Patuloy pa din na lumilipas ang mga araw
Ilang araw na din simula ng mapayapa akong nakatulog.
Nakakapagtrabaho na din ako ng maayos.
Pero kanina lang, may isang shaman na lumapit sa akin.
"Mag-ingat ka sa mga taong makakasalamuha mo."
Hindi nako nagtaka sa sinabi nya. Sabi nga nila may sinasapian si Melanie.
"Caten! Kunin mo na yung files sa table ni Annie!" sigaw ni Kreia.
"Annie?" tanong ko.
"Dun sa huling table! Yung tahimik!" muling saad nya.
Agad agad akong pumunta sa table na iyon. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang mga files na yun ay nahilo ako.
Bigla nalang akong nanghina. Nagdidilim na rin ang mata ko. Ngunit bago ako mapa-pikit. Nakita ko si Melanie sa harap ko.
"Sabi ko naman kasi sa inyo, kumain kayo bago kayo magtrabaho" bungad ni Kleia.
Si Kleia ang amo namin, ate ni Kreia.
"Ate, sorry na. Di ko naabisuhan si Caten. Alam mo naman na busy kami ngayon sa baba diba? Sorry na." sagot naman ni Kreia.
Ganyan lang naman ang bumungad sakin ng mamulat ko mata ko.
Grabe ba? Wala eh. Nagtatalo pa din sila sa harapan ko.
"Paano ako napunta dito sa ospital?" tanong ko.
"Binuhat ka ni Annie!" sabay pa nilang saad.
"Babae yun diba? Pano ako nabuhat non?" pagtatakang tanong ko.
Tumingin lang sila sakin na tila ba nagtataka din at muling nagtalo.
Annie...
Annie Sandoval...
Sino ka ba talaga?
Napatigil ako sa kakaisip ng tumunog ang telepono ko.
"Okay kana ba?"
"Ah eh sino ka?"
"Si Annie."
"Ah ikaw yung nagdala daw sakin dito. Salamat ah."
"Pasensya na."
at biglang naputol ang linya.
mukha naman syang mahina. pero pano nya ako nabuhat?
----------
CHARACTERS
Lee Jongsuk as Caten
Bae Suzy as Annie
Lee Sungkyung as Kreia
![](https://img.wattpad.com/cover/99887674-288-k237094.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa Likod ng mga Alaala #Wattys2020
Misterio / SuspensoAng alaala ng isang tao ay nakabase lamang sa buhay na mayroon sya ngayon. Ngunit pano kung sa mga nakaraang buhay mo ay nababalot ka pala ng mga alaalang nagtatago sa tunay mong pagkatao. Pano kung ang mga alaala pala na iyon ang syang sisira ng mg...