IKA-PITO - "Libing Ng Aking Mga Magulang"

1.4K 15 5
                                    


Lumipas na ang mga araw, libing na nila Mama at Papa. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako na sila ay nadamay sa aking pansariling kagagawan. Ito na nga ata ang huling masisilayan ang aking mga magulang.

" Sorry Ma at Pa, di ko natupad mga pangarap nyo sakin " bulong ko sa aking sarili.

Habang dinadala na sila sa huling hantungan ay biglang umulan ng napaka-lakas. Siguro ay hindi pa tanggap nila Mama at Papa na di na nila kami makakasama. Bumuhos ang luha ko kasabay ng patak ng ulan. Di ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa naganap.

Nang matapos ang libing. Nagsi-uwian na ang mga nakipaglibing at aking mga kamaganak. Nagpaiwan ako.

Nagulat ako ng nakita ko sila Mama at Papa. Nakaputi.  Siguro ay kaluluwa nila ang mga ito. Nakita ko silang nakangiti hanggang sa lumiwanag at nawala sila.

Akala ko magiging maayos ang araw ko. Akala ko magiging payapa pero…

Nakita ko sa mismong harapan ko, ang bangkay ni Melanie. Napatakbo ako ng napakabilis sa takot. Ngunit kahit saan ako mapunta nakikita ko ang kanyang mukha.

Napahinto ako. Imahinasyon lang siguro ito.

Pero hindi, nasa harap ko sya. Nakaluhod.

"Mamahalin mo ba ako at ililigtas?" tanong nya habang nanlilisik ang mga mata.

"Kuya! Gising, ibaba na si Mama at Papa!" panaginip lang pala, mabuti nalang at ginising ako ng aking kapatid kundi baka maaga akong napasunod kela Mama at Papa.

Nagbanyo ako sa sementeryo.

Diri-diretso akong pumasok at umihi. Paglabas ko, bumungad sa salamin ang mga pahayag na ito na nasulat gamit ang dugo,

" MAMAMATAY KAYONG LAHAT. MAMAMATAY LAHAT NG MAHAL MO. MAWAWALA SILA. MASASAMA DIN KITA SA KAMATAYAN "

Sa Likod ng mga Alaala #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon