Natapos ang araw at sobrang nakakapagod ng araw na to.
Mag aalas sais na ng lumabas ako ng GGS dahil sobrang nakakapagod ngayong araw kaylangan ko ng reward! Ice cream!!
Napangiti ako sa naisip ko at dumiretso ako sa ice cream parlor na nasa tapat ng Ggs pumasok ako at namili ng ice cream na kakainin.
Lumabas ako ng may ngiti sa labi at nag lakad papunta sa may terminal pauwi sa bahay.Malapit nako ng maubos ko ang ice cream na kinakain ko.
May nag bibingo sa ibaba ng boarding house at mga tenant ang nakikibingo na pina ngungunahan ni madam baby."O alex tara na at mag bingo kana baka swertihin ka"Aya sakin ni madam baby
"Ay hindi po di po ako sanay mauna na po ako"pag tanggi ko sakanya.
Gabi na pero nag bibingo pa din sila anong trip nila?
Pumasok ako sa bahay ng maalala na Wala pala akong hapunan. Nag pag pasyahan kong sa labas nalang ako bibili ng pagkain.
Inayos ko ang ilang gamit ko at sinilong ang mga sampay kong uniform. Meron kasing maliit na pasilyo na pwedeng mag sampay ng ilang damit sa likod ng boarding house.
Maaga akong natulog dahil may maaga ang pasok ko kinabukasan.Nagising ako sa ingay at kalabog nanaman ng mga kapit bahay namin. Maaga palang ay gising na ang mga dito sa boarding house.
Naginit nako ng tubig at kumain ng biscuit saka naligo 7-12 ang pasok ko ngayon at 6hours naman ako sa GGSSimula nung nangyari sa parking lot ay hindi nako ulit dumaan don sa main gate nako duma daan.
Asual Wala akong friends.Malapit nako sa locker ng nakita ko ang isang pulutong na mag babarkada na mukang may pinag kakaguluhan.
Ng mapadaan ako ay nakita ko ang isang lalaki na dumudugo ang ilong at patuloy na dumudugo
"Gosh dalin kana namin sa ospital kurt! " sabi ng isang maliit na babae na naka eye glasses
"Oo nga naman. Tara na" Dagdag ng isang babae
"Wala pa yung nurse sa clinic guys " Sabi ng isang lalaki or babae bading ata e. Nakakarating lang
"Tumingala ka kasi para hindi tumulo! " sigaw ng babae
"Wag. Pupunta sa lungs yung dugo niyan. Kumuha kayo ng yelo at towel bilis" utos ko sakanila. Nurse si ninang Fe kaya alam ko ang basic first aid.
"Lagi kaba nag gaganto? " tanong ko sa lalaking nakaupo na tumutulo ang dugo sa ilong.
"Hindi naman. Ngayon lang to" Napag tanto ko na bading ang isang to dahil sa Tono ng pananalita niya
Ilang saglit lang ay bumalik na ang mga kasamahan niya
Maya maya ay nawala na rin ang dugong tumutulo sa ilong niya"Miss Thankyou ha. Baka na tsugi na ang baklang eto kung wala btwI'm Jose joselita for long" Masayang pag pakilala nito saakin natawa ako sa huli nitong sinabi
"I'm Kyle the shortest but the prettiest " Sabi nung maliit na babae well. Oo maganda siya kaso maliit
"I'm aieza Mas pretty kay kyle"
"And I'm kurt but you can call me baby if you don't know my name. Charot di tayo talo girl hihihi" maarteng sabi ng kanina lang ay dumudugo ang ilong
"Guys ano kelan libing? Buhay pa ba ha?! " sunod sunod na tanong ng isang bading nanaman na humahangos sa pagtakbo papalapit saamin
Araw ba ng mga bading?
"Oh. Who are you miss and why are you with my friends?" Mataray nitong sabi saakin aba ha ako ang nag salba sa nauubusang dugo mong kaibigan!
"Hoy Edward siya ang ating savior! " sabi ni jose sabay hampas sa balikat ni Edward
"Oo nga bakla ka! " sigaw ni kyle sakanya
"Ay nako mga chararat kayo hindi niyo man lang tinalk saakin! Nako I'm sofia Louise ha. Hehe sorry kanina lab lab! "Sigaw nito ay niyakap pako. Wow close kami
"Bruha ka Eh pano yang kagagahan mo agad ang pina iral mo! " sabat ni aieza.
Napa tingin ako sa wrist watch ko at napag tanto na late nako
"I'm alex mamaya nalang guys ha late nako bye! " sabi ko sakanila sabay takbo
"Mamaya hintayin ka nakin sa cafeteria girl Thankyou! " pahabol ng isa sakanila na mukang boses ni jose.
Napakamot ako sa ulo ng pumasok ako sa room dahil nag uumpisa na ang klase
"Sorry mam I'm late" Sabi ko kay mam buensuceso
Tinanguan nalang ako nito agad na daanan ng mata ko si sir Sebastian at si OMG.
Sabi na nga ba! Sabi na nga ba at mukang familiar sakin ang muka ng lalaking nakita ko sa opisina kahapon si samiel! Siya yung lalaking naka leather jacket.
Nag dire diretso nako sa upuan ko nakita kong naka sun glasses pa rin si Sir samiel ganon pa din si sir Sebastian at si jared.Gosh pano sila nag aaral e Boss sila sa isang kumpanya? For what?? Ano pa bang kulang saknila?.
Ang sakit sa bangs!