A/N: Wala akong naisip na matinong title eh, kaya yan na lang.
Jur's Point of View
"Jur pinapatawag ka ni Manager L." Sabi ni Myra isa sa staff ng banda ni Lesther. Nasa coffee shop ako ngayon nakatamba Tumango ako at naglakad papunta sa sakayan ng taxi. Habang nasa biyahe, iniisip ko kong bakit ako pinapatawag ni manager L eh wala na naman akong obligasyon sa kanila kasi nakahanap na naman si Lizi ng mas karapat dapat sa pwesto ko bilang kapartner ni Lesther.
"Miss andito na po tayo." Sabi ni Manong. Ibinigay ko yung bayad sa kanya. Ngumiti ako bago lumabas ng taxi.
Naglakad ako sa hallway at nakakailang yung ibang mga estudyante na nakatingin sa akin. Siguro nagtataka sila dahil bago ang mukhang nakikita nila. Kasi naman bakit ba kasi ako pinapatawag? Tsaka bakit kailangan sa studio pa nila?
"Miss papasok ka?" Tanong nung nasa likod ko. Paglingon ko si Leroy pala. Nagulat pa ako nung makita siya.
"Ahm. Oo." Sagot ko sabay pinihit ang doorknob.
"I know it na ikaw yung nakatalikod kanina." Sabi niya nung makapasok kami. Tinanguan ko siya at nginitian.
"Hi Jur, buti nalang at nandito ka na. Problem solved." Bungad ni manager L sa akin ng makita niya ako.
"Ahm. Manager bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong ko. Nginitian niya ako ng pagkalaki laki.
"Sorry ah. Nagback out kasi si Ann bilang partner ni L. Pinagbawalan kasi siya nung boyfriend niya." Sagot niya.
"What do you mean Manager? Si Caden at Ann na?" Gulat na tanong ni Lucas. Tumango tanong si manager.
"Akala ko ba si Kath gf niya?" Tanong ni Levy. Tiningnan siyani manager at nagkibit balikat.
"Oo sila nga pero wala na ngayon." Sagot ni Manager.
"Ows sayang naman ang dami pa naman nilang fan." Sabi ni Levy.
"Hayaan niyo na sila ngayon atupagin na natin ang MV niyo. Halika ka Jur ipapaliwanag ko sayo ang mga mangyayari." Sabi ni manager hinila niya ako papasok sa isang kwarto at grabe parang nasa langit lang ang feeling all white kasi ang kwarto, mapa couch man, cabinet lamesa at kama, basta white tapos may isang malaking figurine ni Lesther sa pinaka gilid, kaya nga labas na labas ang kulay ng decoration niya eh.
"Ito ang pahingahan ni Lesther dito din siya minsan natutulog." Sabi ni manager. Napa "ah" naman ako. Naglakad lakad ako sa malaking silid ni Lesther, sobrang linis nun wala kang makikitang alikabok. Maayos ang pagkakalagay ng sapatos at damit niya.
"Iwan mo na kita dito. Parating na daw si L dito mo na lang siya hintayin." Sabi ni Manager L, tumango naman ako. Nang makalabas na si manager nag ikot ikot na ako.
Habang nagiikot ako ay hindi ko maiwasang mamangha sa kaayusan ng buong kwarto, parang hindi ito ginagamit dahil sa sobrang linis. Talo ang kwarto ko na makalat. Parang hindi lalaki ang may ari nitong kwarto. Pero isang frame ang nakakuha ng atensyon ko, nasa kabilang dulo siya ng kwarto, nag iisa lang siyang frame sa loob ng kwarto, naglakad ako palapit doon.
Malapit na ko ng mahawakan frame ng bumukas bigla ang pinto, paglingon ko si Lesther. Nanlaki ang mata niya ng makita akong nasa loob ng kwarto niya. Walang makapagsalita sa aming dalawa. Pero ilang saglit lang ay nagsalita na siya.
"What do you think are you doing?" Tanong niya habang nakatingin sa kamay ko na inaabot ang frame. Agad siyang lumapit sa akin, hinablot niya ang frame at inilagay sa cabinet niya.
"Hindi porket pinayagan kitang pumasok dito eh makikialam ka na. Kapag gamit ko walang pwedeng humawak. My property is my property." Seryoso niyang sermon.
BINABASA MO ANG
THE TWISTED HEARTS
RandomLove? Ano ba ang LOVE? Bakit maraming sumasaya at nalulungkot pag dating sa Love? Bakit merong mga tao na umaasa at paasa pagdating sa Love? Kailan mo malalaman kong siya na ba talaga ang tamang tao na dapat mahalin ng lubusan? Kailan mo masasabing...