Binilisan ko na ang pag kain sa cafeteria dahil sobrang ingay talaga. Pag katapos ko ay lumabas nako sa axel university gamit ang main gate at naglakad nako ng konti para marating ang terminal papunta sa GreenGoldSoft. Naka uniform pako at dun nalang ako sa GGS mag papalit teka wala pa nga pala akong damit ng janitress no? Hay tatanungin ko nalang yung ibang janitress dun.
"Manong para ho! "Sigaw ko sa manang kay manong driver ng malapit na kami sa Ggs
Bumaba na agad ako sa jeep at tumambad sakin ang isang malaking building na may letrang GGS sa medyo gitna non. Napabuntong hininga ako dahil panibagong pakikipag sapalaran ito.
"Hi kuyang guard " Binigyan ko ng matamis na ngiti si kuya guard bago ako nag dire diretso.
"Oh. Teka yang uniform na yan diba sa 'ano yan'? " Sabay turo sa uniform ko mula ulo hanggang paa
"Ay opo manong guard sa loob nalang po ako magpapalit. Sa axel university po ako nag aaral scholar po" Pag sisinungaling ko dahil pag sinabi kong mayor ang nag papa aral sakin ay baka mapag sabihan nanaman akong gold digger.
Madaming beses na nangyari yon. Pag nalalaman nila na si mayor atienza ang nag papaaral sakin ay akala nila na isa ako sa mga kabit nito dahil may pag ka chickboy ang ninong ko na yon. Pag may kasiyahan sakanila nung dun pako nakatira ay ibat ibang babae ang dinadala niya pag wala pa si ninang Fe.
Dumiretso nako sa loob para pumunta sa area ko.
Nadatnan ko dun yung mga babaeng nakasabay ko kahapon. Nag taka ako bigla lahat ba kami nakuha?"Good afternoon po" bati ko saknila
"Ay goodafternoon din naman hija. Ako nga pala si Gie at ako ang superior niyo. Pumunta kana sa locker mo eto ang susi at nandon na ang uniform mo. Pumunta kana sa 8th floor ayusin mo ang pag lalampaso ha. " paalala nito sakin tumango ako at nag punta na sa locker room. At nakita ko na ang locker ko binuksan ko iyon at kinuha ang mga damit na nasa loob isa iyong mahabang palda na hanggang binti at isang kulay puting polo na bumabagay sa bughaw na palda.
Nagtungo ako sa cr para mag palit ng damit.Bumukas na ang elevator dahil nasa 8th floor na ako. Dala ko ang ilang pang linis na inabot sakin ni mam gie. Ang taray naman dito may superior pa.
Pinalipitan ko ang mop na naka babad sa tubig at sabon at nagsimula ng mag lampaso. Medyo mahaba haba ang corridor ng floor na to at malaki din ang gap kaya medyo malaki at nakakapagod ito.
Tumigil ako saglit sa pag mo-mop dahil nahaharangan ng buhok ko ang mukha ko kaya naisipan kong itali ito para hindi sagabal."Whoa look at that face. Sabi sayo maganda e" boses ng lalaki ang nagsalita at hindi ko alam kung saan galing yon.
Tumayo ako ng tuwid at hinanap kung nasan ang boses nayon nakita ko ang tatlong lalaki sa loob ng isang kwarto na nag titimpla ng kape at nag kakantyawan.
Hindi ko sila pinansin at pinag patuloy lang ang pag ma mop ng sahig."Hey bago ka lang? " naramdaman ko ang presensiya ng isang tao sa likuran ko kaya tumingin ako sa nag sasalita at nakita ko na isa to sa mga kasama ng mga lalaki kanina.
"Ah oo " Sagot ko sa lalaki at nag tuloy tuloy sa paglalampaso
"Pasensiya kana kila glen kanina ha. Ganon talaga yung mga yon. Btw I'm Jv" Inilahad nito ang kamay niya
"Alex. Madami pakong gagawin excuse me" Inabot ko ang kamay non at tinalikuran siya.
Pinag patuloy ko ang ginagawa ko hindi ko namalayan ang oras mag aalas singko na pala at alas syete ang tapos ng trabaho ko. Nagsisipag alisan na ang mga ibang nag ttrabaho sa Ggs at kakaunti nalang ang natira kumuha ako ng isang biscuit at cup at 3in1 na kape mag memeryenda muna ko.
Umakyat ako sa 2nd floor dahil nandon ang water dispensers. Nag hagdan nalang ako dAhil malapit lang naman.Di ba uso saknila mag hagdan?
Wala kasing katao tao sa hagdan. Pinihit ko ang pinto sa 2nd floor
"Yes sir. We're warmly welcoming you to our area" rinig kong sabi ng babae napalingon ako sa bandang kaliwa ng marinigko ang boses ng babae na yon.
Halos malaglag ang panga ko ng makita si Sebastian ang kinakausap nito at pina lilibutan ng mga nag tatrabaho ditoNapamaang ang bibig ko ng si Sebastian nga ang nakita ko.
Totoo ba to? Shet. Sir?Si Sebastian sir????
Kaklase ko to ah!Huminto si Sebastian sa harapan ko.
Nakita niya ba na nakanganga ako?!!!
Noooooo!"You look familiar " Cold na sabi nito
"Ah eh ako? " turo ko sa sarili ko.
Kinakausap niya bako?"Yes. Proceed to my office now. " Sabi nito at nag dire diretso sa paglalakad.
Ano sabi niya?
Proceed ako?
Bakit?
Anong gagawin ko dun?Shet