Chapter 3: Revelation's of Kingdom University

31 3 0
                                    

Gab's Point of View

"Hey Vonn! Ken! Buksan niyo nga tong gate!" Sigaw ko habang paulit ulit na nagdodoorbell.

"Hoy Gab! Ngayon ka lang nakagamit ng doorbell? Arogante lang? May balak ka sirain yan?" Sarcastic na tanong ni Vonn habang binubuksan ang gate.

"Kong sana binuksan niyo agad." Sagot ko, ipinasok ko na ang kotse sa garahe at saka lumabas.

"Pagkain ba yang dala mo?" Tanong niya habang nakatingin sa dala kong box. May lahing aso ba to? Ang bilis maka amoy ng pagkain eh. Talent niya na ata yan.

"Oo, someone just gave me." I answered.

"Wow kabago bago mo pa lang dito may admirer ka na agad." Komento niya. Kinuha naman niya ang box at kumuha dun ng isa saka kinain.

"Patay gutom ka talaga Vonn. Hindi ko pa nga inaalok sayo kumukuha ka na agad." Sabi ko sa kanya sabay lakad at pumasok ng apartment.

"Nakaka gutom ka kayang hintayin." Reklamo niya. Nakasunod pala siya sa akin.

"Who the hell told you to wait for me?" Tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng juice sa baso. Nagkibit balikat lang siya.

"San ka ba galing?" Tanong niya, habang nagbabalat nanaman ng cupcake.

"Vonn yung chocolate ko mauubos na." Pag iiba ko ng usapan.

"Hindi noh, last na to promise. Pero wag mong ibahin ang usapan Mr. Yap. Saan ka ba talaga galing?" Sabi niya sabay kuha ng juice sa ref. Akala ko pa naman makakatakas na ako.

"I just walk around the campus." I said directly.

"Ah talaga bat may dala kang dalawang box ng chocolates. Aber?" Di makapaniwala niyang sabi.

"I already said earlier that someone just gave me that chocolates. Are you deaf. I'll just go upstairs Vonn." I said and then walk out, paglabas ko sakto namang pumasok si Ken.

"Hey bro san ka galing?" Bungad sa akin ni Ken ng makapasok siya ng apartment.

"Diyan lang sa tabi tabi." Lumakad na ako papunta sa kwarto ko.

"Anong dala mo?" Tanong niya. Isa pa tong patay gutom.

"May chocolate akong dala nandon kay Vonn at mukhang malapit ng maubos." Walang gana kong sagot.

"Oh Ken andito ka na pala. Ito oh chocolate, bigay daw kay Gab." Sulpot ni Vonn mula sa kusina. Kinuha naman ni Ken yun.

"Iba talaga karisma mo insan kabago bago mo palang may admirers ka na agad." Sabi niya habang binabalatan ang cupcake.

"Ewan ko sa inyo." Umakyat na ako ng hagdanan at pumasok na ng kwarto at saka nahiga sa kama. I looked up at the ceiling. Then I closed my eyes.

Oo nga pala di pa ako nakakapag pakilala. Im John Gabriel Yap, Accountancy na ang course ko. 19 years old, gray eyes. My Dad, Gilbert Mañago is a lawyer slash buisnessman pero hindi ko siya kasama palagi, nagkikita lang kami isang linggo kada buwan sabi ni Dad he is a busy person kaya hindi niya ako nakakasama palagi, at naiintindihan ko yun. My Mom Gabriela Yap died when shes giving me birth, hindi ko dala ang apelyido ni Daddy dahil hindi sila naikasal ni Mom noong buhay pa si Mommy, pero kahit ganon sabi ni Dad may karapatan pa din ako sa kayamanan niya dahil anak niya ako. Ang sabi naman nila Lolo Gab at Lola Gabby Yap ang lahat ng kayamanan ng mga Yap ay ako ang magmamana dahil nagiisa lamang akong apo nila. Sa totoo lang hindi ko naman iniisip ang mga yaman yaman na yan. May dalawa akong bestfriend sina Kenneth Yap at Vonn Clinton. Si Ken yan ang best buddy ko, pinsan ko din, kasama sa lahat ng kalokohan, kabaliwan at higit sa lahat kasangga ko sa lahat ng bagay pero mahilig yan mantrip at ako ang favorite niyang sunject. Matakaw rin yan. Si Vonn naman hindi masyadong ka close dito kasi siya nag highschool kami kasi ni Ken sa US, medyo di rin ako close diyan kasi mas matured yun sa amin mag isip pero kasama parin namin yun sa mga kabaliwan namin pag nagbabakasyon kami dito kaya lang kinikonsensiya kami minsan lalo na pag may ginawa kaming kabaliwan ni Ken at may pagka matakaw din pala yan. Si Ken at Vonn ang close kaya sa apartment kami ni Vonn ngayon nakatira. May sarili naman akong condo pero pinilit kasi akoni Ken na dito nalang tumira para magkasama parin kami.

THE TWISTED HEARTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon