"Miss You Like Crazy."

7.7K 317 40
                                    

"Miss You Like Crazy."

"Shut up, Honteveros!!! Hindi mo ko utusan, busy din ako noh! Saka pwede ba, masyado kang praning...bakit hindi mo ibili ng sariling cellphone yang si Cj mo! nang hindi ako ang inuurat mo!" Dinig na dinig ko ang naiinis na boses ni Renz. Nasa labas siya ng bahay namin, kaya naman nilabas ko siya kaagad.

"Sinong kaaway mo?" I asked him pa rin kahit alam ko na kung sino ang kausap niya.

Iniabot niya sa akin ang kanyang phone. Talagang inis na inis siya. "Si Honteveros, parang asong ulol...miss ma miss ka na atang masyado."

"Ano!?" Nakatangang kinuha ko ang phone kay Renz. Anong pinagsasabi niya? Bumuntong hininga mo na ako bago idinikit ang cp sa aking tenga at saka kinausap si Arix. Ano na naman kaya ang problema ng adik na to? "Hello, problema mo?" Tanong ko.

Narinig ko ang pag-tssk ni Arix. "Bakit hindi mo ko namimiss?" Tanong niya kaagad sa akin.

"Ano!!?" Tanong ko naman. Adik lang siya? Ini-emote nya?

"Two days na ko dito sa Cebu, tas di mo man lang ako namimiss? Hindi mo ko tinetext,  hindi mo man lang maisip na tawagan para kamustahin ako? Bakit nakapatay ang cellphone ni Mama. Hindi kita matawagan! Kainis yang Renz na yan ha, ang dami dami ko nang texts sayo wala ka man lang reply...I'm sure hindi lang niya binibigay sayo, may gusto kasi sayo yan eh...Pauwiin mo kagad yan, ayaw ko siyang nandyadyan!!!"

"Okay ka lang? Dami mong sinasabi ah..." Gusto kong matawa na mainis kay Arix. Parang bata lang kung makaasta.

"Basta ayaw kong magkasama kayo ni Renz...pauwiin mo na yan kagad..." Iritableng sabi pa rin ni Arix.

"Ah okay...sige pauwiin ko na siya. Sabi mo eh...Renz uwe ka na daw oh,.." Enend call ko ang tawag ni Arix.

Nagring din naman kaagad ang cellphone ni Renz. Syempre si Arix pa din. Alam ko namang tatawag ulit siya.

"Bat mo pinatay!?" Nakasigaw na tanong niya sa akin.

"Tsssk...sabi mo pauwiin ko na si Renz. Syempre isusuli ko tong cp niya. Alangang umuwe siyang hindi ito dala?" Nang-aasar kong sagot sa kanya.

"Tssskk...kainis!!! Kainis talaga!!! Basta huwag kang lalapit sa kanya!" Nakasigaw pa rin si Arix, kaya naman kailangan ko pang ilayo sa tenga ko ang cellphone.

"Problema mo noh? Parang gago lang?"

"Kaw na nga tong namimiss ko, tas gago pa pala ako? Ayos ah...geh na nga! Bahala ka sa buhay mo!" Pinatay ni Arix ang cellphone. Okay..fine whatever.

Tingnan natin kung sino ang unang susuko. Bahala pala ako sa buhay ko? 

Biglang nagring ulit ang cellphone ni Renz. I know right. Mga anim na miscalls muna bago ko sinagot.

"Ano ba!? Bat ang tagal mong sagutin?" Sigaw ni Arix.

"Para kang tanga, alam mo yon? Pinatayan mo ko tapos tatawag ka ulit, ikaw pa tong galit?"

"Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Hindi mo man lang ako sinuyo? Alam mong galit ako!!" Nagdadramang sabi nito.

Ayos ah? Adik nga ata 'tong si Arix. Mga drama niya, patawa.

"Ewan ko sayo, Honteveros. Laki ng problema mo! Bakit ka ba tumatawag? Nasira phone ni Mama, ayaw magcharge." Hayssst...parang nakikipag-usap lang ako sa bata.

"Tssssk!!! Wala ba talaga akong halaga sayo?" Si Arix.

"Ewan ko!" Ako.

"ANO!?" Siya.

"Dami mong alam!" Ako.

"Uutusan ko si Elena, I will tell her na ibili kayo ni Mama ng phone. Dadalhin niya mamaya dyan. Wala kang choice kundi tanggapin iyon dahil magagalit talaga ako kapag hindi mo tinanggap. Ang hirap ng walang matawagan sanyo ni Mama." 

"Okay!" Ako.

"Kamusta si Mama?" Naging mahinahon ang boses ni Arix.

