Chapter 6

0 0 0
                                    

Sumakay nako sa jeep patungo sa Ggs

"Bayad ho" Sabay abot ko sa otso pesos na pamasahe.
Medyo madami ding mga estudyante ang nakaka sabay ko dahil may pasok pa sila.

Nasa tapat ko ang mag jowang nag haharutan.
Nagulat ako ng biglang tiningnan ako ng masama ng babae dahil naka tingin ako sakanila. Nakita ko din ang pag palupot ng braso nito sa boyfriend niya.
Ay alam ko na ang ganong epek na akala nila tinitingnan ko ang jowa nila na hindi kagwapuhan akala nila aahasin ko ang jowa nila. Asa sila.
Inismiran ko ang babae na nasa harapan ko.

Pumara ako at pumasok na sa area ko. Nag palit nako ng damit at dumiretso sa mga 12th floor
Sinimulan ko na mag lampaso para matapos ko na pumasok ako sa isang kwarto don na sapalagay ko ay printing area dahil puro printer ang nandon.

Nilampaso ko na ang sahig medyo mahirap kiskisin ang sahig dahil may mga tinta na nag kalat.

Bumukas ang pinto at niluwa nito sila jv kasama ang isa pang lalaki.

"Hi alex goodmorning " bati nito sakin

"Goodmorning" Sabi ko pinag patuloy ko na ang pag lalampaso ko

Umalis na ang kasamahan niya at nakatayo lang siya habang gumagana ang printer.
Naiilang ako sakanya dahil kahit naka Yuko ako ay alam kong naka tingin siya sakin.
Itinaas ko ang tingin ko at tama nga ang hinala ko nakatingin nga ito sakin.

"Bakit? " nahihiyang tanong ko.

"Ang ganda mo kasi para sa trabahong yan" Diretso nitong sabi.

"Kaylangan ko kasing tustusan ang pag aaral ko kaya kahit Anong  trabaho keri lang " naka ngiti kong tugon kay jv

"Maganda din ang hubog mo. Conservative kaba? May iaalok akong trabaho sayo pero hindi to para sa mga conservative ha. " Sa tono ng pananalita niya ay parang alam ko na ang trabahong nais nitong ialok sakin.

"Mauna nako" tumalikod nako sakanya pero bago ako umalis narinig ko pa ang huli niyang sinabi

"Pag isipan mo malaki ang kikitain mo don! "

Gusto kong bumalik para sapakin si jv pero wag nalang dyos na ang bahala sakanya.
Nag martsa ako palayo sa printing room
Bumaba nako sa area ng makasalubong ko si sir Sebastian

"Goodmorning sir" magalang kong bati sakanya.
Tingin lang ang naiganti nito saakin kaya nag dire diretso na ako sa paglalakad.

"Punta ka sa top floor at linisin mong mabuti ang opisina na yon. Bilisan mo at pag butihin mo"  sabi superior ko. Ng makita akong namamahinga sa isang tabi.
Bawal mag pahinga ganern? Kaloka

Inayos ko na ang uniporme ko at nag ipit bago tumungo sa topfloor mag aalas onse na.
Dinala ko ang mga gamit panglinis at pumunta sa top floor.
Pag bukas ng elavator ay nakita ko na isang kwarto na puro salamin din gaya ng kay sir Sebastian ang kaso ay parang mas bongga ito kay sir Sebastian dahil may mga arcades games din sa isang banda at iba pang mga laruan na di makina.

Sinimulan ko na mag linis nag walis ako at nag vacuum dahil may carpet na kulay gatas dito sa opisina na to.
Medyo nahirapan ako dahil malaki ang opisina nato.
Napatingin ako sa pintuan dahil may babae at lalaking pumasok dito

Napayuko ako dahil mukang nag tatalo sila

"Natasha please Leave me alone " Sabi ng lalaki dahil sa boses nito

"No please. Forget what I've done before please just one last chance please Samiel please" Pagmamakaawa ng lalaki sigurado akong di pa nila ako napapansin dahil hindi pa sila tumitigil sa pag tatalo

"Forget? You mean You're asking me to fucking forget the reality that you ride someones cock huh natasha? Forget that? " halata sa boses ng lalaki na nag titimpi ito sa galit.

"Samiel please. Let's forget that." Pilit ng babae  sa lalaki

"Are you enjoying listening to our drama? " nagulat ako ng biglang may mag salita sa likuran ko.

Humarap ako kung ako nga ang kinakausap ng kung sino mang lalaki yun. Tumambad sakin ang dibdib ng isang lalaki dahil sa tangkad nito ay hanggang dibdib lang ako naamoy ko din ang aroma ng pabango nito
Tumingala ako para makita ang lalaking nag sasalita gumapang ang paningin ko sa adams apple nito pataas sa mukha nito.
Mukang familiar sakin ang mukha neto. San ba ko ba to nakita?? Basta nakita ko na to I swear!

"Are you? " ulit nito na nagpagising sa natutulog kong diwa.

"Who's that girl? " tanong naman ng babae. Nalipat ang tingin ko sa babae at nakita ko na mala anne curtis ang ganda nito at mukang model!!

"Ah eh. Janitress po inutusan po ako ni mam gie na mag linis" sabi ko sabay kamot ulo. Hinawi ko din ang ilang hiblang buhok na naka harang sa mukha ko.

"Leave " cooled na sabi ng lalaki

"Pero hindi pa po ako tapos"

"I said leave! " ulit nito nataranta ako sa sigaw niya at nag madaling umalis sa opisina niya.

Ang masaya kong fairytale kanina ay naging kababalaghan dahil sa pag sigaw niya.

Kalalaking tao naninigaw ng babae. Bakla yon bakla!

Bumaba nako sa area namin at kumain ng tanghalian.  Naabutan ko din ang ilang ka ttrabaho ko na kumakain

"Alex ikaw ba ang nag linis sa opisina ni sir samiel? " Tanong ni Jennifer

"Oo Bakit? " tanong ko kumakain kami ngayon sa isang table

"Buti at hindi ka nasigawan? Galit kasi sa tao yun e" dagdag nito

"Ahh. Hindi naman hehe" pag sisinungaling ko.

Familiar talaga ang mukha non!

San ko nga ba nakita ang mala anghel niyang mukha?

It's always you Where stories live. Discover now