang beses bago humarap sa pinanggalingan ng boses. "Si Sophie," ang tanging sambit siya.

"Anong nangyari?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Hindi magandang senyales iyon. Natutunan na ring mahalin ni Warren Mahistrado ang anak niya at sa kalagayan nito ngayon, hindi maganda ang epekto ng stress sa kalusugan nito.

"Ma--"

"Anong nangyari?" ulit nito. Napalunok siya. 

"Tumakas siya," bulong niya at yumuko. 

"Ano pang ginagawa natin dito?" Marahas niyang naiangat ang ulo. "Nasaan ang sasakyan ko?"

"Mahal? Anong--"

"Susundan natin iyang anak mo, Lisanna."

"Warren--"

"Hindi mo ako mapipigilan!" Napangiwi siya. "Oras na para tapusin ang kahibangan ng anak natin!"

BalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon