"Ateeee! Wag niyo naman ako palayasin. Magbabayad din naman ako!" Sigaw ko sa landlord namin.
"Nako! Alexandra! Sa sampu mong sinabi dose mali! Kaya lumayas ka kung wala kang balak mag bayad." Bulyaw sakin ng landlord namin.
"Last chance na ate. Last chance! " pag mamakaawa ko Sakanya."Last chance e pang lima mo na yang sinabi! Nako lumayas ka at may titira na dyan! Alis na! " bugaw niya sakin.
Dinampot ko na ang mga damit ko na nag kalat sa kalsada sa tapat ng inuupahan kong apartment.
Ayun napalayas nanaman ako. For the 5th time! May tatanggap pa kaya sakin?
Ako nga pala si Alexandra Velasco 18 years old. Wala na kong mga magulang sarili ko lang binubuhay ko. Dati may kaya kami sa buhay pero ng mamatay magulang ko sa car accident lahat ng ari arian namin pinag aagawan ng mga kapatid nila. Walang natira samin. Ultimo yung favorite kong bike na galing japan. Pinag agawan nila. At ayon walang natira. Limas lahat.
Nung una pinag papasa pasahan nila ako. Hanggang mapunta ako kay mayor. Kumpare sila ng mga magulang ko. Buti nalang at mabait sila pinag aral ako sa mga private school. Dahil malaki daw ang utang na loob nila kila mama at papa. Pero syempre nung nag 18 nako umalis na din ako. Sabi ko kaylangan ko ng buhayin sarili ko
Kaya eto ako ngayon.
Naghahanap ng mauupahan. Sa kawalan.
Kelan ko kaya masasabi kila ninong na yung 100 pesos na binabaon ko ay pang pamasahe ko lang? Makapal na ba ang mukha ko pag sinabi ko yun? Bakit ba kasi ang malas ko? Wala naman akong balat sa pwet.
Nasapo ko ang noo sa sobrang daming kabaliwan na pumapasok sa ulo ko.I really love my life..
Nag liwanag ang mukha ko ng makita ang isang building boarding house ba ang tawag dito? Teka ang layo na ata ng narating ng aking magagandang paa ha.
Papasok na sana ako ng mabunggo ako ng mga batang naghahabulan nabitawan ko ang aking maleta kaya agad ko yung pinulot.
Luminga linga ako para mahanp yung landlord nila.
Isang malaking babae na may yosi sa gilid ng labi at naka rollers pa ang buhok ang lumabas sa kung saan."Anong kaylangan? " mataray na sabi nito sabay buga ng yosi sakanyang gilid.
"May kwarto papo? " magalang at pabebe kong sabi sa landlord
"Oo meron pa. Interesado ka? Halika sunod ka" di paman din ako sumasagot ng senyasan niya akong sumunod sa kanya.
"Hoy mag sitabi kayo dyan sinabi ko na sainyong wag kayong mag lalaro sa hagdan mga punyeta kayo! " mataray na sabi ng landlord sa mga batang nag lalaro at naka kalat sa hagdan. Mukang skwater area!!
Narating namin ang ikalawang palapag at nakita ko ang mga kababaihan na nag aalisan ng kuto sa may isang sulok na bahagi ng corridor. At mga nanay na nag kukwentuhan at mga tatay na nanonood ng isang pelikula na sapalagay ko ay 90's pa dahil sa quality ng moviena yon.
Tumaas pa kami sa isang palapag at don ko nakita kung gaano kadaming tao ang nakatira sa building na to. May mga lalaking nag iinuman din."Madam Baby baka gusto mo munang tumagay oh" malanding sabi ng isang lalaking naka itim na sando na halatang lasing na.
"Hoy berto tigil tigilan moko ha. Kung gusto mo mag sunog-atay sa umaga pwes ako hindi lumayas ka sa dadaan ko at baka hindi kita matansha e kumalat ang dugo dito layas! " matapang na sabi ni 'madam baby
Binuksan ni madam baby ang isang kwarto kung saan may maliit na lababo at isang pinto na sapalagay ko ay ang cr at konting gamit na sapalagay ko ay pag mamay ari ng dating nakatira mabuti naman at may gamit kahit papaano. Hindi ako matutulog sa sahig dahil sa papag na nakita ko sa may kita.
"O ayan kakaalis lang ng mag asawa dyan may mga konting gamit pa dyan na maayos pa naman at pwedi mong gamitin. Yung tulo ng tubig dito ay hindi libre ha! Wag ubos biyaya sa araw ng martes at biyernes walang tulo! Kaya mag imbak ka ng tubig" dire diretsong sabi ni madam baby.
"Ah ganon po ba yung ilaw po ba Ganon din? " tanong ko saknya.
"Ay hindi. Laging may kuryente pero wag parin ubos biyaya ha. Naka monitor lahat ng inilalabas na kuryente ng saksakang iyan" nguso niya sa isang sucket.
"Nga pala ang bayad dito ay 2500 isang buwan hindi pa kasama ang ilaw at tubig sa susunod na buwan kana mag bayad ng ilaw at tubig two months advanceang bayad sa renta bawal malate ang bayad mura na yon kaya kunin mo na"
"Ahh. Hehe" yun lang ang tanging nasagot ko. Naalala ko bigla na ang tanging pera ko lang ay ang pinadala sakin ni ninong na pang martikula ko sa susunod na sem pero bahala na. Kesa matulog ako sa labas.
Dinukot ko sa bag pack ko ang sobrang puti para kumuha ng pera."Eto po" magalang kong sagot ng iaabot ko na ang bayad ko.
"O siya maiwan na kita" Nakangiting sabi ni madam baby sa kauna unahang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti.
Isasarado ko na sana ang pinto pero biglang bumalik si madam baby "lagi mong ilock ang pinto mo maloko ang mga kapit-kwarto ko lalo na si berto" at tuluyan na itong umalis.Napahawak ako ng mahigpit sa hawakan ng maleta ko at napangiti.
Welcome new life, Please be good to me.