HULING KABANATA

1K 12 3
                                    

Humupa din naman ang sa pagitan namin ni Annie. Tipong normal lang at walang problema.

Gayak na gayak kaming lahat ngayon dahil sa isang aktibidad sa opisina. Grabe, excited ako!!!

Team building kasi ngayon at sa Baguio daw ang venue namin.

Nagbaon ako ng iilang jacket dahil alam nyo na, malamig dun.

"Alam mo ba na dun daw sa Baguio may multo?" bulong sakin ni Annie.

Lumayo agad ako kay Annie dahil nananakot naman.

Pag layo ako eh sumunod naman din sya.

"Mas nakakatakot pag may kasama ka na palang multo hindi mo pa alam."

Sabay alis nya.

Habang nasa biyahe kami, kinakabahan ako. 13 lang kasi bilang sa aming lahat. Eh diba malas daw yun?

Habang pataas ang daan mas kinakabahan ako.

Baka mamaya mahulog kami sa bangin diba? O baka mamaya matulad ako dun sa Kambal Karibal.

"Wag ka ngang kabahan dyan" bulong ng isang katrabaho ko.

"Wag ka kasi manonood ng mga nakakatakot na palabas, ako natatakot sayo eh." dagdag pa nito.

Kung alam mo lang, kung anong pinagdaanan ko noon baka mas matakot ka.

Napatingin ako sa side nila Annie, tila ba sya chill lang. Natutuwa pa sya sa nakikita nya.

Hanggang sa paglibot ng mga mata ko sa buong sinasakyan namin.

Kami nalang pala ni Annie ang hindi tulog sa mga pasahero.

"Hindi kaba kinakabahan?" yan nga lang pala ang text sakin ni Annie.

Magrereply sana ako ng biglang prumeno ang driver na nagpagising sa lahat.

Napatili ako ng makita ko na nahulog ang bus na nasa unahan namin.

Lahat sila ay napatingin at kinabahan din.

"Manong, bumalik nalang kaya tayo?" pagtatanong ko.

Huminto muna ang sinasakyan namin ng ilong minuto saka muling umandar.

Nakasalubong pa nga namin ang mga pulis.

Lahat kami ay kinakabahan pero si Annie, patawa tawa lang.

Gusto kong makasigurado kung sya ba ang tinataguan ni Melanie.

o nililito nya lang ako upang mas mahirapan akong hanapin kung sino ang tunay na sinaniban ni Melanie.

Sa pagtuloy namin maraming di inaasahang pangyayari ang naganap.

Pero isa ang hindi ko makakalimutan. Kasama kasi sa team building namin ang magsimba, pero si Annie tuligsa talaga sya sa ideyang magsimba kaming lahat.

Linggo na, ngayong araw na ang pagsisimba namin. Lahat kami nakagayak pero sya hindi nakagayak at wala talagang balak gumayak. Kung kaya't hinatak ko ang aking mga kasamahan upang sabihin na doon na lamang sa bahay magdasal.

Hindi expected ng lahat ang nangyari. Pagkakita ni Annie sa rosaryo ay agad itong hinimatay, hindi agad syang namatay.

At isang pamilyar na boses ang aking narinig.

"GINAWA KO ANG LAHAT PARA MULING MAPALAPIT SAYO PERO NAALALA KO HINDI KA NGA PALA TANGA PARA MAUTO KO." sambit ni Melanie habang natatawa.

Malakas na hampas ng hangin ang nadama naming lahat doon. Namatay lahat ng mga kandila at nabasag ang mga salamin.

"Mula pagkabata palang sinaniban ko na ang katawan ni Annie. Namatay na sya noon, habang ako sinusundo na ng mga kampon ni Satanas? Ano bang choice ko, Caten? Di ba ang sumanib sa walang kwentang batang yan?" Sambit nya sabay tingin sa patay na katawan ni Annie.

"Hindi mo ba naalala kung sino sya? Si Annie nga pala ang batang tinulak mo noon sa ilog. Hindi lang ako ang may itinatago dito Caten. Bakit hindi ka lumabas sa lungga mo?"

Naginit ang dugo ng binata sa sinabi ng espiritu ni Melanie.

Nagulat ang lahat ng bumagsak ang katawan ni Caten at isang espiritong kulay itim ang niluwa nito.

"Kay tagal din nating nagkita, Melanie." sambit ng isang maitim na espiritu.

"D-dior." pagkabanggit ng pangalan na iyon ay tuluyan ng naglaho ang dalawang espiritu ngunit rinig na rinig ng paligid ang sigaw ng dalagang si Melanie na nanghihingi ng tulong.

Sa Likod ng mga Alaala #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon