Maaga akong nagising dahil medyo magulo pa ang kwarto ko. Mabuti nalang at linggo ngayon walang pasok. Maghahanap ako ng part time job ngayon pagkatapos ko linisin ang kwrato ko.
Inalis ko sa maleta ang mga damit ko at inilagay iyon sa isang kahon na kahoy na nakadikit sa pader na parang kabinet hindi na masama ang nakuha kong kwarto dahil may ilang gamit gaya ng isang papag sofa set at may single stove pa.
Inayos ko at iniba ang pwesto nila. Studio type kasi ang nakuha ko kaya kaylangan ko mag ingat.
Naligo nako at sa banyo na rin nag bihis dahil studio type nga ang kwarto nato.
Nilaylay ko ang mahaba kong buhok para umayos ang muka ko naglagay din ako ng konting lipstick at pulbos naka simpleng polo shirt lang ako at isang simpleng pants at rubber shoes kaylangan ko maging komportable dahil medyo malayong paglalakbay ang gagawin ko.Lumabas nako sa boarding house ko at ni-lock iyon. Nakita ko ang mga kalalakihan na umiinom. Hindi ko sila tinapunan ng tingin dahil baka kung ano mang yari kung mag kataon.
Nandon padin ang mga batang nag lalaro. May mga bata ding nakabihis kasama ang kanilang pamilya na mukhang mag sisimba.
Naalala ko tuloy yung mga magulang ko.Pumara nako ng jeep ng maalala ko na hindi pa pala ako kumakain. San kaya masarap kumain?
Naalala ko yung lagi kong kinakainan. Medyo may pagka mura ang mga pagkain don dahil mga lutong bahay lang ang mga putahe don.
Mabilis na kumulo ang tyan ko ng maalala ko kung gano kasarap ang nilaga don.
Ramdam na ramdam ko ang pag kulo ng sikmura ko. Nagugutom na talaga akoooo!
Ng makarating ako sa bayan ay agad kong tinungo ang kainan na yon.
Agad na bumagsak ang balikat ko ng makita ko ang karatula na nag sasabi ng "close" bakit naman sila sarado pag linggo?
Lumiwanag ang mukha ko ng makita ang mga tao na tumutuhog ng mga fishballs.Thankyou lord, Thankyou!!!
Agad akong lumapit don at nilasap ang masarap na amoy ng fishball at gaya ng ibang mga tao naki tuhog na din ako.
Pagkatapos kong maubos ang mga fishball ay agad bumalik ang enerhiya ko.
Naglakad lakad ako ng mapansin ang isang karatula sa isang matayog ba building."Wanted janitors "
Agad akong pumasok sa building at tinanong ang guard kung pwede pako mag apply para sa trabahong iyon. At laking tuwa ko ng tumango ang guard na yon
"Sigurado kaba ineng na mag a apply ka bilang isang janitress? " bakas sa mukha ng guard ang pagtataka.
"Opo kuya kaylangan ko po kasi" mabilis kong sagot at nginitian ko si kuyang guard
"Masyado ka pang bata para maging janitress at sayang naman ang ganda mo pa naman di ka nababagay sa trabahong yan baka hindi mo rin kayanin"
"Wala po sa edad ang trabaho kuya. At kaya ko po yun hehe ako pa " nginitian ko si kuya at nag dire diretso na sa loob para hanapin kung saan ipapasa ang resume
Naglakad lakad ako at nag tanong tanong kung saan mag papasa ng resume.
Nakikita ko ang pagsulyap sakin ng ibang mga nag ttrabaho doon at ang pag tataas ng kilay sakin ng ibang babaeng trabahador din.
Tinuro sakin ng isang medyo may edad na babae kung saan ang pasahan at nang makarating ako roon ay nakita ko ang mga medyo may edad ng mga babae.
Naagawan ko ba sila ng trabaho??
Masama na ba ako?"Ineng namali ka ata ng napasukan dito yung mga nag aapply ng trabaho" nakangiting sabi sakin ng isang babae nag sipag tanguan naman ang iba pang mga kasamahan niya.
"Ay hindi po mag aapply po talaga ako" nakita ko ang pag gulat sa muka ng mga tao na naroon maski ang babaeng naka formal dress ay nagulat sa sinabi ko.
Ako ang huli sa pila kaya ako din ang huling makakapag pasa ng resume.
"Ms. Velasco? "
"Yes mam. " nakangiti kong sabi sa babaeng nasa harapan ko
"Are you really sure about this? " nagtatakang tanong niya
"Yes mam. " matapang kong sagot
"You're a student how can you handle the schedules? " tanong ng babae.
"Here's my schedule mam" sabay abot ko sa schedule ko sa school.
"Wow this is nice mukang sayo dumidipende ang tadhana" nakangiting sabi nito.
Dahil totoo ang sinabi niya medyo maganda ang schedule ko sa school at hindi ganon ka hassle. Dahil alternate ang pasok ko."Thankyou mam"
"We're still gonna consider you as a part-timer cause of your schedule. " sumandal sa upuan niya ang babaeng na iinterview sakin "You're hired" nakangiti nitong sabi sakin.
"Po? " nag tatakang tanong ko.
Tama ba ang narinig ko I'm hired? May trabaho nako?
"You're hired. Monday is your first day congratulations ms velasco" nakipag kamay ito saakin at lumabas na ng kwartong iyon.
Omg!!!!! Gusto kong tumili pero wag na. Sheeeeeeet!!!! May trabaho nako hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa magandang balitang narinig ko. Mapapalitan ko na yung pang matrikula ko!
Lumabas ako sa building na yon at nag Thankyou kay kuya.GreenGoldSoft please be good to me!