PART ELEVEN: NATE (Section 2)

39 1 0
  • Dedicated kay JamShed A. FahMi
                                    

PART ELEVEN - Section 2

Nate

May narinig siyang mga hikbi. Dinama niya ang kama, inaasahang matatagpuan ng kamay ang hinahanap. Ngunit wala. Napabalikwas siya ng bangon.

 

Nasaan si Claire?

Inilibot niya ang paningin at natagpuan itong nakaupo sa settee sa dulo ng kuwarto.

Yakap-yakap nito ang mga binti at umiiyak. 

Dali-dali niya itong dinaluhan. "Claire, anong problema?"

Hindi ito sumagot. Nanatili itong walang kibo. Nag-aalala siya. Damn, paano kung--hindi dapat siya nag-iisip ng ganoon. Pilit niyang iniangat ang ulo nito. "Claire, bakit ka umiiyak?"

Tumingin ito sa kanya. Ang lungkot na nakikita niya sa mga mata nito ay sapat na upang mabasag ang puso niya sa milyon-milyong piraso. "Nate," nanginginig ang boses nito.

Ano ba ang problema?! Bumibilis ang pintig ng puso niya! "Are you still happy with me?"

 

What the fuck is with that question? "Oo!" bulyaw niya. Ano na naman ba ang insecurities nito? Hindi naman sa nasasakal siya o ano, hindi ba talaga ito nagtitiwala sa kanya?

"I-I can’t bear a child yet. Hindi ka naman nagsasawa sa'kin, 'di ba?" Napatigil siya. Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa kanila. Lumambot ang ekspresyon niya at ginagap ang kamay nito. 

"Bakit mo naisip iyan?" Yumuko siya sa harap nito at mariing tinitigan ang mga mata. Hindi niya maintindihan. Misteryo ang magkapatid na Shawn at Claire. Kung hindi siya magtatanong ay mananatiling siyang walang alam. 

"Because…" Suminghot ito. "Because, my mom can’t bear children that’s why he committed adultery." Nanlaki ang mga mata niya. Gayunpaman ay hindi siya nagkomento. Alam niyang magkaiba ang ina nito ngunit ngayon lang ito nagkuwento. "They’ve been married for five long years and my mother had two miscarriages. Then she just gave up. I shouldn’t have told you this..."

Makikita talaga ang insecurity sa mga mata nito. Hindi para sa iba, kundi sa sarili. "Sabihin mo sa'kin ang nararamdaman mo. Kahit ano, makikinig ako."

"Nate?" Naiangat niya ang dalawang kilay. "Let’s go to bed, nangangalay ka na riyan." Napangiti siya. Hindi niya iyon naramdaman kanina ngunit nang pinaalala nito, doon lang niya naramdaman. Tumayo siya at binuhat ito.

"Nate naman! I can walk!" Hinampas pa siya nito sa balikat ngunit binalewala na niya ang bigat ng kamay nito. Nang makaabot sa kama ay tumatawa na ito. Natuyo na ang mga luha bagaman may mga bakas pa rin ng pamumula ang mga mata nito. 

"Sagutin mo'ko. May tiwala ka ba sa'kin?" kaswal na tanong niya kahit sa kaloob-looban niya ay seryoso ang pahiwatig nun. 

Saglit itong hindi magsalita hanggang sa may mga mahinang salitang lumabas sa bibig nito. "I don’t trust myself." Yumuko ito at ginagap ang mga kamay niya na hinawakan ng mahigpit. "Hindi ko alam kung nagampanan ko ang papel ko bilang asawa sa'yo, Nate. I’m growing old. I still can’t give you a child. Paano kung magsawa ka sa'kin? Paano kung--"

BalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon