Kath's Point of View
"Babe dun tayo sa marriage booth oh. Dali na."
"Babe sa blind date muna tayo."
"Babe para sayo."
Babe. Babe. Babe. Bakit sa lahat ng call sign yan pa ang maririnig ko? Bakit ba may call sign pang babe? Feeling ko maiiyak na naman ako. Kagabi at nung isa pang gabi hindi ako nakatulog kakaiyak. Kahit anong encourage nila kuya sa akin kagabi. Hindi parin nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"Kath kumusta booth mo?" Tanong ni Lizi sa akin. Kasama niya si Vonn, silang dalawa kasi naa-sign sa Picture booth, mabuti pa si Lizi may kasama ako wala. Kami dapat dalawa dito ni Clyde eh. Kaya lang wala siya hindi siya pumunta.
"Hey Kath your spacing out." Saway ni Lizi.
"Okay naman dito. Yung sa inyo kumusta?" Pilit na ngiti kong tanong.
"Wag kang ngumiti kong pinipilit mo lang naman ipakitang masaya ka, kahit na ang totoo gustong gusto mo ng umiyak." Sabi ni Vonn, napatingin kami sa kanya.
"Vonn nagduda na ako. Ikaw ba si Mr. Hugot?" Natatawang tanong ni Lizi. Oo nga, ang galing niya magsalita eh.
"Haha! Oo ako nga yon." Sagot niya, nanlaki ang mata namin sa kanya. Siya si Mr. Hugot?
"Totoo?" Tanong ko. Tumango tango siya at ipinakita ang ID niyang may nakalagay na. Vonn Clinton, aka Mr. Hugot.
"Kyaaah! Hindi ako makapaniwalang kasa kasama ko ang Mr. Hugot na hinahangaan ng lahat. Haha!" Tili ni Lizi, pinagtitinginan naman siya ng mga tao.
"Psst.. Wag ka maingay secret lang yun." Sabi ni Vonn, nag gesture naman si Lizi na nagzip ng bibig.
"Sige na balik na kayo sa booth niyo. Ang gala niyo. Sho! Alis." Pagtataboy ko. Tumawa naman silang dalawa.
"Makataboy ka bes. Aso lang?" Sabi ni Lizi, tumawa sila at bumalik na sa booth nila.
"Now lets listen a song from the 4Letters requested by Mr. Smith for her girl." Sabi nung emcee na nasa auditorium. Sinong Smith naman kay toh? Baka si Aaron.
*Now Playing: Lagi Mo Na Lang Ako Dinededma By: Rocksteddy
🎵🎶Matagal ko ng gustong malaman mo
Matagal ko ng itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita
At umuurong aking dila
Pwede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin 'toDahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo
Mahal kita, pero di mo lang alam
Mahal kita, pero di mo lang ramdam
Mahal kita, kahit di mo na ako tinitignan
Mahal kita, kahit di mo lang alam, oh woh
BINABASA MO ANG
THE TWISTED HEARTS
De TodoLove? Ano ba ang LOVE? Bakit maraming sumasaya at nalulungkot pag dating sa Love? Bakit merong mga tao na umaasa at paasa pagdating sa Love? Kailan mo malalaman kong siya na ba talaga ang tamang tao na dapat mahalin ng lubusan? Kailan mo masasabing...