"Okay naman siya, andun kina Aling Mayta siguradong nakikipagkwentuhan." 

"Ikaw? Kumakain ka ba? Ang payat payat mo." Hahaha...gusto kong tumawa sana nang napakalakas. Anong nakain nitong si Arix. Parang engot lang...bat may nalalaman siyang ganun?

"Pinagsasasabi mo?" Haysssst...panu ko ba itatago ang pagkakilig ko?

"TSSSSSK!!!! BASTA KUMAIN KA!! AYAW KONG PUMAYAT KA, BAKA MAGKASAKIT KA!" Sigaw ni Arix.

Buti na lang hindi naririnig ni Renz ang mga sinasabi nitong si Arix...Shaksss nakakahiya siya...Para lang engot. Ewan baka namumula ata ang pisnge ko...grabe, ang OA lang niya. Basta ayaw kong makita ni Renz na kinikilig ako.

"Hey, Arix. Kanina pa kita hinahanap. You're here lang pala.The program will start na daw. Hinahanap ka na ni Tito Enrique. Gosh, Arix you're so handsome talaga. Ipapakilala kita kay Lolo Benjamine, let's go."

Yeah, I know it's Rita. Alam ko amang magkasama sila ngayon sa Cebu. Sinabi na ni Arix sa akin na kasama nila si Rita. Why not? Invited ang family ni Arix sa inauguration ng elementary school na pinagawa ng local goverment dun under the priority project of Sen. Enrique Honteveros ang daddy ni Arix. At ang Lolo ni Rita ay isang mataas na city official dun. Sa Dept. of Public Works and Highways kung di ako nagkakamali.

"Oh...sige na. Ibabalik ko na tong cp kay Renz." Ako.

"Huwag...nag-uusap pa tayo ah...Basta kumain ka, saka yong cellphone ah kapag nadala na dyan ni Elena tawagan mo ko... mag online ka, video call mo ko. May internet connection na iyon kaya wala kang dahilan dyan. Hindi mo na kailangang makigamit sa Renz na yan!"

"Oo na, sige na. Baka hinahanap ka na ng Lolo ni Rita, ipapakilala ka daw. You should be proud." Pang-aasar ko kahit ang totoo ay may konting selos akong nararamdaman.

"Ano!?" Si Arix.

"Sige na, bye na. Punta ka na sa lolo ni Rita."

"Wala akong pakialam sa lolo niya."

"Oo na lang. Geh!" Ako.

"Tssssk...nagseselos ka ba? Sabihin mo nga!" Si Arix, nang-aasar. Ang yabang.

"Ulol..asa ka...sige na. Babalik ko na tong cp kay Renz."

"Wala akong pakialam kay Rita! Huwag ka mag-alala hindi kita ipagpapalit, I will be your best friend forever." Si Arix.

"Dami mo alam...geh!" Ako.

"Aysus...!" Si Renz...nagulat ako nasa likod ko na pala siya. At sa tingin ko sa kanyang ngiti, may masama siyang naiisip.

"Cejs...si Ford nasa labas. May lakad daw kayo? Joyride pala kayo pa Tagaytay ah..baka pwedeng sumama?" Si Renz.

"ANO!? ANONG PINAGSASABI NYANG RENZ NA YAN? SINO NAGSABI SAYONG SUMAMA KA SA FORD NA YAN!! KAPAG NALAMANG KONG TOTOO YAN BABALIAN KO NG LEEG YANG LETSENG FORD NA YAN.HINDI AKO NAGBIBIRO...CJ MARK MY WORDS...MAPAPATAY KO ANG FORD NA YAN!!! PAKAUSAP NGA SA FORD NA YAN...GAGO YAN AH!!!" Galit na galit si Arix. Naniwala sa sinabi ni Renz.

"Tssssk...jinu-joke ka lang ni Renz, patola ka naman. Sige na, may gagawin pa si Renz."

"BASTA HUWAG NA HUWAG KANG SASAMA SA FORD O SA RENZ NA YAN...UUWE NA KO NGAYON DIN DYAN...KAPAG WALA KA DYAN SA PAGDATING KO MAPAPATAY KO TALAGA KUNG SINO MAN ANG KASAMA MO!!!"

"Ano? Adik ka talaga noh?" Ako.

"Arix...let's go. Magsisimula na ang ceremony." Si Rita.

"I don't care. I'm coming back to Manila now!..CEJS I'M COMING...HUWAG NA HUWAG KANG SASAMA KAY FORD...I'M DEAD SERIOUS...I WILL KIM HIM!!!"

Enend call ko na. Tsssk...Si Arix parang bata lang.

Unedited : Short update

Written by: mikzylove

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon