Ela's Point of View
"Ayiee!! My first kiss na siya. Haha!" tukso ko kay Liz.
"At kay Vonn yun. Akala ko ba kay Mr. A mo ibibigay yung unang halik mo besh?" Pang aasar ni Tom. Tumawa naman kami ng namula ang mukha ni Lizi.
"Ano ba! Noong isang linggo pa kayo ah, tigilan niyo na nga yan!" singhal niya sa amin.
"Anong feeling ng first kiss?" curious na tanong ni Drich. Namula naman ako sa tanong niya. Eh kasi naman. Aish basta.
"HIN.DI. KO. A.LAM!" inis sigaw niya kay Drich! Haha! Pero namumula na siya.Hanggang ngayon kasi hot topic pa rin ang picture nilang dalawa ni Vonn.
"Ang sisteh halatang si Lizi ang unang humalik kasi nakahawak siya sa batok ni Vonn, tapos si Vonn parang nabato. Halatang gulat." pang aasar pa ni Drich.
"So kayo na ba ate?" Nakangising tanong ni Lucas.
"Ang itanong mo! Anong feeling ng manghalik na lasing." pang aasar ni L.
"Oo nga noh, lasing daw naman siya kaya di niya alam ang ginagawa niya. Pero epic yun ah. Haha." sagot ni Leroy. Inirapan naman kami ni Lizi kaya lalo kami natawa.
"Haha! Manghahalik na nga lang lasing pa." segunda ko. Lalo naman kaming nagtawanan ng mahalatang naiinis na talaga si Lizi sobrang pula na niya kasi.
"Hmp! Kainis kayo! Diyan na nga kayo!" sigaw niya sabay walk out. Nagtawanan kami lalo. Pikon?
Lizi's Point of View
Kainis silang lahat, kahit saan ako magpunta ngayon iba ang ngiti at tingin ng mga nakakasalubong ko. Yung ngiting nanunukso. Tuwing may makakatinginan ako titingin sila sa phone nila tapos parang kinikilig. Kainis kasi katangahan ko.
Pero nahihiya talaga ako sa ginawa ko. Kahit lasing ako nun, alam ko ang ginawa ko. Sh*t lang nakakahiya lalo na kay Vonn. Baka isipin niya ang pervert pervert ko. Noong isang araw ko lang nalaman ang tungkol din sa picture ko with Vonn, busy kasi ako sa foundation. Tapos hindi naman ako sinabihan nila Ate Ela, kanina lang. Potchang nganga oh.
Uwaaaah!! Sana lamunin na lang ako ng lupa. Inignora ko lang ang mga tinging ibinibigay ng mga nakakasalubong ko. Pero napahinto ako sa gitna ng hallway. Sa di kalayuan kasi nakita ko si Aaron na naka akbay ka Nica. Tumalikod ako pero wrong move naman naglalakad si Vonn papunta sa direksyon ko.
Damn! Kapag tumalikod ako nandoon sina Aaron, pero kapag naglakad ako makakasalubong ko si Vonn. Nakakahiya na siyang maka usap ngayong alam ko na ang katangahang ginawa ko. Bahala na nga. Tunalikod ulit ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa direksyon nila Aaron. Ngayon lang toh. Promise.
"Hi Lizi! Saan punta mo, nagmamadali ka ata?" Tanong ni Nica ng nasa harap na nila ako. Ngumiti ako, pinilit kong ngumiti ng normal.
"Sa studio. May meeting ako para sa finals natin." sagot ko. Nilingon ko si Aaron na ngayon ay nakatitig sa akin. Bakit mo ba ako tinitigan ng ganyan Aaron?
"Ah sige, una na ako. Bye!" sabi ko sabay nagmamadaling umakyat ng hagdanan.
Pagkarating ko sa studio. Laking gulat ko ng nandoon si Vonn. Mag isa lang siya, nakahiga siya sa may locker niya, nakapikit. Teka lang diba nasa hallway lang siya kanina? Bakit parang kanina pa siya tulog dito? Tsaka di ko naman siya nakitang dumaan sa pwesto namin ni Aaron ah? Nag iimagine lang ba ako kanina? Sinasadya ba talaga ng mata ko na saktan ang puso ko?
BINABASA MO ANG
THE TWISTED HEARTS
RandomLove? Ano ba ang LOVE? Bakit maraming sumasaya at nalulungkot pag dating sa Love? Bakit merong mga tao na umaasa at paasa pagdating sa Love? Kailan mo malalaman kong siya na ba talaga ang tamang tao na dapat mahalin ng lubusan? Kailan mo masasabing...