POSTVIEW (Aaliyah and Rio)

40 2 0
  • Dedicated kay FaRhan IbRahim DiRon
                                    

Second part of the last chapter. The last one will be posted before the end of May. I made sure to finish this story before I go to school. Waaahhh~~I'm going to miss summer!

-- CONAN E || conanlle

Aaliyah

"I just wanna scream and lose control... Throw my hands up and let it go... Forget about everything and run away, yeah," pasigaw na kanta niya sa Runaway ni Avril Lavigne. "I just wanna fall and lose myself! Laughing so hard it hurts like hell! Forget about everything ang runaway, yeah!"

"Tsk, pangit," kutya ng kung sino. Shit, kahit naglalakasan ang tugtog sa loob ng karaoke lounge narinig niya pa rin iyon! Napalingon siya at masamang tinitigan ang lalaking nakaupo ito sa bar na may ilang shot glass sa paligid.

"Hoy! Walang hiya ka!" sigaw niya habang lumapit rito dala ang mikropono. Kumukulo na ang dugo niya ngayon. Damn, wala pang nang-iinsulto sa kanya ng ganoon. Hindi niya naiintindihan kung bakit sa isang salita nito ay nagdagdagan ang bad vibes niya hanggang sukdulan.

Napangiwi ito bago humarap sa kanya. "Hoy, Miss. Ano bang problema mo't nagsisigaw ka?"

Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung sino ang lalaki. Napamura siya sa isip. "Were you insulting me?" matalim na tanong niya gamit ang mikropono. Hindi ito sumagot at ibinalik ang atensyon sa inumin nito.

Damn, hindi na niya nahabol ang kanta! Tumalikod siya at itinuon ang atensyon sa machine habang sinisigaw ang lyrics. Lasing na siguro siya... pero wala siyang pakialam.

"Ano ba?! Ang ingay!" Umikot ito sa upuan at pinaharap siya na nanlilisik ang mga mata. Lumakas ang tibok ng puso niya... hindi dahil sa takot, kundi sa nerbiyos! Damn, hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi siya natatakot rito!

"Eh 'di lumabas rin ang totoo!" sigaw niya at tumunog ang signal na nagpapakita ng puntos. Tinapunan niya ng tingin ang karaoke machine at isang ngisi ang namuo sa mga labi. "Sinabi mo bang pangit?"

"Tsk. Hindi mo nga tinapos ang kanta. Sira iyan," walang emosyong sabi nito at akmang tatalikod ngunit nilagay niya ang kamay sa balikat nito.

Marahas nitong inalis iyon. Sensitibo! Bakla ata, gee. "Para saan iyon?!" sigaw niya.

"Tumigil ka nga sa kasisigaw!" Sumigaw na rin kaya ito. Tsk. "Ginagamit mo pa ang mikropono, punyeta. Umalis ka na nga't mas lalong nasisira ang gabi ko."

"Anong pinapahiwatig mo, ha?" Tumayo ito at lumakad umalis ngunit pinigilan niya ulit. "Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!"

"Argh!" Hinila nito ang kamay. "Ano bang gusto mo?"

"Karaoke," deretsong sagot niya. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya.

"Hah?"

BalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon