Di pa rin ako makapaniwala na yung kaklase ko e sir ng kumpanya na to.
Kinain ko na ang biscuit ko at hindi nako nag kape at dumiretso nako sa office niya. Hindi ko alam kung anong floor siya.
Shunga shunga mo talaga alex!Nag Punta ko sa superior ko pra itanong kung anong floor si sir Sebastian.
"Why? " agad na tanong ni mam gie ng itanong ko kung anong floor si sir Sebastian
"Proceed daw po ako e" Sabi ko sabay kamot sa patilya ko.
"15th floor" sabi niya sabay tayo at labas sa area namin
Agad akong lumabas at pumasok sa elevator at pinindot ang button na 15th
Bakit niya kaya ako pinapapunta.
Namukhaan niya bako dahil kaklase ko siya?
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kaninang umaga.Ano ba kasing kaungasan ang pumasok sa isip ko at nag tinga ako sa isang sasakyan?
Halos mapunit ko ang pisngi ko sa pag kurot nito dahil sa kahihiyang ginawa ko kanina.
Ng biglang bumukas ang elavator.
Humakbang ako palabas at hinanap ang opisina ni sir Sebastian.Nakita ko agad ang opisina ni sir Sebastian isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko buksan ang salaming pinto ng opisina niya nakita ko siyang naka upo sa swivel chair niya at nag lalaro ng rubrics cube.
"Sir " pag paparinig ko para maramdaman niya ang presensiya ko.
Tumayo ito at lumakad sakin nanlaki ang mata ko ng diretso siyang nakatingin sakin. Hindi ko malaman kung bakit niya ko pinatawag dito
"Are you Alexandra Velasco? " Cooled na sabi ni sir Sebastian
"Yea yes sir" agad ko sabi dahil medyo naiilang ako sa mga titig niya
"You're a janitress? " nakangising sabi niya medyo nakaka insulto ang tono ng pananalita niya
Tumango ako bilang tugon sa tanong nito
"Where's your materials? Clean my area" Sabi nito at lumabas sa opisina niya.
Agad na napapikit ako ng maintindihan kung bakit niya ko pina punta sa oposina niya.
Janitress ako malamang magpapalinis ng kwarto yun bat ang shunga alex ha? Bat ang shunga?
Bumaba ako ulit sa area namin. Para kunin ang mga gamit pang linis. Para maaga akong matapos medyo malaki din kasi ang opisina ni sir sebastian
Nakabalik nako sa opisina niya ng may mga kausap siya na sapalagay ko ay ang kanyang sekretarya.
Sinimulan ko ng mag mop at mag punas ng bintana niya.
Nanlaki ang mata ko ng buksan niya ang automatic na kurtina ng opisina niya puro salamin ang pader ng opisina niya.
Kitang kita halos ang buong makati namangha ako sa city lights na tanaw na tanaw ko mula sa opisina niya.Wow...
Mukang naguluhan si sir Sebastian sa inasta ko dahil sobra Akong namangha sa tanawin sa opisina niya.
"You may leave now" biglang sabi ni sir Sebastian napatingin ako sa wrist watch ko at alas syete na pala kaya konti nalang ang tao.
Niligpit ko na ang gamit ko sa locker at umuwi.
Nilabhan ko ang uniform ko bago humiga sa papag.
Naalala ko ang mukha ni sir Sebastian habang naka titig sakin. Napaka gwapo ng mukha niya
Matangos ang ilong lubog ang mata ay ang laki ng adams apple kamuka niya si paulo avelino! Shet. Sobrang gwapo niya talaga!!!!!Nagising ako sa mga kalabog na hindi ko alam kung san nag mumula bumangon ako sa higaan at nag hilamos nakita ko ang oras at alas singko palang ng umaga pero bakit ang ingay ingay.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang mag asawang nag aaway"Wlanghiya ka sige lumayas ka! Napaka barumbado mo kahit kelan! Mag sama kayo ng kabit mo! " sigaw ng babae sa kanyang asawa sabay balibag ng mga damit nito. Nakita kong madami ding tao ang nanuod pero walang umaawat.
"Krising nakakhiya ang daming tao. Wag kang mabunganga" Sagot naman ng lalaki sa kanyang asawa
"Ngayon nahihiya ka ha! Pero sa kababuyang ginawa mo hindi punyeta! Mga kapit bahay etong asawa ko na to pumatong sa kumare ko ngayon mas lalo kang mahiya gago ka! " Sigaw nito at humarap harap pa sa mga nakapalibot na tao sakanya.
Sinunggbang ng lalaki ang asawa niya at sinarado ang pinto ng kwarto nila.Maririnig pa ilang sandali ang ilang kalabog pero nawala na din ito.
Ang aga aga ang ingay ingay. Nag pakulo na ko ng tubig para mag timpla ng kape Wala akong pasok ngayon kaya maaga akong papasok. Bumaba ako ng boarding house para bumili ng tinapay. Naabutan ko ang mga batang nag hahanda na sa pag pasok sa paaralan.
"Narinig mo ba kanina ang away nila krising at timyo? Nahuli daw ni krising na nakapatong si timyo kay ka maribette! " sabi ng isang chismosang kapit bahay.
Iba talaga ang chismis minsan nababawasan madalas na dadagdagan. Napa buntong hininga ako ng makita ko si madam baby sa ibaba ng tenant dahil ang ground pala ay bahay niya na mismo.
Naka rollers nanaman ang buhok nito at kahit umaga ay nag yoyosi. Nginitian ko si madam baby bago tuluyang lumabas sa boarding house tinungo ko ang bakery kung saan madadaanan ko din ang tyangge napag pasyahan ko na bumili ng konting gamit sa bahay bumili ako ng tabo timba at ilang gamit. Bumili din ako sa bakery ng ilang cup noodles dahil minsan hindi nako nakakapag hapunan dahil hassle kung kakain pako sa karenderya.Bumalik nako sa building ng tinitirahan ko.
Walang bago nag handa nako para maligo at pumasok sa GGS dahil gusto kong makumpleto ang 9hours na trabaho ngayong araw.I'm happy