Kath's Point of View
"Kath tawagin mo na yung dalawa kakain na." Utos ni Tom sa akin.
"Okay!" Sabi ko tsaka umakyat ng hagdanan. Nang maka akyat ako ay narinig kong nag uusap ang dalawa sa kwarto ni Lizi, kaya binuksan ko ng konti at sinilip silang dalawa.
"Lizi anong ngang ideal boyfriend mo?" Tanong ni Aaron kay Lizi. Si Aaron nakahiga sa kama ni Lizi habang si Lizi nag aayos ng mga damit niya.
"At kailan ka pa naging interested sa ideal boyfriend ko?" Tanong din ni Lizi, habang sinasabit ang mga damit niya.
"Ngayon lang. Dali na." Sagot ni Aaron.
"Siguro yung..." Sasabihin na sana ni Lizi ng bigla akong mawalan ng balanse dahilan para matumba ako at nabukas ng malaki ang pinto. Napatingin naman sila sa akin kaya ngumiti ako yung guilty na ngiti. Sinamaan naman ako ng tingin ni Aaron. Bakit?
"Kath? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Lizi.
"Ka-Kasi A-ano ahm pinapasabi ni Tom kakain na." Utal kong sagot. Teka, bakit nga ba ako nauutal? You know listening to a conversation is rude. Sagot ng isang bahagi ng isip ko.
"Ganon? Tara na nagugutom na rin ako." Sabi ni Lizi sabay takbo palabas ng kwarto niya.
"Istorbo." Bulong ni Aaron habang dumadaan sa harap ko. Ano naman ginawa ko?
"Kath halika na!" Sigaw ni Tom kaya bumaba na din ako.
"Pababa na." Sabi ko. Umupo naman ako sa tabi ni Tom.
"May mga lakad ba kayo?" Tanong ni Tom.
"Ako kasi may may meeting kami sa Glee Club. Baka puntahan nila ako dito." Sagot ni Lizi.
"May bibilhin lang ako." Sagot ko naman.
"Eh ikaw Aaron, wala kang pupuntahan?" Tanong ni Lizi kay Aaron na seryosong kumakain.
"Dito nalang siguro ako sa bahay." Sagot ni Aaron pero sa pagkain parin niya nakatingin.
"Tom hindi ba pupunta dito si Ate Ela?" Tanong ko. Sasagot na sana si Tom ng may mg doorbell.
*DING DONG DING DONG
"Baka mga member na yan ng Glee Club." Sabi ni Lizi.
"Ako na ang magbubukas." Prisinta ko. Tumayo na ako at naglakad papuntang pinto, pagbukas ko hindi ko ini-expect kong sino ang nasa harap ko.
"HI! KATH BUTI NA LANG IKAW ANG NAGBUKAS SA AKIN! MISS NA MISS NA KITA!" Sigaw niya habang nakayakap sa akin. Yung tinatanong ko kay Ton kong hindi ba dadalaw nasa harap na namin.
"Kath sino ba yang sumisi.... Ela? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tom na gulat na gulat, nasa likod niya rin ang dalawa.
"Hi, my dear cousin na miss din kita!" Sabi ni Ate Ela sabay yakap kay Tom.
"Lumayo ka nga sa akin Ela." Reklamo ni Tom.
"Ang arte nito." Sabi ni Ate Ela.
"Ate Ela napadalaw ka?" Tanong ni Lizi.
"Yup, sobrang miss ko na talaga kayo eh ikakamatay ko na ata pag di ko pa kayo nakita." Sagot ni Ate Ela.
"Ang drama mo." Tom sabay irap at lakad papuntang kusina.
"May dalaw ba yun?" Tanong ni Ate Ela.
"Hahaha! Ganyan naman yan Ate pag dumadalaw ka." Sagot ni Lizi.
Oo nga pala siya si Ate Danjiela Marie Smith, pinsan niya ang kambal, mabait yan gaya nila Tom at Aaron. 1st year college na siya at Acting dept, same school lang kami pero medyo malayo ang apartment niya sa amin kaya hindi siya palaging nandito, pumupunta lang siya pag walang klase. Minsan kapag Saturaday lumalabas siya ng school para pumunta sa amin.
BINABASA MO ANG
THE TWISTED HEARTS
RandomLove? Ano ba ang LOVE? Bakit maraming sumasaya at nalulungkot pag dating sa Love? Bakit merong mga tao na umaasa at paasa pagdating sa Love? Kailan mo malalaman kong siya na ba talaga ang tamang tao na dapat mahalin ng lubusan? Kailan mo masasabing...