Kath's Point of View
Galit at Pagkamuhi..
Dalawang salita na kumakain na sa buong sistema ko ngayon habang nakakatitig sa gag*ng lalaki na nasa tapat ko. Ang lalaking dahilan kong bakit miserable ngayon. Ang lalaking wala ng ibang ginawa kundi inisin at galitin ako simula palang ng magkita kami.
Francis Gabriel Yap. Ang pinaka unang pangalan na kinamumuhian at isinusumpa ko na mula ngayon. Simula ng malaman ko na siya ang lalaking nasa likod nung pesting pusa na maskara na yun, pinapatay at tino-torture kona siya sa isip ko. Hinding hindi ko siya mapapatawad.
*Flashback (kanina sa 15 minutes break)
"Umalis na si Caden at Ann. Wala na sila sa assigned room nila." Sabi ni Lizi. Nagsisimula na naman akong maiyak. Wala na si Caden iniwan na niya ang contest with that Ann.
"Siya ang dahilan nito." Biglang imik ni Vonn. Napatingin naman kaming lahat sa kanya. What does he mean?
"Anong sinasabi mo diyan Vonn?" Tanong ni Lizi.
"Si Gab." Sabay na sagot nila ni Kuya at Vonn, nagkatinginan naman silang tatlo. Huh? Paano naman nasali sa usapan ang gag*ng yun?
"Sandali nga ang gulo niyo eh. Bakit naman nasali si Gab dito?" Tanong ni Ate Ela.
"Siya yung lalaking humalik kay Kath." Sagot ni Vonn. Doon nanlaki ang mata ko. Si G-Gab? It was him?
"Oo Kath, he was the guy behind that fvcking cat masked." Sabi ni Drich na nahulaan ang nasa isip ko.
"A-Are you even serious?" Basag na tanong ko? Tumango ang mga lalaki. So alam nila?
"Bakit ngayon niyo lang sinabi?" Tanong ni Lizi.
"Ngayon lang nagreport ang inutusan naming mag imbestiga." Sagot ni Aaron. Nagpa imbestiga sila?
"Bakit naman yun gagawin ni Gab?" Tanong ni Ate Ela.
"He want to take a revenge." Sagot ni Vonn.
"For what naman?" Tanong ni Nica.
"He hate's Ash at nainis siya sa pagsampal ni Kath sa kanya." Sagot ni Vonn.
BINABASA MO ANG
THE TWISTED HEARTS
DiversosLove? Ano ba ang LOVE? Bakit maraming sumasaya at nalulungkot pag dating sa Love? Bakit merong mga tao na umaasa at paasa pagdating sa Love? Kailan mo malalaman kong siya na ba talaga ang tamang tao na dapat mahalin ng lubusan? Kailan mo masasabing...