Chapter 13: Lizi's Pain

37 3 2
                                    

Lizi's Point of View

"Kami na ni Nica sobrang saya ko bes. Akalain mo mahal din ako ng mahal ko." Sabi ni Aaron. Nginitian ko siya.

Pero bakit hindi mo ako mahal? Diba mahal kita, bakit hindi mo ako minahal Aaron? Bakit? Ano bang meron siya na wala ko?

"Hindi lang ako makapaniwala ang bilis kasi eh." Sabi ko. He look at humiga sa damuhan and he watch the sky. Ang gwapo niyang tingnan.

"Mahal namin ang isa't isa eh. Higa ka rin bes." Imik niya sabay lingon sa akin. Nginitian ko siya at humiga din kagaya niya.

Kasi mahal nila ang isa't isa. Bakit kaya ako hindi minahal ni Aaron sa kabila ng lahat? Ako na kilalang kilala niya hindi niya minahal? I tried naman na ipakita sa kanya ang feelings ko pero paano niyang naman ako mapapansin kong may iba naman pala siyang gusto?

"Bes may ipapakita pala ako sayo." Sabi niya sabay balik upo, umupo rin ako. May kinuha siya sa bag niya. Ipinakita niya sa akin yun. At feeling ko maiiyak na ako anytime. It was an infinity ring. Dalawa iyon, at sa gitna noon may nakalagay na pangalan. Aaron and Nica.

"Maganda ba? Pinabili at pinagawa ko talaga yan." Tanong niya. Tiningnan ko siya at nginitian. Tumayo ako at nagulat ako ng tumayo din siya. Pero binalewala ko iyon. Gusto ko ng umalis doon.

"Oo naman, she'll like it promise. Congrats ulit bestfriend. Im so happy for you." Sabi ko, sabay lapit sa kanya at niyakap siya. Pinigilan ko munang wag umiyak. Baka magtanong na naman siya. Humiwalay ako sa kanya at tumalikod agad sabay nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Doon na pumatak ang masagana kong luha. Sobrang sakit parin pala. Patakbo akong umakyat sa hagdanan, sakto namang pag apak ko ng huling step ay lumabas si Kath.

"Lizi why are you crying?" Nag aalalang tanong ni Kath. Hindi ako sumagot at agad siyang nilapitan at niyakap. Halatang nagulat pa siya.

"Kath sobrang *sniff sakit sa loob ko *sniff. Sobrang mahal *sniff na mahal ko siya Kath." Umiiyak kong sabi. Hinimas himas niya ang likod ko.

"Shhh... Tama na, halika pumasok tayo sa kwarto ko." Aya niya sa akin, humiwalay ako at naglakad kami papasok ng kwarto niya. Pagkapasok ko nagulat pa kaming dalawa ni Caden ng magkatinginan kami. Nginitian niya ako. Naglakad kami ni Kath papunta sa kama niya. Umupo kami sa kama.

"Ano bang nangyari at umiiyak ka na naman?" Tanong ni Kath, inabutan naman ako ni Caden ng tissue kinuha ko iyon at nagpunas.

"Kasi may ipinakita niya sa akin yung binili niyang couples ring para sa kanila ni Nica. Im jealous, kasi alam niyo namang dati ako ang binibigyan niya ng ganon. At nahalata ko ring hindi niya na suot yung kwintas na kapartner ng akin." Sagot ko, feeling ko maiiyak na naman ako.

"Bes, tahan na. Alam ko namang nasasaktan ka pa rin, pero wala naman tayong magagawa eh." Sabi ni Kath, sabay hawak sa kamay ko.

"Alam mo kong anong solusyon diyan?" imik ni Caden. Tiningnan namin siya ni Kath ng nagtataka.

"Ano?" tanong ko.

"Dapat may isa sa inyong lumayo. At dahil malabong lumayo si Aaron sayo dahil nga sobrang manhid niya." Sabi niya. Nakagat ko ang labi ko.

THE TWISTED HEARTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon