" Manang, pabili nga po ng isang kaha ng yosi. Marlboro Lights. " ani ko sa tindera at inabot nya sakin ang aking binili.
Mula sa aming lugar ay napadpad ako sa Maynila. Napakadaming polusyon.
Pano nga ba ako napadpad dito?
Nung nakaraang araw ay pumunta ako sa computer shop ng aking tiyahin. Ako'y naghanap ng datos tungkol sa Caten Akiyama ng panahon kung kailan namatay si Melanie at Suzanna.
At nakasaad doon na,
" Nagpakasal ito sa binibining nagngangalang, Florencia Asuncion "
Natawa ako. Babaero pala ako noon. Hahahaha. At nakasaad pa dito na
" Nanirahan sila sa Tondo sa Maynila "
" May anak sila. Si Ryle at Eunice "
" Namatay ang maganak… "
" Kahina-hinalang pagkamatay dahil lahat ay nagbigti … "
" Ngunit nakaligtas ang anak nito na si Ryle "
Iyon ang dahilan kung bakit nagdesisyon ako na pumunta ng Maynila.
Pagdating ko sa Tondo ay pinagtanong ko agad si Ryle Asuncion - Akiyama. At naituro naman nila ito sa akin.
May kapansanan pala sya. Hindi na sya nakakalakad.
Pagkakita nya sa akin ay agad syang nagulantang.
" Babalik na naman ba ang sumpa? " tanong nya sa akin.
" Wala akong alam sa sumpang binabanggit mo. " ani ko.
Dali dali nya akong pinapasok sa munti nyang tahanan.
Pumasok sya sa isang silid at paglabas nya ay may inabot sya sa akin na isang libro at isang kahon.
" Ayoko ng madamay pa sa kagagawan ng sumpa. Ayoko nga madagdagan pa ang pasakit na hinatid nito sa akin "
" Ayan na ang mga kasagutan sa mga tanong mo. Parang awa mo na, wag mo na akong idamay sa iyong kahibangan na paghahanap ng sagot, baka magaya kapa sa akin. Nabuhay nga, ngunit wala ng silbi. "

BINABASA MO ANG
Sa Likod ng mga Alaala #Wattys2020
Mystery / ThrillerAng alaala ng isang tao ay nakabase lamang sa buhay na mayroon sya ngayon. Ngunit pano kung sa mga nakaraang buhay mo ay nababalot ka pala ng mga alaalang nagtatago sa tunay mong pagkatao. Pano kung ang mga alaala pala na iyon ang syang sisira ng mg...