Chapter 9

1 0 0
                                    

Naguguluhan na talaga sa sinasabi ng limang to.

"Sabihin niyo na kasi sakin kung sino o ano sila" sabi ko nag paypay muna si jose bago nag simula.

"Si samiel Ventura ay grand child ng may ari ng GGS o greengoldsoft. At may malaking share pa siya sa GGM o greengoldmall na pag mamay ari naman ng mga buenavista at halos kalahati ang share niya dito sa axel academy. Ganon siya kayaman gaga ka. Pwede mong ikamatay ang hindi pagkakakilala sakanya! " sunod sunod na sabi ni jose napa maang ako sa sinabi niya

"E ang bata niya pa ha" pagtataka ko

"Pinanganak na talagang mayaman si samiel dahil kay don emilio na Lolo niya palibhasa e nag iisang apo sa anak ni don emilio kaya for sure siya ang mag mamana non. " Sagot naman ni aieza.

Dumating na ang food namin kaya naman nag simula na kaming kumain.

"Takenote car racer yang si samiel. " sabat ni kyle na kumakain ng fries.

Bago mag salita ay sumimsim muna si kurt ng shake niya

"Si Jared Ong mylovessosweet naman ay apo ng isang heneral. Pinanganak din mayamang ang babyloves ko na yon. Ang kaso hindi pina laking spoiled kaya ayon todo ang aral pero may share na din yan dito sa axel academy " Diretsong sabi ni kurt

"Si Sebastian Buenavista naman ay anak ng mag asawang lory at jared Buenavista na may ari ng GGM may shares siya sa GGS. Ang pag kaka alam ko nag ttrabaho rin ata sya ngayon sa GGS" pagpapakilala ni kyle kay sir Sebastian

"Si baste ay isang sikat na painter dito sa bansa. Astig no? Mayaman na talented pa! "Dugtong nanaman ni aieza

"Ah. E bat nag aaral pa sila? " tanong ko. Kung mayaman sila bat nag aaral pa sila?

"Ewan. Baka gusto mag pa talino" Naka ngiwing sabi ni jose.

"Ahh. " yun lang ang naisagot ko sa sinabi ni jose.

"At alam mo bang mga star player rin sila? " tanong ni edward.

"True! "  si kyle na hindi man lang kami tinapunan ng tingin at busy sa pagkain niya

"Lalo na si papa Samiel ko! Tatlong beses na yong nag Mvp girl! " Sabat ni jose.

"Hoy mas magaling si baby Sebastian ko! " sabi ni Edward na may irap pa.

Natapos na kaming kumain nag mag labasan sila ng mga lipstick foundation at iba pang make up

"Sainyo yan? " tanong ko.
Dahil naka harap kila edward Kurt at jose ang mga make up

"Oo kaylangang kaylangan yan ng mga bakla" Sabat irap ni kyle

"True. Mga baklang matumal kasi" Dagdag ni aieza.

"Mauna nako ha may trabaho pa kasi ako" sabi ko saka nag wave ng kamay.

"May work ka girl? " usisa ni jose

"Yes. Para sa ekonomiya. Bye" Sabi ko at nag lakad "Thankyou sa food! " sabi ko pa

"See you tom girl! " sigaw ni kyle

Dumiretso nako sa terminal at habang nasa jeep napag tanto ko kung gano sila kayaman lalo na ni samiel.
Ang swerte nila gwapo mayaman tapos talented pa nice.

"Bayad ho" Sabi ko ng makaupo ako sa jeep.

"Hi ms. " sabi ng lalaking katabi ko.

Di ko siya pinansin at pinag patuloy ang pag iisip.

Naramdaman kong parangmay tumutusok sa tagiliran ko. Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko kung gaano kalapit ang lalaking nag salita kanina sapalagay ko ay isa syang studyante base sakanyang uniporme.

Umusod ako ng konti at nagulat ako ng umusod din ito umusad pako haggang sa wala nakong mausadan

"Ano ba? Lumayo layo ka nga ang luwag ng jeep kung maka siksik ka" singhal ko sakanya

"Miss easy lang gusto ko lang makipag kaibigan sayo" Sabi ng lalaki

"Wala akong panahon sa mga kagaya mo. Manong para! "Sigaw ko sa driver at nag martsa pababa ng jeep

Lecte napaka bwisit nakaka sira ng araw! Wag lang mag krus ulit ang landas namin at papasabugin ko talaga ang ilong ng lalaking yon!

Mabuti nalang at malapit lapit na ko ng pumara ako.
Naabutan ko si sir Sebastian sa entrance at kinakausap si kuyang guard.

"Yes sir wala pa velasco oh ayan napala siya" sabi ni manong guard.  Na ininguso pako

Napatingin naman sakin si sir Sebastian na naka sun glasses shet bat napaka gwapo ng nilalang na to?!

"Valasco to my office now" Sir Sebastian

"Yes sir." Wala akong nagawa kundi sumunod sa knya hanggang elavator.

Nakita ko ang ilang babaeng kinikilig habang dumadaan kami. At ilang nag tataka siguro dahil sa uniporme kong suot na nag aaral ako sa axel academy.

Pumasok na kami sa elavator pero hindi niya parin pinipindot ang button para umandar ito.
Tumingin ito sakin at tinanggal ang shades. At ininguso ang button agad naman nagising ang diwa ko at pinindot amg button.

Napakunot ang noo ko dahil sa katangahang nagawa ko

Lutang kana naman!!!!

Binalik ni sir sebastian ang shades niya at nakita ko ang pag ngiti niya.

Eh?

It's always you Where stories live. Discover now