Matapos ang libing ng aking mga magulang. Ilang linggo ang lumipas at tahimik ang aking buhay. Di nagpaparamdam ang kaluluwa ni Melanie miski sa panaginip.
Akala ko tapos na ang aking paghihirap. Akala ko tapos nako kay Melanie. Akala ko sya lang pero isang gabi, sa isang malamig na gabi may isang liham na lumipad sa aking kwarto." Suzzana Riego, ang pinakamamahal ni Caten Akiyama "
" Ang pangalawa sa puso nya "
" Ang patagong relasyon "
" Ang pagiging kabit "
" Ang pagsasabay "
" Nila ni Daeanna "
Nanginig ako sa aking nabasa. Akala ko matatahimik na ang buhay ko ng mawala si Melanie. Pero sino sya, sino si Suzzana?
Biglang may umukit na mga salita sa aking pader.
" Matalik na kaibigan ng dalagang si Melanie "
" Si Melanie na pinatay ang sariling kaibigan "
" na si Suzzana "
" Dahil sa kahibangan "
" sa lalaking si Caten "
Hindi lang pala sa isang storya umiikot ang mundo ko. Kung nasa palabas siguro ako mataas na rating neto. Pero hindi, nasa totoong buhay ako. Mga pangyayaring nagmula sa aking dating buhay. Mga pangyayaring naganap sa dati kong buhay. Mga pangyayaring ginagambala pa din ako.
Mga pangyayari na sumira sa aking buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/99887674-288-k237094.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa Likod ng mga Alaala #Wattys2020
Misteri / ThrillerAng alaala ng isang tao ay nakabase lamang sa buhay na mayroon sya ngayon. Ngunit pano kung sa mga nakaraang buhay mo ay nababalot ka pala ng mga alaalang nagtatago sa tunay mong pagkatao. Pano kung ang mga alaala pala na iyon ang syang sisira ng mg...