Lumipas ang dalawang araw, ako'y naglakas ng loob na bumalik sa nasunog na bahay. Halatang di na mapapakinabangan ang bahay na ito. Nakita ko ang salamin na aking napagkublian ng araw na naroon kami ng aking mga namatay na kamagaral. Pinilit kong maghanap ng mga bagay na maaring magpaliwanag sa akin ng mga naganap noon at noong nakaraan. May isang matandang lumapit sa akin. At nagsimulang magkwento, "Alam mo ba iho? Tuwing nagiisang dekada, nasusunog ang bahay na ito. Pagkalipas ng panibagong dekada muling natatayo sa di malamang paraan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng matanda. Lilingunin ko sana ito ngunit bigla ng nawala. Hanggang sa may pumukaw ng aking atensyon sa isang tabi. Isa itong mga koleksyon ng mga naitabing sulat at mukhang lumang luma na ito. Binasa ko kung para kanino ang mga sulat at ang aking nabasa ay “ Para Sa Magliligtas Sa Akin ”. Ako'y napanganga ng lubusan sa aking hawak. Dali dali akong umuwi ng tahanan. Sinubukan kong i-scan ang mga sulat o stamp ng mga sulat na aking napulot ngunit wala man lang lumalabas na resulta. Sinubukan kong magbukas ng isang sulat, ito ang aking nabasa " Sa aking taga-pagligtas. Ilang dekada ng nakulong sa isang aparador ng salamin. Ilang beses ng may nilagtas ngunit di na naliligtas muli " Di ko na natapos ang aking binabasa ng biglang mapasigaw ang aking ina. " ANAK! ANG PAPA MO! " at sa aking pagtungo nakita ko ang aking amang wala ng buhay.

BINABASA MO ANG
Sa Likod ng mga Alaala #Wattys2020
Misterio / SuspensoAng alaala ng isang tao ay nakabase lamang sa buhay na mayroon sya ngayon. Ngunit pano kung sa mga nakaraang buhay mo ay nababalot ka pala ng mga alaalang nagtatago sa tunay mong pagkatao. Pano kung ang mga alaala pala na iyon ang syang sisira ng mg...